"I just want to check if you're okay or not. Pwede ba kitang lapitan ulit?"

Hindi pa rin ako makapagsalita kahit gusto ko. Hinahabol ko pa rin ang normal na ritmo ng aking paghinga. Marahil ay napansin niya ito. Ngunit halos matigil ang paghinga ko nang pasalampak rin siyang na upo mula sa mismong kinakatayuan niya kanina habang nakatingin sa akin. At hindi ako naging komportable sa bawat segundo.

Nanatili ang ganoong lagay sa pagitan namin, hindi ko mawari kung ilang minuto na ang lumipas. Nang maramdaman kong halos maayos na muli ang aking pag-hinga. Hinalughog ko ang loob ng aking bag para kunin ang aking tubigan. Napa buntong hininga ako ng bahagya, ramdam ko ang gaan nito. Tahimik ko itong binalik sa loob ng aking bag.

Nakarinig ako ng kaluskos sa gawi niya dahilan ng paglingon ko. May inilabas siyang isang bottled water mula sa loob ng kanyang bag at pinagulong ito patungo sa direksyon ko. Marahan itong bumunggo sa kaliwang tuhod ko. Pinulot ko ito at nag-alinlangan saglit.

"That's my extra."

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakitaan ko ng bahagyang pag-angat ang kanyang mga labi. May hawak na rin siyang isa pang bottled water. Halatang pinipigilan niya ang kanyang pag ngiti, itinago niya ito sa pamamagitan ng pag-inom. Pinihit ko ang takip ng akin, at tama siya, bago nga ito. Halos kalahati agad ang nainom ko. Pinili kong hindi na siya tignan nang sinabi ko ang aking pasasalamat.

"Uh' th.. .thank you."

Bigla siyang nagsimulang tumawa ng malakas. Nakaramdam ako ng pinaghalong kaba at iritasyon. Una, baka may makarinig sa kanya at makita kaming magkasama sa ganitong lugar, pangalawa, hindi namin kilala ang isa't isa at ayokong maging simula ito ng kung anong usap-usapan.

Tuluyan ko ng naramdaman ang kaginhawaan sa aking pakiramdam. Hinayaan ko siya sa kanyang sariling mundo. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Naramdaman ko ang biglaang pamamanhid ng aking mga binti. Pinulot ko mula sa sahig ang aking bag at blusa. Lumingon lingon ako sa paligid. Nakita ko ang dalawang tangke ng tubig. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng mga ito.

"Saan ka pupunta? At least fix yourself first, woman."

Napahinto ako at nilingon siya. Pinili kong hindi mag-salita.

Gamit ang hawak kong bottled water, itinuro ko ang kinaroroonan ng mga higanteng tangke. Napangiti ako ng bahagya sa sarili ko. Inayos ko ang pagkaka-hawak ko sa aking bag at pabuntong hininga kong pinatong ang blusa sa aking kanang balikat. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

Isiningit ko ang sarili ko sa mismong pagitan ng mga tangke. Habang inaayos ko ang mga butones ng aking damit, napatingin ako sa repleksyong nasa harap ko. Kita kong nakatayo siya at naka-tingin sa kung saan, ang kanyang mga braso ay nakapahinga sa barandilla.

Bakit hindi pa siya umaalis?

Nang maayos ko na ang aking damit. Isinandal ko saglit ang aking noo sa malamig na metal ng tangke, pansamantala kong ikinalma ang aking kaisipan.

Lalapitan ko ba siya? Mag-papasalamat na lang ako at aalis na agad pagkatapos.

Bitbit ang aking bag at bottled water, lumabas ako sa aking pinang-galingan at nag-lakad patungo sa direksyon niya. Agaran siyang bumaling paharap sa akin.

"Uh' salama.. .hoy! Anak ng! Baka mahulog ka dyan!"

Hindi ko pa nasasabi ng maayos ang gusto kong sabihin nang mabilisin siyang tumingkayad at patalon na naupo sa barandilla habang natatawang pinagmamasdan ako.

Anong problema ng taong 'to?

Hindi ko alam kung anong nag-tulak o sumapi sa akin, pero mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa parehong braso. Hinatak ko siya at pabagsak kaming natumba sa sahig. Napapikit ako sa inis dahil ramdam ko ang hapdi ng aking kaliwang siko.

Hindi pa ako tuluyang naka-kabangon nang maramdaman ko ang kanyang dalawang palad sa aking mukha. Agad akong napadilat ng wala sa oras at sinalubong niya ako ng naka-ngiti.

Tanga ba 'to?

"Tanga ba 'to?"

"Hahahahahah! You're a mean woman."

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa mukha ko at patuloy pa rin siya sa pagtawa. Parehas na kaming naka upo sa sahig at magkaharap. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko, hindi ko mapigilang mainis.

"Baliw ka ba?! Alam mo bang nasa 7th floor tayo? Ayokong mag-mura, pero tangna naman, huwag kang mandamay kung hindi ka sigurado sa buhay mo. Paano kung nawalan ka ng balanse? Tapos nahulog ka? Ako ang kasalukuyang kasama mo ngayon, pag nagkataong nahulog ka, konsensya ko yun!"

"Hahahahah easy, alright, Miss, I'm sorry if that scared you."

Pakiramdam ko maiiyak ako sa sobrang inis. Pinilit kong tumayo at sinukbit muli ang aking bag sa balikat. Na natili pa rin siyang naka upo, naka-tingala sa akin yakap ang kanyang mga tuhod. Humakbang ako ng dalawang beses pa atras sa kanya at pinagpag ang pang-upong bahagi ng aking pantalon. Nang nakontento na ako, nilingon ko siya pabalik.

"Okay.. .okay, pasensya na kung nasigawan kita, hindi yun ang intention ko. Laging nandyan ang posibilidad ng disgrasya kung hindi ka marunong mag-ingat. Kita mo ba ang babagsakan mo? Kung nagkataon na nawalan ka ng balanse?"

Pakiramdam ko para akong kumakausap ng isang bata. Napabuntong hininga ako. Ayoko ng pahabain pa ang oras sa pagitan namin.

"At uh.. .salamat na rin sa binigay mo na tubig kanina. Yun lang, sige, maiwan na kita."

"Does it hurt?"

Taka ko siyang tinignan.

"Your elbow."

"Ah.. .sakto lang."

"I'm sorry."

"Ayos lang."

Bakit hindi pa siya tumatayo? Nilingon ko ang dako ng pintuan.

"Ge, alis na ako. Salamat ulit."

Hindi ko na inantay kung may sasabihin pa ba siya. Tinalikuran ko na siya at nag-simula ng humakbang paalis.

"Can I see you again?"

Saglit akong napatigil sa tanong niya pero pinili kong magpatuloy sa paghakbang ng hindi na siya nililingon, bago ako tuluyang makapasok at bumaba sa may hagdanan, tinaas ko sa ere ang bottled water na galing sa kanya, kung naka-lingon pa rin siya sa akin alam kong kita niya ang ginawa ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BreatherWhere stories live. Discover now