Kabanata 1: Heuraa

105 4 0
                                    

Cassiopeia POV

Sino mag aakala na matapos ang ilang dekada ng paghahasik ng lagim ng kasamaan, magkakaroon din pala ng kapayapaan, hindi makapaniwala ang mga encantado na Tapus na ang digmaan, wala ng kaaway mapayapa na ang lahat.

Sa ngayon. Mabuti na sinusulit ng lahat ang mga onting panahon ng kapayapaan, alam ko na hindi naman mawawala ang kasamaan nguni't hindi rin naman mawawala ang kabutihan.

Pinagmasdan ng bathaluman ang lireo mula sa kanyang isla, ang kaharian na itinatag nya na ngayon ay malaya at payapa na muli, makapangyarihan at ang pinaka centro na kaharian ng Encantadia.

Hindi nya inakala na ganito ang magiging tadhana ng lireo, maging ang mga katayuan ng mga encantado. Nagpapasalamat sya na hindi sila nawalan ng pag asa sakanya kahit napakarami na ng kanyang pagkakamali.

Makikita na ng marami na payapa na ang Encantadia, ikinasal na ang mga sanggre, nagsilang na ng mga bagong tagapangalaga at ang lahat ng kaharian ay lalong tumatayong matatag

Isa sa mga nagpapangiti sa kanyang sarili, ang nakikita ang lahat na masaya.

Isinamo nya ang kanyang sandata, ang kabilan. Ang sandata ginawa nya gamit ang dugo ni avria at gamit ang kapangyarihan ng inang brilyante.

Kagaya ng ginawa nya sa disyerto ng lugar, itinusok nya ito sa lupa at nagbuga ng kapangyarihan, gamit ang kabilan, inayos nya ang kanyang munting isla, ang kanyang naging tahanan, gumawa sya ng isang maliit na palasyo na para lamang sakanya, upang may matutuluyan na sya sa tuwing sya ay magpapahinga

Nilagyan nya ito ng lahat mga bagay na mayroon sya, hindi nag tagal natapos rin ang kanyang munting tahanan.

Pinagmasdan nya ang paligid at naisipan na gumawa ng isang pashneya bilang alaga nya, isang ibon na magiging mata nya tuwing hindi sya aalis ng kanyang tahanan, maari din itong magbigay mensahe sa mga diwata. Sumunod naman ay gumawa sya ng mga kawal na maaring magbantay sa kanyang bagong tahanan

Avisala aking munting alaga wika ni mata Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan, ako si Cassiopeia ang iyong tagapangalaga at kaibigan.

Hindi naman nag tagal ay lumapit ang pashneya sa kanyang kamay, napangiti naman ang bathaluman

Tila hindi tayo magkakaroon ng problema sa isa't isa wika nya

Inubos nya ang buong araw sa pagsasagawa sa kanyang bagong tahanan, ngunit bago sya tuluyang matapos lumisan sya sa kanyang isla upang magtungo sa gubat ng lireo, kinuha nya ang lahat ng mga kagamitan na mayroon syang noong iniwan nya ito. Bago paman sya maka alis May mga encantado na nakuha ang atensyon nya

Shedda! Sino ka? At bakit ka nag nanakaw sa aming tahanan! Tanong ng encantado

Nag nanakaw? Kailan paman ako nag nakaw sa mga encantado? Tanong nya

Hindi paba halata ang ginawa mo ngayon? Tanong nila

Hindi ko aakalain na May mga encantado na maninirahan sa aking kuta wika nya sa kanyang sarili

Poltre ngunit nagkakamali kayo, wala akong ninanakaw lalo na't kinukuha kolamang ang aking mga kagamitan wika ni mata

Sinungaling! Sigaw ng encantado at tinutukan sya ng sandata, ngunit hindi sya nabahala bago paman magsimula ang away May mga kawal at isang sanggre na lumapit

Avisala Bathaluman wika ng mga diwata at kawal saka nag bigay pugay, anong nangyayari dito? Tanong nila

Sanggre mira, ang encantada na ito ay nagnanakaw sa aming tahanan! Wika ng encantado

Nag nanakaw? Hindi naman yan magagawa ni Cassiopeia, lalo na't ang buong lireo maging ang mga gubat na sinasakupan nito ay nanggaling sakanya wika ni Mira

Tila hindi nyo nakikilala ang binabangga nyo wika ng kawal, saka naman nila hinarap si mata

Nang matauhan ang mga encantado agad naman sila nag bigay pugay at paumanhin sa kanilang nagawa

Wala kayong dapat ipag alala at ipaghingi ng tawad, lalo na't wala kayong kasalanan wika ni Cassiopeia at duon naglaho sya dala ang kanyang mga kagamitan.

Nang maka alis ang bathaluman tinarayan sila ni Mira lalo na't alam nya na mali ang ginawa nila.

Mauna na kayo mga kawal pupuntahan ko lamang si mata upang humingi ng paumanhin

Masusunod mahal na sanggre at duon umalis ang kawal ay naglaho si Mira

Naglaho si Mira sa isla ni Cassiopeia at nabigla ng May makita na isang maliit na palasyo na alam nyang bago lalo na't ngayon nya lamang ito nakita

Nakita nya ang bathaluman na ginagawan ng tahanan ang isang pashneya.

Ikaw ang gumawa nito mata? Tanong ni Mira

Tumalikod ang bathaluman at ngumiti, oo Mira, naisip ko sa aking sarili na panahon na upang magkaroon din ako ng aking sariling tahanan kaya't itinatag ko ito, ngayon, sarili nakong tahanan na alam kong makakabuti para sa akin

Napakaganda! Tila magugustuhan ito nila ina kapag nalaman nila ito wika ni Mira lalo na si Lira

Maari nyong dalawin ako rito o maari rin kayong manirahan pansamantala lalo na sa mga sitwasyon na tila napakabigat na ng pangyayari,

Avisala eshma Cassiopeia wika ni Mira saka naman lumapit ang isang retre na kulay lila

Nais mo bang tulungan kita ? Tanong ng sanggre wala naman akong ginagawa kung kaya't marami akong oras

Avisala eshma Mira, maari mokong tulungan sa pagtanim ng puno ng buhay,

Makakaasa ka Bathaluman! Wika ni Mira at agad naman tinulungan na maitanim ang munting puno na nakakapagaling ng mga kasakitan sa lahat

Nilinisan rin ni Mira ang pedestal ng inang brilyante habang nilagyan ni Cassiopeia ng tubig na nagmula sa batis ng katotohanan ang isang hardin na ginawa nya

At matapos ang kanilang napakahabang paglilinis at pag aayos natapos narin ang munting tahanan

Ang ganda mata! Ngunit ano ang itatawag mo sa iyong bagong tahanan? Tanong ni Mira

Heuraa ang nakatagong kaharian, kahit wala man mga mamamayan na maninirahan dito sisiguraduhin ko namagiging matulungin ang munting kaharian na ito upang sa hinaharap ay naipasa Korin ang aking tahanan na bagong luntei

Naipasa Mona ang lireo tapos balak mo muli ipasa ang Heuraa?

Walang habang buhay na reyna ang isang kaharian Mira kung kaya't marapat dapat lamang .

Kung ano man ang naisip mong tama mata, nasa iyo ang desisyon, avisala eshma

Avisala eshma rin sa pagtulong saakin sanggre

At duon naglaho si Mira papaalis habang pumasok na si mata sa kanyang bagong tahanan

Buhay Diwata-BathalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon