CHAPTER 21

868 62 2
                                    

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 21

C O N A N


Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim habang nakatayo sa harapan ng pinto ng aking kuwarto. Hindi pa ako tuluyang nakalalabas. Ni hindi ko nga alam kung umaga na ba o kung ilang minuto na akong nakatayo rito. Simula pa kagabi ay hindi na mawala-wala sa isipan ko iyong mga narinig. Ang sakit pa ring isipin na iyong taong mahal mo’y ikakasal na pala sa iba.

Muli akong bumuntonghininga. Tuluyan kong hinawakan ang door knob ng pinto’t ito’y binuksan. Tahimik sa sala nang makarating ako rito, kaya naman dumiretso na lang ako sa kusina ngunit muntik na akong mapatalon sa gulat nang maabutan ko si Sir Harrison doon.

Wala siyang suot na pang-itaas na damit at tanging running shorts lang sa ibaba habang siya’y umiinom ng tubig. Hindi ko alam kung bakit ko siya nagawang pagmasdan. Ang ganda ng hubog ng kaniyang katawan. Malalaki ang kaniyang mga kalamnan. Kahit may suot siya o wala ay halata pa rin kung gaano kaganda ang kaniyang hubog. Ang tiyan niya’y may walong mala-pandesal na biglang nagpatakam sa akin nang hindi ko namamalayan. Pawisan ang katawan niya’t lalong nagpaganda sa kaniyang tindig.

“My Brother and I are known for being the hottest bachelors in town, and in the world as well.” Napatindig ako nang tuwid at tumingin dito nang mabilis. Si sir Hunter na may ngisi sa kaniyang labi. Mukhang kagigising pa lang nito.

“G-Good morning po, s-sir,” pagbati ko. Hindi ko na lang inintindi iyong sinabi niya dahil ayokong isipin nito na pinagnanasahan ko iyong kapatid niya dahil hindi ‘yon totoo.
Nakangisi siyang naglakad papasok ng kusina at binati ang kaniyang nakatatandang kapatid. Kaya napabaling ang atensiyon ni Sir Harrison sa amin. Napatigil ako saglit nang muli akong mapatingin sa pawisan niyang katawan ngunit pinigilan ko na ang sariling mapatulala roon.

Mabilis akong kumilos at nagsaing ng kanin. Naghanda rin ako ng kape ng magkapatid at ako’y napatimpla rin dahil nakararamdam na ako ng antok. Hindi ko kasi namalayan ang oras kagabi kung ilang oras akong nakatulog sa dami nang tumatakbo sa isipan ko.

Gusto kong itanong kung totoo ba iyong mga narinig ko; ikakasal na ba siya? Bakit ba siya nandito? At bakit sinabi nitong mahal niya ako pero ayaw niyang malagay ako sa isang sitwasyon na mahihirapan ako? Hindi ko maintindihan at alam kong si Sir Harrison lamang ang makasasagot ng mga katanungan ko. pero hindi ko alam kung papaano ko iyon sisimulan o kung papaano ko siya kakausapin gayong nandito si sir Hunter.

“When are you leaving?” narinig kong tanong ni sir Harrison. Katatapos ko lang magluto ng almusal naming tatlo.

“Bakit pinapalayas mo na ba ako?”

“Just answer my question,” sagot ni sir Harrison.

Inilagay ko sa malinis na plato ang pinirito kong hotdogs, bacon, at itlog. Inilapag ko iyon sa kanilang harapan.

“Tch. Mamaya!” sagot ni sir Hunter at saka kumuha ng hotdog at kaagad iyong isinubo.


-

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag ng parehong umalis sina sir Harrison at sir Hunter. Mukhang ihahatid na nito ang kapatid sa Airport dahil may bitbit na bag si sir Hunter. Kaya naman inabala ko na lang muna ang sarili sa paglilinis ng buong bahay. Sinimulan ko sa kusina hanggang sa makarating ako sa ikalawang palapag ng bahay.

Inuna kong linisan ang guestroom. Hindi naman makalat dito pero pagpasok ko’y napatakip ako ng ilong dahil sa tapang ng amoy ng hindi ko maipaliwanag na amoy. Kaamoy nito iyong ginagamit ko panglinis ng kubeta kapag walang stock ng Mr. Clean. Mabilis kong tinanggal ang mga punda ng unan na may parang basa pa.

“Ano ba’ng pabango ni sir Hunter at bakit ganito ang amoy rito?” tanong sa sarili, habang napapailing.

Pagkatapos kong palitan ng mga punda at bed sheet ang kama, sunod kong pinuntahan ay ang kuwarto ni sir Harrison. Malinis naman dito kaya kaunting trabaho lang din ang ginawa ko. Mabango pa rin iyong mga punda ng unan at ng bed sheet nang amuyin ko ito. May kaunting amoy ng pabangong ginagamit ni sir Harrison na biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Mabilis kong tinapos ang ginagawa at kaagad nang umalis doon. Dinala ko sa laundry area ang mga maruruming damit at ang punda ng mga unan. Kaagad ko iyong nilabhan. Isinama ko na rin iyong mga marurumi kong damit.

Pinuntahan ko na muna iyong mga pananim ko habang hinihintay na tumigil sa pag-ikot iyong mga nilabhan ko. Hindi ko na pala sila naaalagaan dahil madalas, malalim ang iniisip ko’t nawawala sa isip ko ang maglinis dito. Napayakap ako sa sarili habang nakatanaw sa malayo.

Magkano na kaya iyong naiipon kong pera? Marami-rami na kaya? Sapat ba iyon para mabuhay akong mag-isa? Pero saan?

Napasinghap ako nang makaramdam ng mainit na yakap at marahang pagdami ng mga halik sa aking ulo. Hindi ako kaagad nakapagsalita ngunit hindi rin naman ako natakot dahil agad na yumapos sa aking ilong ay amoy nitong pamilyar at hindi ko malilimutan.

“What were you thinking? Hmm?” Muli na naman niyang hinalikan ang aking ulo. Ang tibok ng puso ko’y dumoble’t pakiramdam ko’y tuluyan itong lalabas sa aking dibdib.

“W-Wala po,” mahina kong sagot. “U-umalis na po si sir Hunter?” tanong ko. Nanatili kami sa ganoong puwesto. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil pagkatapos ng mga narinig ko kagabi ay hindi ko man lang siya magawang itulak. Sinisigaw ng puso ko na ‘kahit saglit lang’.

“Yeah. Why? Do you like my brother? He’s jerk!”

Mabilis akong kumawala sa kaniyang yakap at humarap dito. Umiling ako nang mariing. “Hindi po. K-kasi po, minsan na lang kayo magkasama, tapos pinaalis niyo pa,” sagot ko.

Ngumiti siya at ‘di ko maiwasang mapaisip kung totoo ba ang mga iyon. Pero base sa kaniyang mga mata’y totoo ang mga kislap doon. Pakiramdam ko, ako talaga itong nagkukunwari lang. Hindi ko alam.

Dumako ang palad niya sa aking pisngi habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. “I-I don’t know if I could live without you,” aniya gamit ang malalim niyang boses.

Ako rin, sir Harrison. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mabuhay na mag-isa.

Gusto ko iyong sabihin sa kaniya pero mas pinili kong itikom ang bibig ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko’t ngumiti.

“Masaya po akong dumating kayo sa buhay ko. Pinaramdam niyo po sa aking hindi ako tuluyang nag-iisa. Maraming salamat po.”

Gusto kong itigil na ang lahat dito pero bakit wala akong lakas ng loob? Bakit hindi ko magawang sabihin sa kaniyang bumalik na sa dati niyang buhay at ayusin ang mga problemang iniwan niya – kung ano man ang mga iyon.

Hindi siya sumagot, bagkus ay mabilis niyang idinampi ang labi sa aking labi. Naipikit ko ang mga mata’t hindi namalayan ang pagbagsak ng luha rito na mabuti na lang ay hindi niya nakikita.

Patawarin sana nawa ako kung mas pipiliin kong huwag na lang siyang umalis dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang muling mabuhay na mag-isang lumalaban. At kung darating man ang araw na babawiin siya sa akin, sana’y handa akong harapin iyon.

Alcantara Brothers: The Runaway Billionaire [BXB] | ONGOINGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang