Chapter 23 - Engagement

Start from the beginning
                                    

Other employees stop on their tracks as well to show their respect.

I saw a bunch of people wearing formal clothes walking in. My eyes automatically landed on the woman who was walking beside her father. In front of them was an old man you wouldn't want to mess with based on his looks.

Even though she's surrounded by men, her presence is so strong that you cannot take your eyes off her.

She's really pretty and very prim and proper.

"You..."

I blink my eyes when I heard that voice. Mababa ito at malamig na parang yelo kaya hindi ko napigilan na hindi mapalunok.

Tumingin ako sa paligid at nakita na halos lahat ng mata ay sa akin nakatuon.

"You're blocking our way."- the old man said again.

Kumunot ang noo ko. Blocking? E hindi naman...

Nag init ang pisnge ko at humigpit ang kapit sa strap ng bag ko. Kakasunod ko ng tingin kay Addison hindi ko namalayan na pati paa ko pala kumilos na. Kanina nasa gilid lang ako e pero bakit nasa gitna na ako?

Damn! Nakakahiya.

"Boys!"

Sinenyasan nya yung mga guards. Bago pa ito makalapit ay napigilan na sila ni Mr. Elin. Lumapit ito sa matanda at may binulong.

Yung matanda naman ay seryoso lamang na nakikinig, kumunot din ang noo nito at pinasadahan ako ng tingin bago napatango.

"I see. Pardon me for not recognizing you, hija. I didn't know you were the youngest Arden. Wala sa itsura mo."

If that's an insult, well, he should try harder because I'm not affected. Slight lang. 

Addison kept a straight face. She's looking at me, but her expression is blank. Her father somehow smiled at me and signaled me to just let this slide.

"Hindi ko din po kayo nakilala. You look older in person, Mr. Elin."- bulalas ko na ikinasinghap ng lahat. Kitang kita ko ang pagbabago ng mukha ng matanda. Mas naging masungit ito.

I know he's the chairman of this company pero ngayon ko lang talaga sya nakita sa personal. I'm just messing with his head though. Last week ko na din naman dito kaya wala na syang habol sa akin kung magagalit sya.

Kusa na akong umatras kahit pa masama ang tingin sa akin ng lolo nya. Nag peke ito ng ubo at inayos ang necktie na suot bago nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod naman ang iba sa kanya. Nakita ko ang paglingon ni Addison sa akin pero sandali lamang iyon at hindi manlang tumagal ng ilang segundo.

Bukod sa kanila ay may mga iba pang dumating na tao na mga naka formal attire. Mukhang may meeting with board members ang mga ito.

Mababago na ba ang posisyon ni Addi? Hindi iyon malabo dahil malapit na syang ikasal sa Kuya ko.

*************

"Oh, yosi."

Naupo sa tabi ko si Jeane. Napangiwi lang ako at tinakpan ang ilong ko.

"Pinainom mo nalang sana ako."

"Siraulo ka kasi. Ang dami dami ng lugar na pwede natin tambayan pero dito talaga sa sementeryo napili mo!"- singhal nya sakin.

Napanguso ako at mas niyakap pa ang tuhod ko. Nasa ilalim kami ng puno nakasilong habang sa paligid namin ay puro lapida ng mga taong matagal ng namayapa.

"Dito lang kasi tahimik e."

Tinapon nya yung sigarilyo at saka sya nagbukas ng candy. Tinapik din nya ang hita ko at hinila iyon pababa para gawin unan.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now