Chapter 1

7 0 0
                                    

TWINE'S POV


*SPLAAAASSSHHHH*


yan ang tunog ng pagtapon ng tubig ng mga kaklase ko sakin.


"HAHAHAHAHAHA"


Araw-araw nalang nila itong ginagawa sa akin....

binubuhusan ng tubig, binabato ng itlog, tinutulak sa pool, pag tri-tripan, binabato ng papel, pagtatawanan at iba pa.


"HAHAHA, buti nga sayo basurera! HAHAHA!"


Gustuhin ko mang magsumbong hindi ko naman magawa dahil kapag nagsumbong ako, mas malala pa daw dito ang mararanasan ko.


"Oh! may itlog ako dito, ikaw naman magbato Steve!"


*CRRRAAACCKK*


"WAHAHAHAHA!"


Hindi naman ako makapagsumbong sa pamilya ko dahil wala na sila, ang lola ko nalang ang tumutulong sa akin at ayoko namang bigyan pa sya ng problema...

Hindi ko rin magawang labanan sila. Hindi ko alam kung bakit pero nung araw ng libing nila mama at papa nawalan nako ng lakas para lumaban sa kahit sino dahil para sakin wala na kong dahilan para lumaban...


"sige! batuhin nyo pa!! HAHAHA!"


Gusto ko na nga sanang lumipat ng ibang eskwelahan pero kapag sinabi ko naman yun sa lola ko siguradong tatambakan niya ako ng maraming tanong at baka malaman nya na binubully ako dito sa skul at baka magsumbong pa sya, malaking problema yun kung sakali.


"HAHAHAHAHA!! ibuhos na lang kaya natin ang basurahan sa kanya? para naman makasama niya ang mga ka uri nya! BASURA!"


"HAHAHAHA! nice one Jaime!"


ayoko na...*sob*

umiyak nalang ako dahil wala man lang akong magagawa para sa sarili ko...

isa akong mahina at walang silbi!

siguro tama sila, isa lang akong BASURA! *sob*

Ma, Pa sana buhay pa kayo para magkaroon ulit ako ng lakas lumaban...


"HOY! TIGILAN NYO NGA YANG MGA PINAGGAGAGAWA NYO! PAG HINDI KAYO TUMIGIL AKO NA TALAGA MAKAKALABAN NYO!"


biglang may sumigaw at base sa boses nya isa syang lalake. Tumigil naman ang mga kaklase ko sa pagbato sakin at nagbulungan


"EW! bakit kinakampihan ni Tyler my loves ang basurang yan?"


"Waaaah! wag kang lumapit dyan Tyler baka mahawa ka sa pagiging basura nyan!"


si Tyler pala...

isa sya sa mga sikat dito sa school namin kahit bago pa lang sya, galing kasi sya sa ibang school at transferee lang sya dito, hindi naman kami close kaya hindi ko alam kung bakit nya ako tinutulungan ngayon.

The BulliedWhere stories live. Discover now