Kung hindi niya mapipigilan si Kira mas lalo na si Adra.
  
     “Dalhin ang mga rakar na maaaring dalhin. Itira sina Regan at Pablo sila ang mangununa sa kaligtasan ng mga tao dito.” Utos niya.

      Pagkatapos masigurado na maiiwang ligtas ang mga taga-Manor sinimulan na nila ang paglalakbay patungong  Indang.

     “Paparating na ako, reika daliya.”

***

     Pilit na tinatago ni Alisha ang takot habang kaharap si Abner. Dumating ito ng gabi ngunit hindi kaagad siya hinarap sa mga ito, bagkus pagbaba sa bus na sinasakyan ng mga ito dinala ito ni joseph sa malaking bahay na naroon. Oo bus, hindi rin makapaniwala si Alisha sa nakita. Mula ng dumating siya sa Sariya, kabayo at mga kalesa lamang ang nakikita niya. Alam niyang walang kahit anong may makinang sasakyan ang meron dito kaya gulat na gulat siya sa nakita.

     Ang mas kinagulat niya pa may hawak na cellphone si Abner. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng signal o kahit na gas ang mga ito, ang alam niya lang may gamit mula sa mundo niya ang meron dito. Latest model pa ang cellphone ni Abner kaya alam niyang hindi iyon luma. Ang tanong paanong mayroon ng mga iyon dito sa Sariya? Galing ba iyon sa mundo niya?

     Gustong-gusto niyang bumalik sa bahay nila Ali at patagong basahin ang Libereya ngunit na andito siya sa basement na kinakampuhan ng balignong dumating kagabi. Nakaluhod sa lupa at nakaharap sa am’o na si Abner.

     Basang-basa ang sahig na kinaluluhudan niya at napapalibutan siya ng mga balignong nasa ikalawang-antas. Ang mga balignong nasa unang antas ay nakakulong sa mga seldang naroon, maiingay at nakalabas ang mga kamay sa rehas at pilit silang inaabot ni Joseph, na tulad niya ay nakaluhod din at nasa tabi niya.

     Basa ang sahig dahil sa mga dugong nagkalat sa paligid. Mula iyon sa anim na taong dinala ni Joseph sa mga ito kagabi. Anim na taong iilang piraso na lang ng katawan at laman ang natira. Nagkalat ang mga iyon sa paligid. Pagpasok pa lang ni Alisha hindi niya maiwasan na bumaliktad ang sikmura dahil sa masangsang na amoy. Tumulo rin ang luha niya dahil sa awa sa mga nalapa ng baligno. Dinig niya kagabi ang sigawan at iyakan ng mga ito. Kahit anong gawi niyang pagtakip sa tenga ay malinaw parin na narinig niya ang paghingi ng mga ito ng tulong.

     “Sinasayang mo lang ba ang oras ko ha, Joseph?" Napapitlag siya sa pag-angil na iyo ni Abner. Kanina pa siya pinagsasalita ng mga ito ng ingles pero tikom ang bibig niya. Takot na takot siya pero hindi niya sinusunod ang mga ito. Baka makasama kay Malik kung malalaman ng mga ito na nagsasalita siya ng ingles. May dahilan kung bakit gusto ng mga ito na marinig siya magsalita, hangga’t hindi niya nalalaman ang dahilan wala siyang planong sundin ang mga ito.

     Sumakit ang dibdib niya pagkaalala sa binata. Ayos lang ba ito? Nagamot ba ito ng maayos? Gustong-gusto niya ng tumakas at puntahan ito. Kaya niya pero hindi siya aalis dito ng hindi kasama ang mga tao dito sa Indang. Hindi niya iiwan si Ali at batang si Addy. Kung tatakas siya dapat pati rin ang mga ito. Hindi niya pa alam kung paano pero sigurado niyang hindi siya aalis ng hindi kasama ang mga ito.

      Sinambunutan siya ni Joseph, kanina pa ito gigil na gigil sa kanya. “Magsalita ka na babae ka!”

     “Pe-pero hindi ko alam ang gusto mong ipagawa.” Maang-maangan niya.

     “Sinungaling!” Sinampal siya nito.

     “Tama na!” galit na sabi ni Abner. Nakita ni Alisha ang pamumutla ni Joseph. “Mukhang sinasayang mo ang oras ko, Ga’ani. Mukhang kayong dalawa ang magiging hapuan ko mamayang gabi.”

     Takot na takot naman na nagsalita si Joseph. “Hindi Am’o narinig ko mismo sa bibig niya ang inyong banyagang salita. Hindi po ako nagsisinungaling.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon