chapter 22

8 4 0
                                    

Elly pov:

Madilim na sa labas ngunit nasa loob parin ako nang clinic. Baka mamaya may multo na palang nakatingin sa akin o di kaya ay may gagapang na malaking gagamba at kakainin ako.

Dahil sa naisip kong yun ay agad na nagsitayuan ang balahibo ko. Kahit na alam kong kathang-isip lang ay nakaramdam ako nang kaba lalo pa at hindi  na bumalik yung "Paris" na sinabi ni calix.

"Geez... Pupuntahan ka din nila elly nakks wag ka na mag overthink" bulong ko nalang sa sarili.

Biglang namumbalik ang kaba ko nang makarinig ako nang yabag sa labas. Agad akong napatingin sa wall clock.  6:15 na pero wala pa sila.. impossible naman na kinalimutan nila ako.

Dahan-dahan akong tumayo para masilip kung sino ang nasa labas. Nang sinilip ko ay wala naman akong nakita. Ehhh? Kung maglakad nalang ako pauwi o kaya ay maghanap nang masasakyan?.... Agad akong bumalik sa loob at kinuha ang mga gamit ko. Habang kinukuha ang mga gamit ko bigla na lamang akong kinabahan kaya pinapakiramdaman ko muna ang paligid, Nang masiguro na wala naman ay nagpatuloy na ako.

Tickk...

Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang tunog na iyon. Nang marealize ko ang tunog ay agad kong nilapitan ang door knob at tama nga ako... it's lock.

" Tulong!!! Palabasin  niyo ko dito!!!" Sigaw lang ako nang sigaw hoping for someone na makarinig sa akin.

" Saraiii!!! Calix!!! Jen!!! Andito ako!!! Huhuhu!!! Palabasin niyo ako!!!" Alam ko na impossible pang may tao na dadaan sa clinic. Itinigil ko na ang ginagawa ko nang mapagod na ako. Nagpatay-sindi din ang ilaw sa clinic hanggang sa tuluyan nang namatay.

I'm not afraid of dark. Ang dilim ang naging sandalan  at saksi ko noong mga panahon na halos piliin ko nalang ang mamatay.  Pero iba ngayon, pakiramdam ko ilang minuto nalang hihimatayin na ako. Ayaw ko sa dilim na may kasamang takot... Ayaw na ayaw ko.

Nagulat ako nang maramdaman kong umikot ang door knob kaya agad akong napatakbo sa maliit na kama at nagtago sa ilalim nang kumot.

Naginginig na ang katawan ko at ramdam ko na ang pagkalakas-lakas na tibok puso ko.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid at tahimik lang kaya unti-unti kong tinaggal ang pagkakabalot sa kumot  na sana ay hindi ko nalang ginawa.

Napasigaw ako nang wala sa oras at pinipigilan na Ang pag hinga.

" Kyaaaaaaaahhhhh!!!"

And everything went black.

Yves pov:

" Paps gabi na at wala pa din si bakla myghad!!!" Pasigaw kong sabi. May estudyante na nakapag-sabi sa amin na  sarado na ang clinic at walang tao.

" Wala pa si Raine at Panigurado na nasa bahay na iyon" kalmado niyang sabi.

" Puntahan nalang natin sa clinic " suhestyon ni Elain. My first thought of her is she's pa-victim. Like she's so plastic and i hate her existence talaga hmp.

" Oi yves! Nagmukha ka nang Pato" agad kong binalingan si zera at tinaasan nang kilay.

" May pataas-taas pa nang kilay hahaha mukha tuloy palaka" at nagtawanan naman sila pagkatapos sabihin iyon ni mics na hawak pa sa kamay ni Tine. Walang forever.

" Ano ba! Hanapin ba natin si ate Elly o hindi?" Agad kong tiningnan si sarai. Kanina pa siya iyak nang iyak.

" Shuta ka teh ang ingay mo! Ito na nga hahanapin na." Pasigaw kong sabi sa kanya.

La Familia De GamusWhere stories live. Discover now