“May sinasabi ka ba?”

“Jusko, kanina pa Aelyh. Hindi ka ba nakikinig?” bakas sa tono nito ang asar.

Nagkibit-balikat lang ako.

“Tapatin mo nga ako babae ka. May problema ka ba? Ilang araw ka na parang wala sa sarili mo. Nagd-drugs ka ba?” usal niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. “Pinagsasabi mo? Siraulo ka.” natawa pa ako at binuksan ang locker ko para kunin ang bag ko.

Tapos na ang trabaho ko kaya inaayos ko na ang mga gamit ko.

“Eh? Ano nga? Alam mo namang magaling ako sa mga comfort comfort na ‘yan kaya nga hindi ako makalimutan ni Zach, e. Kung nakikinig ka lang sana sa kwento ko kanina sana alam mo kung ano ibig sabihin ko ngayon. Pero may problema ka nga? Masyadong full ‘yang utak mo ata nitong mga nakaraang araw at hindi na makatanggap ng mga chismis ko, e. Ano na? Hindi ka ba sasagot?”

Napakamot ako sa ulo ko. Paano ako sasagot e talak nang talak ‘tong bibig ng isang ‘to.

“Ayos lang ako, Fatima. Atyaka siguro pagod lang ako kaya hindi na kaya mag function nang maayos ‘tong utak ko.” ani ko.

Mas kumunot ang noo niya. “Alam mo, Aelyh. Seryoso ‘to ah.” natawa pa ako sa sinabi niya. Kailan lang ba siya nag seryoso? “Huwag kang tumawa, seryoso nga ‘to, e.”

Napailing-iling na lang ako.

“Kung may problema ka man, sabihin mo sa’kin. Baka makatulong ako. Hindi man ako siguradong maka tulong ako, at least I tried my best to help you. Hindi ka na iba sa’kin, Ael. Parang kapatid na rin naman na turing ko sa’yo. You can count on me. Marunong ka bang mag bilang?”

Okay na sana, e. Gumanon pa kasi.

“Ewan ko sa’yo.” Tumawa ako kaya tumawa na rin siya.

Lumabas na ako sa locker's room nang matapos kong ligpitin ang gamit ko. Nagpa-iwan pa si Fatima roon kasi may tumawag sa kaniya. Halatang si Zach dahil sa biglang pag-iba ng boses niya.

“Ael, uwi na?”

Pagkalabas ko ng restaurant ay bumungad sa'kin si Ceilo. Naka sandal ito sa sasakyan niya.

Tumango ako.

“Tara? Gabi na, masyadong delikado kung maghihintay ka pa ng masasakay.”

“Huwag na, Ceilo. Kaya ko-”

“I know you can. But let me, Ael. Pag may nangyari sa’yo-”

Medyo natawa ako. “Walang may mangyayari sa’kin.”

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya. “Hop in, Ael.” He smiled.

Wala na akong may magawa pa at nakakahiya naman kung tatakbo ako kasi ayaw kong magpahatid.

I sighed before entering the passenger seat.

“Thank you.” I smiled. Lumawak naman ang ngiti nito bago sinara ang pinto ng sasakyan.

Bait niya talaga. Gan’to rin ba siya sa iba?

“Birthday ni mama bukas, she told me to invite you.” Sabi niya bago pina andar ang makina ng sasakyan. Lumingon ako sa kaniya. “I know that look, Aelyh. Alam kong tatanggi ka na naman ulit.” Bahagya pa itong natawa.

Mahina rin akong natawa sa sinabi niya. Inunahan pa talaga niya ‘ko.

“Bukas?” Tanong ko pa ulit.

“Yes, Ael. Dinner iyon. I'll just let Sir Harold know that you can't work tomorrow because mommy invited you to her birthday.” Ngumiti siya “And if you are worrying about your salary for tomorrow, it will not be reduced.” dagdag pa niya.

Natawa ako. “Kailan mo lang ginamit ang ‘anak ng may ari ng restaurant’ card mo?”

“Now.” Diin niya. “I’m using it right now, Aelyh. Kaya pumayag ka na. Bahala ka, tatanggalin ka kapag hindi ka pumunta ka bukas.”

Nang blackmail pa nga. Hindi na ako nagsalita pa at pumayag na ka agad. Hirap din kasing humindi dito kay Ceilo, pinipilit niya talaga, e. At ayoko ring tumanggi lalo na at mommy na ni Ceilo ang nag invite sa’kin. Nakakahiya naman lalo na ang bait-bait pa sa’kin ni Tita Ginna.

Sumunod naman ang nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan. Nasa labas ang tingin ko. Madilim na ang paligid, tanging mga ilaw na lamang sa poste ang nagsisilbing ilaw sa daan. Agad na pumasok sa isip ko na dalawang araw na lang pala at hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa’kin pagkatapos. Hindi pa rin nawawala sa akin ang takot. Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa naka labas na ako sa kotse niya.

“Aelyh.” Tinignan ko si Ceilo sa loob ng kotse nang tawagin niya ‘ko. “Whatever you're thinking, just know that everything will be okay.” He smiled.

Tipid akong napangiti.

Tama siya, magiging okay din ang lahat.

Tinignan ko ulit ang kotse niya papalayo hanggang sa hindi ko na ito makita. Napahinga ako nang malalim bago humarap sa gate ng bahay namin. Nadatnan kong nakatulog si Lola sa sofa habang naka andar pa ang TV. Kinuhanan ko siya ng kumot at kinumutan siya bago pinatay ang TV. Pumasok na rin ka agad ako sa kwarto ko para maligo at makapag pahinga na rin.

Halos isang oras na ako nakahiga pero hindi pa rin ako makatulog. Ang bigat bigat ng ulo ko, ang gulo gulo. Naghahalo ang emosyon na namumuo sa akin. May takot, kaba, naiiyak na ewan. Hindi ko na maintindahan sarili ko.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa labas na ng bahay. Napapikit ako ng sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

“Papa...”

The cold breeze made me cry even more. Tahimik na ang palagid. All I could hear was the peaceful surroundings and my little sobs. Gusto ko ang ganitong katahimikan. Mapayapa.

“Why did you left me?”

“He didn’t.” his deep voice added to the coldness I felt.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. Nakatayo ito ngayon sa harap ko habang nasa magkabilang bulsa ng jacket niya ang dalawang kamay. Ang pamilyar na amoy niya ang nagpakilala sa’kin kung sino siya. Dahil sa ilaw na nasa poste ay nasilayan ang ko ang makapal niyang kilay at ang asul niyang mata.

“All he ever thought before about was you. He did everything-”

“Everything?" Umiwas ako ng tingin. “Bakit hindi siya nakabalik kung ginawa niya naman pala lahat?” Bigla-bigla na lang nagsi-bagsakan ang mga luha ko sa mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at nahihirapan na ring huminga.

Hindi ko maiwasang e tanong ang ilang araw ng bumabagabag sa utak ko. Ang sakit lang isiping ginawa niya ang lahat pero bakit hindi pa rin siya nagpakita sa’kin? Hinintay ko siya. Halos araw-araw akong nasa labas noon, nagbabasakali na kahit anino niya man lang ay makita ko. Kailangang-kailangan ko siya. Ang akala ko ay si Mama lang ang mawawala, hindi ko inaasahang pati siya ay iiwan din pala ako.

“He tried.”

Mas lalong lumakas ang hikbi ko. Hinang-hina na ang buong katawan ko. Ang bigat ng puso ko, sobrang bigat.

“But he failed.” I looked up at him again.“Because of me.”

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jan 12 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

My Dearest, AbsquatulateWo Geschichten leben. Entdecke jetzt