''You're sparkling!!'' Napangiti lang ito. Ngayon ko kasi nakita ng malapitan ang mukha niya.

''Hindi ako si Edward Cullen kaya imposible yang sinasabi mo. Akin na yang gamit mo."kinuha nito sa akin ang back pack ko.

''Hindi na.. Teka nga, bat ba kailangan mo pang kunin yung gamit ko?? Kaya ko naman.'' nag lakad na akong papuntang classroom. Sumusunod pa rin sya.. Binilisan ko yung lakad ko.. Binilisan nya din yung lakad nya.. napatigil ako..

''Sinusundan mo ba ako??! Kanina kapa sunod nang sunod ahh..'' nakapamulsa lang ito. Nag papa cute ba siya sa akin?

"Alam ko maganda ako pero please naman huwag ka masyadong obvious." Tumawa lang ito lalo.

"Pwede bang bumalik kana sa planeta kung saan ka galing? Nabwibwisit ako sa iyo e."

''Uhm, Mag ka section tayo.. Malamang mag ka pareho tayo nang pupuntahan, diba? Sa earth ako galing.. Ikaw  saang planeta ka ba galing??'' Medyo napahiya ako ng very slight doon. Inayos ko ang sarili ko. Kailangan ko ng iwasan ang mokong na 'to.

Nagulat ako ng bigla itong pumunta sa harapan ko.

''Bago ka mag assume dyan, Kailangan mag tanong tanong ka muna.. Para hindi ka napapahiya..''

Binilisan ko ang lakad ko at kumiripas ng takbo papasok ng classroom. Pero tumakbo rin ito papunta ng classroom. "You can't run from me." Sabay wink nito sa akin.

"Iww yuck.." masuka sukang expresyon ko pag katapos niyang sabihin yun.

''As if naman super gwapo.'' Umupo na ako sa pwesto ko. Nakatingin sa akin si Megumi na para bang sinasabi ng mga mata nito na may di ka sinasabi.

"Bat ganyan ka makatintin?" Siniko ako ni Megumi..

''Aysus.. nako teh? choosy ka?'' umiling lang ako.. "Nako ha, tigilan mo ako. Tsaka di ko yan kakilala."

"Sus. Palusot dot com ka jan pren." Inikot ko lang mata ko. "Tsaka hello, di ako kaladkarin babae. Malay ko kung anong personality niyan. Kaya tigilan mo ako."

"Ang ganda nga naman oh. Ganda ganda e. Hindi mo ba talaga kakilala kung sino yan?"

"Paki ko jan." Masungit na sabi ko.

"Yan si Batas."' batas? Ang pangit naman nang pangalan... Parang pang barumbado!

''Ang famous mo pa naman din. Di mo talaga siya kakilala girl? Tsaka prinsesa ka pa man din."

''So? anong connect nang pagiging prinsesa dun? Hindi naman kase ako kasing tsimosa mo..'' nag fake smile sya.. Sanay na din ako sa kanya.. Hahaha pero best friend ko yan..

''Sakit naman. Rinealtalk mo ako ng very hard. Tagos to the bones.'' nag tawanan lang kaming dalawa..

Dumating na yung teacher namin at nag si ayos na kame nang upo.. Daig pa kase nya yung may signal number 4 sa sobrang ka sungitan.. Terror kung terror..

Nagulat ako ng biglang umupo si mr.batas sa tabi ko.. Nag smile sya sa akin. Ang creepy men. iniusog ko yung silya ko papalapit kay Megumi.

''Mr.Batas pwede kabang mag pakilala sa mga classmates mo??'' tumayo sya at tinaas yung kamay.. Tanga ba sya? Bat mukha syang nangangampanya?

''Ako nga pala si Batas, kilabot ng campus nito. Nag iisa at bukod tangi. Ipag tatanggol ka sa abot ng aking makakaya. Single ako by the way.." tumingin ito sa akin.

"Nice meeting you all."  Nang babalik na ito sa upuan niya. Nag palakpakan at nag hiyawan ang mga kaklase ko. Hindu ko alam kung nag papa cute ba siya o ano. Ultimong si Megumi nababaliw na. Sino ba yang Batas na yan?

HE IS MY PERSONAL BODY GUARD(REVISING 2020) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon