Chapter 12

7K 132 6
                                    


Pagkatapos kong mag-cr, isinuot ko na ulit ang mask ko. Actually, hindi naman talaga ako nagbanyo. Nagtago lang ako dahil baka makilala ako ng kaibigan ni Professor Veinz.

Sinilip ko muna kung nandoon pa ba ang kaibigan ni Professor Veinz. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong wala na ito doon.

Lumabas na ako at bumalik sa table namin.

"Hi! Sorry kung natagalan." bungad ko kay Professor Veinz.

Hindi pa rin nagbago ang reaksyon niya. Gano'n pa rin at medyo galit na.

Nagulat nalang ako nang bigla itong tumayo at naglakad palabas ng restaurant.

Anong problema no'n?

Tumayo na rin ako para sundan siya. Napapangiwi pa ako dahil sa hapdi ng sugat ko sa paa. But I was trying my best to cope up with him until we reached the parking lot.

Nang maabotan ko siya, hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya ngunit galit niya lang akong tiningnan.

"What's the problem?" tanong ko sa kanya.

"Why don't you ask yourself, Angelica?" Hindi na nga siya nakapagtimpi kaya medyo tumaas na ang boses niya at halatang galit ito.

Hindi ko siya maintindihan.

"Ano ba'ng ibig mong sabihin, ha?"

He laughed humorlessly. "Akala mo ba hindi ko napapansin? Ayaw mo akong makasama!"

He looked at me right straight into my eyes. "Tell me, Angelica. Kinakahiya mo ba ako?"

"No!" agap kong sagot.

I didn't know where he get that idea.

"No? Pero bakit 'yon ang nararamdaman ko? Nahihiya ka siguro because you're dating a man older than you."

Tangina naman. Hindi niya siguro naitatanong na gusto ko 'yong mga sugar daddy. Kagaya niya. At saka hindi naman magkalayo ang mga edad namin ah?

I'm 22 and he's 27. It's not bad for a couple.

"It's not what you think, Veinz."

His teeth gritted. "Are you playing with me, hm? Angelica?"

Hindi ko siya sinagot.

"You know what? Umuwi nalang tayo." sabi ko.

Wala nang patutunguhan ang usapan naming ito.

Nilampasan ko siya at akmang bubuksan ko na ang pintuan ng sasakyan niya nang bigla siyang nagsalita.

"Kinakahiya mo nga talaga ako." mahina niyang sabi ngunit dinig ko iyon.

"That's bullshit, Veinz! Stop thinking that way dahil kailanman hindi kita kinakahiya!"

I couldn't stop my self to not raise my voice at him. It was so frustrating!

"Pero ano 'yang mga ginagawa mo? You pushed me afraid na may makakita sa 'tin. You are wearing a mask para hindi nila makita na ako ang kasama mo. Tapos tinatago mo pa 'yang mukha mo! What's that supposed to mean, Angelica? That means, ayaw mo akong kasama. Kinakahiya mo ak—"

"I am protecting you, Veinz!"

Hindi ko napigilan at talagang napasigaw na ako. Isa-isang nagbabagsakan ang mga luha ko.

His face deformed. "Protecting me from what?"

Pinahid ko ang luha ko at tinanggal ang mask ko. "I am protecting your reputation. Takot ako na masira ang pangalan mo dahil sa akin. I know hindi tayo totoong magkarelasyon but I am afraid that I might be the reason of your downfall."

HOT SERIES #3: Tame me, Professor Where stories live. Discover now