CHAPTER ONE

38 1 0
                                        


PUNO ng kasiyahan ang puso ni Bianca. Kakatapos lang ng huling paglilitis ng kaso ni Mang Lando,and she's won that case.

Nakulong ng ilang taon si Mang Lando sa kasalanan hindi naman nito nagawa.Napatunayan ni Bianca sa husgado na frame-up lamang ang nangyari sa  kay  Mang Lando. Napawalang sala ito at binigyan ng  danios money. Dapat lamang iyon para makapagsimula ng panibagong buhay si Mang Lando kasama ang pamilya nito kapag nakauwe na ito ng Pilipinas 

Mission accomplished na naman siya. Tumayo si Bianca na may ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi.Niligpit niya na ang kanyang mga gamit ng sa ganoon ay makaalis na rin siya. 

"Attorney Bianca."

Napalingon si Bianca sa pinanggalingan ng boses na tumatawag sa pangalan niya.

Nagpaskil siya ng maluwag na ngiti sa kanyang mga labi ng mapagsino ang tumatawag sa kanya.

"Manong Lando."Hinintay niya na tuluyan itong makalapit dito ang lalaking nasa fifties na ang edad.

"Attorney,marami-maraming salamat sa malaking tulong mo,"maluha-luhang sabi nito.

"Deserve mo po ang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa'yo Mang Lando."Maliban kasi naabswelto sa kaso nito ay binigyan pa ng pera si Mang Lando. "Puwede ka na rin makauwe sa atin Mang Lando at makapagsimula ulit." Sabay tapik niya sa balikat nito.

Tumango-tango si Mang Lando na pigil ang mga luha nagbabadya sa gilid ng mga mata nito. "Napakabuti mo Attorney,palaging kang mag-iingat."

"Isang karangalan po na makatulong sa katulad mo Mang Lando."

Libre ang serbisyo ni Bianca sa mga nangangailangan ng tulong niya at ng law firm pinagtatrabahuan niya na pagmamay-ari ni Manolo. Tinatag ni Manolo ang branch ng Darren  Law firm dito sa Canada upang makatulong sa kapwa kababayan na walang kakayahan magbayad ng abogado at mabigyan ng karapat dapat na hustisya.

"Paano po,mauna na akong aalis Mang Lando. Mag-iingat din kayo palagi."

Pagkatapos magpaalam ni Bianca ay hinakbang niya na ang kanyang mga paa paalis dito sa loob ng supreme court at dumiritso na roon sa parking lot kung saan naka park ang kotse niya.

Kaagad siya pumasok ng kotse at binuhay ang makina ng sasakyan. Habang nasa byahe ay nakatanggap siya ng tawag mula sa big boss niya ang nagmamay-ari ng Darren Law firm,pinagtatrabahuan niya. Pinapadaan siya nito sa law firm office. Ang balak niya sana ay dumiritso na ng uwe sa bahay niya at gusto niya ng ipahinga ang pagod niyang katawan.Ngunit kailangan nga niya dumaan muna ng office.

Nasa labas na siya ng opisina nagtataka si Bianca na sobrang tahimik yata sa loob ng office."Busy lang siguro sila," aniya sa sarili.

She's press the automatic door bottom. Bumukas  ang pinto ay may pasabog ang mga kaibigan slash co worker niya.

"Congratulations Bianca Raider,"halos magkasabay-sabay sabi ng mga kaibigan niya.

Sinadya ni Bianca tinaas ang isang kilay niya."Thank you sa surprise pero ang gusto ko sana ngayon ay pahinga."sumimangot pa siya,alam ng mga ito na nagbibiro lamang siya.

"Congratulations baby girl,"si Janno na may pa hug pa itong nalalaman. Malaki ang katawan nito ngunit pusong babae naman.

"Miss Bianca Raider flowers delivery for you,"ani ng security guard na nakasunod  sa likuran nito ang delivery boy na may hawak na bouquet of flowers.

Lumapit siya para kunin ang mga bulaklak mula sa delivery boy."Thank you," aniya pagkatapos niya pirmahan ang recipient.Umalis na rin ang mga ito.

SWEET BASTARDWhere stories live. Discover now