Chapter 37

69 3 0
                                    

Pagsapit ng 3:00 ng hapon ay nagtungo na ang buong team ng Kanagawa Rising Sun sa Kanagawa Gymnasium. At habang papasok sila ng Gymnasium ay nakasalubong nila ang team ng Tokyo Brave Warriors. At sa pagkakataong iyon ay isang matalim na tingin ang isinalubong ni Moroshige kay Sakuragi. Napangisi naman si Sakuragi sa ginawang pagtitig sa kanya ni Moroshige.

"Mahina at bulok ang Team nyo Sakuragi!!!" Pang-iinsulto ni Moroshige kay Sakuragi at sa buomg team ng Kanagawa.

"Ikaw ang bulok dahil hindi nga kayo umubra sa akin noong College League eh!!! Bagay nga kayong magsama ni Masashi!!" Bawing pang-iinsulto naman ni Zen kay Moroshige. Bigla namang nakaramdam ng matinding takot si Moroshige nang makita nito si Zen Iroshi.

"Diba, nasa Ateneo De Manila ka dati??!!" Kinakabahang tanong ni Moroshige kay Zen.

"Oo Moroshige!!! Pero nagdesisyon ako na mag-aral dito sa Japan! At malas mo nalang dahil muli tayong magkakaharap!!!" Tugon naman ni Zen kay Moroshige. Sa pagkakataong iyon ay hindi na maipinta ang mukha ni Moroshige dahil sa takot na kanyang nadarama. Nang makapasok na ang .magkabilang team sa Gymnasium ay nagtungo na ang mga ito sa kani-kanilang Bench Area.

"Mukhang mapapalaban tayo nito dahil hindi na basta-basta ang team ng Kanagawa ngayon!" Kinakabahang wika ni Dai Moroboshi sa kanyang mga kakampi.

"Gawin nalang natin ang lahat para matalo ang team ng Kanagawa Rising Sun!" Tugon naman ni Satoru Kakuta kay Morboshi. Pagsapit ng 4:00 ng hapon ay nagsalita na ang Announcer para sa pagsisimula ng laro.

"Magandang hapon sa inyong lahat! Ngayong hapong ito ay sisimulan na natin ang ikatlong game para sa Day 4 ng College Matches! At ang maglalaban sa hapong ito ay ang kopunan ng Tokyo Brave Warriors at ang kopunan ng Kanagawa Rising Sun!!!" Wika ng Annoubcer pagkatapos ay ipinakilala na nito ang player ng Tokyo Brave Warriors.

Jersey #4; Dai Moroboshi
Jersey #5; Satoru Kakuta
Jersey #6; Kentaru Ishi
Jersey #7; Toki Kuwata
Jersey #8; Heroshi Moroshige
Jersey #9; Daijo Minamoto
Jersey #10; Ichi Roa
Head Coach Zai Domo
Assistant Coach; Renz Midaru
Team Manager; Hara Iyumi
Assistant Manager; Niña Maiko

Matapos ipakilala ng Announcer ang Team ng Tokyo Brave Warriors ay ipinakulala naman nito ang  Team ng Kanagawa Rising. At nang matapos nang ipakilala ng Announcer ang lahat ng player ay  nagwarm-up na ang magkabilang kopunan. At pagkalipas ng ilang sandali ay nagtungo na ibang manlalaro sa ksni-kanilang Bench Area sapagkat magsisimula na ang laro. Ang starting Five ng Tokyo Vrave Warriors ay sina Moroboshi, Kakuta, Ishi, Kuwata, at Moroshige. Orange ang Jersey Color ng Team Tokyo. Para naman sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun ay sina Kenzo, Harikswa, Rukawa, Sawakita, at Sakuragi ang kanilang Starting Five, at Violet naman ang Jersey Color ng Kanagawa Rising Sun.

Mayamaya ay pumuwesto na ang mga manlalaro sa gitna ng Court para sa Jump Ball. At nang inihagis na ng referee ang bola sa ere ay sabay na tumalon sina Sakuragi at Moroshige, at sabay rin nilang nahawakan ang bola.

"Sa amin ang unang possession!!!" Sigaw ni Sakuragi sabay itinulak nito nang buong lakas ang bola patungo kay Kenzo, at tagumpay naman iyong nagawa ni Sakuragi. At dahil sa ginawa ni Sakuragi ay bumagsak si Moroshige sa sahig ngunit kaagad naman itong nakatayo. Pagkasalo nga ni Kenzo sa bola ay dumiretso kaagad ito sa ilalim ng basket sabay tira nito ng Slam Dunk ngunit mabilis na nasupalpal ni Moroboshi ang tira ni Kenzo, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagulat nalamang si Moroboshi sapagkat nasa likuran na niya si Sakuragi st isang Follow-up Dunk ang ginawa nito upang makauha ang unang 2 points ng Kanagawa.  Sa pagkakataong iyon ay naghiyawan ang mga taga-suporta ng Kanagawa Rising Sum samantalang natahimik naman ang mga taga-suporta ng Tokyo Brave Warriors. Sakto naman ang pagdating nina Rica, Mira, at Inami sa Gymnasium at nakita nila ang ginawa ni Sakuragi sa simula ng laban.

Slam Dunk Fan Made Book 1 - College BasketballWhere stories live. Discover now