Kabanata 1

71K 887 8
                                    

Tila mabasag ang tainga ko sa mga sermon nitong tatlong kaibigan ko kinaumagahan dahil sa nangyari, kesyo bakit daw hindi ko sila kinontak. Akala daw nila ay umuwi na ako kaya umuwi nalang din sila. Inexplain ko namang naiwan ko ang cellphone ko pero ayun nagtatalak parin Hindi ko na nga nasabing ang mga Montecillo ang naghatid sa akin dahil walang tigil ang sermon. Lunes ngayon at simula ng klase, third year psychology student ako, gaya ng sabi ko transferee at ka-course ko itong tatlo, nakilala ko sila noong enrollment at sila tumulong sa akin para mapabilis iyong pagtratransfer ko at 'nung scholarship ko.

Biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa.

Liza: Saan kana ? Kadarating lang namin eh! Kita kits sa may blue shed huh? Alam mo naman dun?!

Ako: Yup otw nako sa blue shed :)

Pagkasend na pagkasend ko 'nung message ibubulsa ko na sana iyong cellphone ko nang bigla akong may nabunggo. Bukod sa wasak iyong cellphone ko at natumba, tila nabasa ko pa ata siya sa hawak niyang inumin.

"Damn!"

narinig kong sabi niya, halata mo sa boses niyang iritado na siya. Nakakatakot pero iniangat ko ang tingin ko sa kaniya para maharap siya. Matatalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin na anytime ay parang kakainin niya ako. May earphones sa kaniyang leeg at naka t-shirt lang siya ng puti na ngayon ay naging kulay brown na dahil sa kapeng nabuhos sa kaniya. Ang malas mo naman talaga Clair! Napayuko ulit ako, hindi matagalan ang paninitig niya sa akin.

"Really now! Damn stupid girl!"

Mukhang lalapitan na niya ako nang biglang may lumapit sa amin.

"Whoa whoa whoa there dude Chill! Pati babae talaga hindi papalampasin ng isang Jonas Loyola?"

Pamilyar sa akin ang boses na iyon pero hindi ko pa makita ang kabuuan dahil natatakot talaga ako sa mga mata niya. Inalalayan ako 'nung pumagitna samin.

"Tang ina dude! Puti itong suot ko pero naging brown ng dahil sa bobong babaeng itong paharang harang sa daan ko!" Sabi niya na ramdam kong hindi parin inaalis ang matatalim na titig sa akin.

"I know Jonas you don't have to be that rude babae pa rin ito at saka may extra t-shirt pa naman ako doon, you can borrow that Chill ka lang, hindi naman siguro sinasadya nitong si miss-"

naputol ang kaniyang sinasabi noong harapin niya ako!Sabi na nga eh kaya pamilyar ang boses ay dahil ito si Yvo Jem Montecillo. Great Clair Just great!

"Clair?" Tumango na lang ako sakaniya.

Biglang kumunot iyong noo 'nung lalaking Jonas ang pangalan at mas lalong tumalim na naman yung tingin sa akin tila ba inoobserbahan ako.

"You know her?"

"Well yeah, sa bar kagabi! Dude ibalato mo na sa akin 'to! My sister kinda know her and I know her too so take it easy!"

Dapat na ba akong magpasalamat sa nangyari sa akin 'nung gabing tinulungan nila ako dahil dito.

"Your lucky today miss whoever you are! Just stay away from me and don't freaking get near me!" Walang dalawang isip niyang sabi at agad lumayo na samin ni Yvo.

"Dude wait! Ah ... Clair you okay?" Baling niya sakin at agad naman akong tumango tila tulala parin ako sa nangyayari sa akin.

"Okay good, just one advice, please do whatever you can to stay away from him?"

Pinulot niya 'yung phone kong tanggal sim at battery ang kinahantungan, hindi ko alam kung mabubuhay pa itong isang 'to. Pagkatanggap ko 'nun ay agad niyang hinabol si Jonas palayo. Talagang lalayuan ko 'yun, takot ko ulit masigawan at baka sa susunod idapo na sa akin iyong nagbabantang kamay niya kanina kung hindi lang dumating yung Montecillong 'yun! Nakakatakot pala mga tao dito! Agad kong sinalpak ang battery at sim sa cellphone ko at agad itong i-on doon palang ako mas nakahinga nang matiwasay 'nung gumana pa ito.

The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon