Mabilis nalang akong naglakad papunta kina Liza na 'nung matanaw ako ay nagtatakbo papunta sa akin.

"Bakit ang tagal mo na naman ?" Tanong ni Ella sakin habang inaayos 'yung loob 'nung bag niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sasabihin ko kaya? Bahala na nga.

"Ano kasi e! Ah nakabunggo ko 'yung Jonas ang pangalan tapos natapunan ko pa 'yung damit niya ng kape"

balewalang sambit ko sa kanila pero kahit ang totoo eh nagkaka-goosebumps pa rin ako sa mukha niya 'nung titigan niya na ako.

"Well, sana naman hindi si Jonas Loyola ang sinasabi mo" sabi pa ni Mika habang palakad kami patungong classroom namin dahil baka malate pa kami.

"Siya nga! Teka, kilala niyo pala 'yun, ang sungit pala talaga at nakakatakot no?" Sagot ko naman sa kanila.

Nalaglag iyong mga panga nila sa sinabi ko at tila napatigil pa sa paglalakad.

"Tange girl! Buti buhay ka pa Jonas Loyola kasi yun" Hinampas pa ni Liza yung balikat ko habang sinasabi 'yun.

"And worst! Nabuhusan mo pa ng inumin! Bakit buhay kapa ?!" tanong sakin ni Ella.

Grabe dalawang beses talaga sabihin? Parang pinapamukha nilang magpasalamat akong nabubuhay pa ako pagkatapos ng nangyari.

"Whatever it is! Swerte mo na no, huwag kanalang lalapit dun sa lalaking 'yun kahit na gwapo 'yun, kahit na sikat, kahit na mayaman, at hinahabol ng mga babae eh huwag mo na lang babanggain o bwibwisitin galit 'yun sa mundo at pati babae kaya niyang patulan"

ako naman ang napahinto sa sinabi ni Mika. Para namang nangangain talaga ng tao 'yung isang 'yun. Ipapangako ko talaga sa sarili kong gagawin ko ang lahat maiwasan lang siya. Gagawin kong life goal ang iwasan siya sa buong taong nandito ako.

"Tara Clair andito na classroom natin" saka palang ako natauhan nang sumigaw ulit si Mika.

Pagkalunch break ay dumeretso na kami sa canteen, wala naman kasing masyadong gagawin pa ngayon dito sa school dahil orientation and introduction lang ang gagawin, iyong ibang estudyante nga eh nagpapalate pa sa pag-eenroll dahil tinatamad pa.Umaalingawngaw ang ingay ng mga estudyanteng kumakain at nagdadatingan palang, pero ang nagpabulabog sa aming lahat ay ang sigaw ng isang napakapamilyar na boses.

"F*ck Get lost!"

Napatingin kaming lahat sa kung sinong sumigaw na yun at tamang tama ang hinala ko. Ang lalaking mahilig magmura at lalaking kinakatakutan at iniiwasan ko simula kaninang umaga.

"S-so-sorry Jonas!" Wala nang ibang nagawa 'yung babae sa sigaw niya, napahiya na siya.

Ang ikinagulat pa namin ay ang pagbuhos ng hawak ni Jonas na gatorade sa babaeng nakabangga ata niya. Ayan basang basa tuloy 'yung babae, naawa tuloy ako sa kaniya. Who the hell will do that to a girl just because nakabunggo mo. Hindi naman sinasadya at humingi naman ng pasensya, well ayan Clair, ganiyan dapat nangyari saiyo. Naiimagine ko iyong mainit na kapeng bubuhos sa akin, malalapnos ata balat ko doon. Napailing nalang ako at humarap sa table namin.

"Alam mo nagtataka lang ako, kita mo 'yung babaeng 'yun? ganun sana ang nagyari siguro sa'yo kanina Clair pero walang kahit na anong galos o markang kinawawa ka Bakit?" Nakakunot noong bumaling sakin si Liza.

Bago pa ulit nila ako usisahin eh kwinento ko na sa kanila kung ano talaga ang nangyari sa bar noong naiwan nila ako at ganun nalang ang pagkalaglag ng panga nila sa sinabi ko. Kahit kailan daw sa buhay nila ay hindi pa nila masyadong nakakausap o nakilala man lang ang mga Montecillo dahil mailap sila sa pakikihalubilo kahit na sobrang sikat nila. Patuloy kami sa pagkain nang biglang namilog ang mga mata nila sakin, bakas ang takot habang nakatingin sa aking likuran. Pagkalingon ko ay namilog na rin ang mata ko dahil ang nasa likuran ko pala ay walang iba kundi ang Jonas na iyon.

"Get the hell up and back off!"

Hindi pa ako nakagalaw nang maayos dahil sa sinabi niya pero agad ako hinila patayo nila Ella dahil ibig sabihin pala 'nun ay pinapaalis niya kami sa lamesa, minsan Clair nag-aaral ka naman pero bakit ang hina mo na intindihin iyong sinabi niya. Doon niya raw gustong umupo kasama 'nung dalawang kasama niya siguro sa kaniyang likuran. May binulong pa ulit yung isa sa likuran.

"Transferee? Scholar huh? Nice"

Pero bago pa ulit kami makaalis ay bigla nang dumating ang mga Montecillo.

"You're too much Jonas, kung ayaw mong magpapigil eh huwag mong idamay pati si Clair well at least! I treat her as a friend and I know kung anong muntik mo nang ginawa kanina sa kanya " Sabat ni Jewel at hinawakan pa niya ang kamay ko.

"Jewel's right bro! tama na 'yung isa para ngayong araw huwag na si Clair kilala namin siya!" Sabi pa ni Maximo habang tinatapik si Jonas.

Ngumisi ng nakakatakot si Jonas at bahagyang kumalma nang kaunti. Bumaling siya sa akin at lumapit para bumulong.

"Looks like swineswerte ka ata nang sobra ngayong araw na to, magpasalamat ka nalang at kilala ka ng mga 'to"

Pagkasabi niya ay agad na siyang umalis patungo sa upuan ng mga Montecillo. Nagsimula ang mga bulong bulungan sa paligid tungkol sa pagtatanggol sa akin ng mga Montecillo.

"Kilala siya ng mga Montecillo?"

"I know her, kaklase ko siya sa isa kong subject and she is a tranferee kaya how come?"

Bumaling naman sa akin sina Jewel.

"Are you okay guys? I'm sorry of what Jonas did earlier to you and ngayon. alam niyo naman mema sa buhay iyon." Sabi niya bago sumunod kasama nila Maximo.

Napaupo nalang kaming apat at nagpasalamat dahil mayroong Montecillo kanina pero sa buong lunch break ay hindi inalis ni Jonas sa akin ang kaniyang paningin. 

The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon