Chapter 19 - Stop

Start from the beginning
                                    

My heartbeat quickened. What the hell?
Imbes na tignan sya ay umusod nalang ako palayo at nag focus nalang sa pagbabasa ng mga bagay about sa kompanya nila.

Makalipas ang kalahating oras ay natapos ko din. Nasa pang huling folder na ako nuong nalingunan ko sya. Napahinto ako dahil bumungad lang naman sa paningin ko ang natutulog nyang pigura.

Kanina pa ba sya nakatulog? Kaya pala tumahimik ang mundo ko.

I closed the folder and put it back on top of the others. I lick my lower lip as I watch her sleeping form. She was leaning back, and her neck was craned upward. Her arms and legs were crossed as well. Maybe she was just so tired that she forgot she needed to look after me.

Sa huli ay nag desisyon nalang ako na tumayo. Aalis nalang ako habang tulog pa sya. Gusto ko na umuwi e at saka nagugutom na din ako.

Tumalikod na ako pero hindi pa ako nakakahakbang ay narinig ko na ang pagsinghap nya. Mabilis akong napalingon at nakita ko na nakakunot ang noo nya.

"Please.. Please don't.."- she mumbled and shifted. Humalukipkip sya lalo at kumunot na naman yung noo nya.

Tahimik akong lumapit sa kanya at yumuko ng bahagya para gisingin sya.

"Kenz.."

Naglaho bigla yung pag aalala ko nang banggitin nya ang pangalan ni Kuya. Napabuga ako ng hangin at tumayo nalang ng maayos habang hinahaplos ang batok ko.

"Uuwi na talaga ako."- bulong ko sa sarili ko at tuluyan ng tumalikod.

Nakita ako ng secretary nya na lumabas pero hindi na ako nag paalam. Dumiretso na kaagad ako sa elevator para makababa na at makalayo sa lugar na ito.

Once I was seated in my car, that's where the familiar pain invaded my heart. I lean down on the steering wheel and shut my eyes tight.

My phone suddenly rang, and I had no choice but to answer it.

"How's your first day?"- it was Dad. "I'm sorry anak ha. Alam ko kasing hindi ka papayag kaya sinurprise ka nalang namin."

"Dad.. a-ayaw ko po dito."

"What's wrong? Should I call Rein and ask what happened today?"

"Everything is fine. I was just.. Never mind, Dad. Uuwi na po ako."

Nailayo ko ang phone ko dahil may isa pang call sa akin. Inend ko muna yung kay Dad at saka nagtatakang napatitig sa unregistered number na tumatawag.

Hindi ko iyon sinagot at inistart ko na yung kotse. Nag drive na ako palayo sa building nila, palayo sa kanya.

Kung sana ganito lang kadali palagi lumayo at umiwas.

My phone buzzed, and a message flashed on my screen from that unregistered number.

Where are you, Claire?

Napapreno ako dahil sa gulat. Buti nalang wala akong kasunod na sasakyan. Dinampot ko ang phone ko at pinakatitigan yung message na nanduon. May pumasok ulit na isa pa na ikinakunot ng noo ko.

You're so stubborn. We've got a lot of things to discuss; you should've just woken me up instead of leaving.

Another message popped up, and my blood almost boiled in it.

I'll let this pass. Just come here tomorrow before eight. Do you understand?

She sounds too demanding. As if naman pumayag ako sa agreement na ito. Hindi nga napakinggan opinion ko diba? Nag desisyon sila ng kanila.

Ayaw ko talaga na pinapangunahan ako e. Pinatay ko nalang yung phone ko at nag drive na ulit ako palayo.

I decided to just eat at a restaurant nearby and chose to sit in the corner where people would not notice my presence. I know it's hard given my choice in fashion, but who cares? I just want to eat peacefully without getting bothered by a stranger's endless stare.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now