Chapter 3

11K 249 5
                                    

****FYI. Ito ay isa lamang draft.

Please leave your comments. Thanks :)

Chapter 3

PAGKAHATID sa kaniya kaninang madaling-araw ni Anton ay tumigil na siya sa pag-iyak. Ngunit nahirapan parin siyang makatulog. Humupa na kanina pa ang kaniyang galit. Ngunit ang labis na ipinagtataka niya ay ibang lalaki ang umuokupa ng kaniyang isip. Hindi ang taksil niyang nobyo kundi ang lalaking nakaengkwentro niya kanina sa parking lot.


That brute, tinawag pa akong miraculous statue!

 


Naiinis siya sa tuwing maaalala niya ang nangyaring iyon. Hanggang sa makatulugan na niyang isipin ito.


KINABUKASAN ay antok na antok pa siya. Ngunit nagising siya ng may yumuyugyog sa kaniyang mga balikat.


"Hmmmm." Pagbukas niya ng kaniyang mga mata ay ang mama niya ang kaniyang nabungaran.


"Iha, gumising kana. Malapit ng mag-tanghali." Malumanay na sabi nito sa kaniya.


Dumako ang kaniyang tingin sa wall clock. Alas nueve na pala. Ilang oras lang ba ang tulog ko?


Ngumiti siya sa ina at saka bumati. "Good morning ma."


Grasya Madrigal is still beautiful kahit nasa singkwenta na ang edad nito. Her mother was a former beauty queen. Many people always tell her that she is a replica of her mother.


"What happened to your face, anak? Namamaga ang mga mata mo. Have you been crying last night?" Nababahalang tanong nito sa kaniya.

The Brokenhearted Davaoeña Meets The Billionaire ManileñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon