Zoren was standing beside us. May maliit na ngiti sa labi niya bago inabot ang ulo at marahan itong ginulo.

"How dare you forget us during those times?" Matteo whispered.

Yumakap ako pabalik sa kaniya, ang isang kamay ay ipinalibot kay Zoren at hinila ito palapit sa amin.

"We thought we were best friends." Zoren asked it with sarcasm.

Ngumuso ako sabay tawa. Hindi na napigilan pa, nag-init ang sulok ng mga mata ko. I let them fall down my cheeks while hugging them.

"Pasensiya na. Naduwag ako."

"Naduwag ka pero mas pinili mo ang mag-isa kaysa ang sabihin ang sitwasyon mo. Minsan talaga, Priscilla, wala ka sa ayos."

Natawa ako. "Mana lang naman ako sa inyong dalawa. Pero babawi ako. Marami kayong dapat i-kuwento sa akin."

Humiwalay kami sa isa't isa. Titig na titig silang dalawa sa akin. Zoren was holding a smirk.

"Let's talk about it over a bottle of whiskey. Kailan puwede?"

"After honeymoon?" natatawang sagot ko.

Ngumisi silang dalawa. "Go ahead. We're not in a hurry. I'm sure there will be a lot of time for us to catch up." said Matteo.

Nakahinga ako nang maluwag sa naging usapan namin na 'yon. Naiintindihan ko naman na nagtampo sila sa akin. Mga bata pa lang ay magkakaibigan na kami. Kagaya ni Terrence, sumama ang loob nila dahil hindi ko man lang sila nagawang alalahanin nung mga panahong lumayo ako.

Nang mga sandali rin na 'yon ay dumating si Tita Tatiana at Clarisse. I didn't expect them to be there. Wala rin naman nabanggit sa akin si Terrence at hindi pa siya tumatawag simula nang maghiwalay kami kaninang umaga.

"Tuloy na tuloy na talaga? Wala ng atrasan pa?" biro ni Clarisse.

Ngumiti ako, naroon ang hiya. Hindi ko maiwasan makararamdam ng pagkailang lalo pa at nakatitig sa akin si Tita Tate. Nasa patio kami. I asked them if we could talk about some things. Sadyang narito naman daw talaga sila para sa akin.

"Wala na. Naniniwala akong nangyari ang lahat ng iyon sa pagitan namin ni Terrence para subukin kami at pagmamahal namin sa isa't isa. We finally survived the trials and challenges. Heto kami ngayon."

Matunog na ngumisi si Tita Tate. "Please marry him later, Priscilla. Ikababaliw na ng anak ko kung hindi pa matutuloy ang kasal ninyong dalawa. Can you imagine Terrece staying inside a mental hospital? Gosh."

Sabay kaming natawa ni Clarisse.

"Mommy naman. Ang advance mo naman mag-isip."

Marahang siniko ni Tita Tate si Clarisse. "Huwag kang maingay. Nagpapaawa lang ako kay Priscilla para hindi niya na iwan ang kapatid mo. Mindset ba, mindset."

I smiled and looked down. Ramdam kong pinapagaan ni Tita Tate ang mga sandaling ito. Maaaring ramdam niyang nahihiya ako ngayong kaharap ko sila.

Huminga ako nang malalim at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Kidding aside, Tita Tate and Clarisse, I want to apologize for everything that I have done before. Alam kong maraming panahon na ang nasayang sa amin ni Terrence. Alam ko rin na naapektuhan kayo sa mga desisyon ko noon. Nasaktan para sa aming dalawa. There were times that you thought that maybe, I don't really love him. Pero hindi iyon totoo. Sa harapan ninyong dalawa na pinakamahalaga sa buhay niya, walang alinlangan kong sasabihin na mahal na mahal ko si Terrence."

Nagkatinginan sina Tita Tate at Clarisse. They both smiled as if they had the same thoughts running in their mind.

"Ang sabi nila, swerte ang isang babae kapag nagustuhan ng lalaking Monasterio. Hindi dahil sa kapangyarihan na hawak nito o sa apelyidong nakaakibat sa kanila..." Tita Tate uttered as if she was basing from experience. "It is because of the way they love a woman. Kapag nagmahal sila, Priscilla, masiyadong malalim. Tipong kahit anong pagsubok o problema ang dumating sa inyong dalawa, ikaw lang ang susuko pero sila? Mananatiling nakatayo. Mananatiling lalaban para sa inyong dalawa kahit pa pagod na pagod na."

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Where stories live. Discover now