Bob Ong Trivia (Alam Mo Ba?)

20.5K 85 26
                                    

Bob Ong Trivia (Alam Mo Ba?)

1. Dilaw ang Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? dahil spoof sana ng "For Dummies" book series ang cover nito. Pero nag-evolve ang konsepto kalaunan hanggang sa nagmukha na lang itong...um, dilaw na libro.

2. Hindi alam ni BO kung paano naging orange ang "orange book". Nabasa n'ya na lang sa Internet na orange daw ang susunod n'yang libro. Tinanong n'ya ang publisher kung ano ang pwedeng gamiting kulay; ang sagot: orange. Tinanong n'ya ang mga kaibigan kung ano sa tingin nila ang susunod na kulay; ang sagot: orange. Pinagawa n'ya ang artist ng cover na hindi orange para lang pabulaanan ang lahat. Nang makita n'yang blue ang langit sa cover, ibinalik nya ito sa artist para papalitan ng kulay na mas "nagbabadya ng panganib". Ibinalik ito sa kanya ng artist sa kulay na red orange. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa prediksyon ng isang tao na nagsabing orange daw ang ikaapat na libro ni BO.

3. Itim na libro lang dapat ang Paboritong Libro ni Hudas, walang titulo sa harap ng cover. Pero napilitang magdagdag ng label ang publisher dahil sa utos ng bookstore.

4. Sa Chowtime Na! sa IBC 13 narinig ni BO ang kantang "You Touch My Trala La". May dance contest pa.

5. Nang lumabas na magkasukat ang una at ikatlong libro, hiniling ni BO sa publisher na paliitin na rin ang ikalawang libro. 'Yan ang alamat ng dalawang size nito. (Magkakaroon pa ng 3rd edition. Kasinlaki naman ng SIM ng cell phone.)

6. Galing sa mga mambabasa ang nickname ng mga libro: Green book ang ABNKKBSNPLAko?! (book1); Yellow book ang Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (book2); Black book ang Paboritong Libro ni Hudas (book3); Orange book ang Alamat ng Gubat (book4); at White book ang Stainless Longganisa (book5).

7. Isinulat ang draft ng unang libro sa higit limang klase ng scratch paper na may iba't-ibang hugis at laki. Beri propesyunal.

8. Hindi ballpen ang tinutukoy na "Stainless Longganisa". Wala itong ibang kahulugan bukod sa nabanggit sa libro. Pinilit iwasan ni BO ang kulay pula o silver sa cover para hindi maisipan ng mambabasa na may kinalaman ang nasabing titulo sa materyal na stainless o sa pagkaing longganisa.

9. Peksman! Talagang sina Dan Brown at JK Rowling ang nagsabi ng review na nasa likuran ng ikalimang libro.

10. Ipinasa ni BO sa editor ang unang libro bilang "ABNKKBSNPLAko!?" pero naipasa ito ng editor sa publisher bilang "ABNKKBSNPLAko?!". (Spot the difference.)

11. "Tong! Tong! Tong!" ang orihinal na pamagat ng ikaapat na libro. Ginawang Alamat ng Gubat para sa mas malinaw na mensahe tungkol sa mundong ginagalawan hindi lang ni Tong, kundi ng lahat ng mga hayop sa kwento.

12. Ang ikaapat ng libro ay resulta ng madugong royal rumble na kinasasangkutan ng writer, illustrator, at layout artist na may kanya-kanyang creative (o destructive) differences. Napilitan lang silang magkasundo noon dahil magpa-Pasko na.

13. Isinulat ni BO ang ikalawang libro at ilan pang mga tula habang nasa piitan s'ya noong taong 1962 hanggang 2001. (Halata bang nauubusan na tayo ng trivia?)

14.? Kyut si Bob Ong.

15. Ang ABNKKBSNPLAko?! ay gumamit ng font na kung tawagin ay Kidfont. Hindi 'yon Comic Sans!

16. Nabuo ang Alamat ng Gubat hango sa inspirasyon ng Mongolian Barbecue The Movie. Panoorin mo bago ka mamatay.

AYUN NA YUN.

Ngayon alam mo na...

Pero, may hindi ka pa nalalaman..

Na matagal mo nang gustong malaman...

Sino ba talaga siya?

SINO BA TALAGA SI...

BOB ONG???

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2009 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bob Ong Trivia (Alam Mo Ba?)Where stories live. Discover now