100 : TINTA AT PLUMA

5 2 0
                                    





"TINTA AT PLUMA"

Ako'y nagpapasalamat,
Sa mga taong dahilan ng aking pagsulat,
Hindi mabubuo ang aking tula,
Kung walang gamit na tinta at pluma.

Mga taong nanakit sa akin,
Sila ang nagsibing tinta,
Sa bawat letra,
Sila ang nakaukit sa tula.

Sa pluma na aking sadya,
Masdan mo at makikita,
Sakit at kirot na kanilang dulot,
Aking hindi mailabas na galit at poot.

Sa bawat pagpatak ng ulan,
Doon ikinukubli ang kalungkutan,
Bakit ko pa nanaisin ang kasiyahan,
Kung magiging masaya rin naman
sa kasinungalingan.




Hidden LettersWhere stories live. Discover now