Chapter 1

5 0 0
                                        


bakit kailangan mang-iwan ni papa? nagpromise siya na makakahabol siya sa graduation ko.

andito ako ngayon sa puntod ni papa.
nilinis ko saglit, kasi parang walang dumadalaw rito.

"hays, papa, hindi pa rin po ako makapaniwala na ganito tayo ngayon." pinunasan ko agad ang luha ko. ayaw non na umiiyak ako.

may sasabihin pa sana ako pero biglang may humablot nang buhok ko.

"bakit ka nandito?! sinong tangang nagsabi na pwede ka rito ha?!" sabi sakin ni mama, habang patuloy sa pag-sabunot sakin.

"mama, tama na po, please. hindi ko rin po ginusto 'to."

ginawa kong way ang pag-sabunot ni mama para mayakap siya at dahilan nang pag-hagulgol ko.

"huwag mo akong ma-mama riyan! isa lang ang anak ko!"

pagkatapos ay tinulak ako ni mama, dahilan para mapaupo ako sa sahig at magkagalos.

tinakpan ko ang mukha ko habang patuloy sa pag-iyak.

hindi, hindi pwedeng ganito ako kay mama. malakas akong tao.

"d-dahil sayo.." humihikbing sabi ni mama habang nakatagilid sakin.

"ma-"

"ate, umalis ka na!" sabi ni Yanyan na kakadating lang at inaako si mama.

wala na akong nagawa kundi tumayo at nag-ayos nang sarili.

bago ako umalis ay sinilip ko ulit ang papa ko.


"sabing sabihan mo ako kapag pupunta ka ro'n diba?" friend ko, si Hina.

"malay ko bang pupunta rin si mama." ani ko pagtapos ngumuya.
andito kami sa karinderya, wala kasi si Zia.

umirap si Hina.

"namamaga 'yang mata mo oh. buti at hindi nakita no'ng isa. baka irant na naman non pamilya mo sa socmed." natatawang wika ni Hina.

jusko, si Zia, ang friend naming soft na demonyo.

"oo nga eh, baka pag untugin ko na naman kayo." natawa ako pero parang si Hina hindi masaya habang nakatingin sa taas ko.

napatingin din ako, nako.

"Hina! bakit ngayon lang kita nakita sa ilang araw kong paghahanap sayo?" sabi ni Alas, bf ni Hina.

umupo ito sa tabi ni Hina, ang gaga inirapan ang katabi.

"pwede ba layuan mo muna ako? space muna, kailangan ko non." ani ni Hina.

"i said what i said. i love you. hayaan natin mga 'yon." sabi ni Alas.

ay puta, ano 'to?

napaayos ako nang-upo.

"edi give me some space. kumakain 'yong tao oh." Hina.

"babe, please?" Alas.

"mamaya na tayo mag-usap. baka ipagkalat ni Jiji." sabi ni Hina.

napaangat ang kilay ko.

"aba, naglalampungan kayo sa harap ko tapos ieexpect niyo na hindi ko ipagkakalat 'yan?" pabiro kong sabi at sinubo ang last kong pagkain.

hindi nila pinansin sinabi ko.

"okay, susunduin kita later ha? please, huwag mo ako pag taguan." sabi ni Alas bago umalis. ikikiss pa nga noo ni Hina pero ang gaga umiwas, pak.

tinignan ko makalayo sa karinderya 'tong si Alas bago tumingin kay Hina.

"hoy! lq na naman kayo 'no? bakit hindi ka nagkwento, Hina?!" ani ko na kunwaring nagtatampo.

"ay, te, umalis ka na lang. naiirita ako sayo. kinwento ko 'yon sa gc natin pero hindi ka nagsiseen!" panlalaban ni Hina.

"ay hehe, naka mute ata kayo sakin. kung ano-anong kahalayan pinagsesend niyo eh!"

"gago ka pala eh, ikaw nga nagturo samin nun. 'yong ano pa nga por-"

"shut up! mema ka! hindi ko nga alam 'yang website!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"talaga ba? eh an-" naputol ang sasabihin ni Hina dahil nagsalita 'yong may ari ng karinderya.

"hoy, baka gusto niyong tumayo na at umalis sa karinderya ko? tapos na kayo kumain at ang ingay niyo pa! nabubulahaw iba kong kostumer!" sita ni aling kiray.

napatingin kami ni Hina sa paligid, nako.

"ikaw kasi." pabulong kong sabi kay Hina.

"pasensya na po." pinipigilan namin ni Hina na tumawa hanggat 'di pa nakakaapak sa labas.

IncompleteHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora