KABANATA 2

347 2 0
                                    

Cream-O's Point Of View

"ANAK, huwag ka na kayang sumama sa kanila. Baka nga hindi ka ihatid doon kina Tita Faith mo rh." Sabi mi Lola Myerkules sa akin habang kasalukuyan niyang iniimpake ang mga damit namin ng pinsan kong si Lindsay.

"Lola, usapan niyo na po 'yon di ba? At tsaka may tiwala po ako kay Tita na ihahatid nila ako doon." Sabi ko naman.

Pauwi kasi kami ng probinsiya namin dahil noon pa lang, bago umuwi si Tita Jade ay napag-usapan na nila na uuwi din kami para maka-attend sa birthday ng Lolo namin na Papa ni Tita Jade. Ang siste, mauuma kami ng pinsan kong si Aila na uuwi doon at susunod naman sila. Tinandaan ko naman ang planong iyon pero habang papalapit ng papalapit ang araw ng aming pag-alis kasama sila Tita Jade ay nag-pm sa akin si Mama Miling na huwag na lang daw akong sumama, kesyo ganito, ganyan. Subalit umapila ako dahil iyon na ang plano at usapan.

"Anak ah, nandito na lahat ng gamit mo. Iingatan mo 'yan at itaho sa iisang lagayan." Habilin sa akin ni Lola.

"Opo." Sabi ko pero ramdam ko yung kaba at pag-aalala niya.

"OMG! Excited na ako." Nakangiting sambit ni Aila.

Hayst! Ako din naman, excited na rin akong makita ang isa pa naming pinsan, ang pinsang buo ko na si Venus. Matagal ko na kasing hindi nakikita 'yon eh at ang plano ko kaya nais kong mauna doon ay ang samahan siya sa araw ng Pasko.

Only child lang kasi itong si Venus, walang kasama kundi si Tita Faith lang kaya bilang Ate at matagal na siyang himdi nakikita, nais ko na samahan siya sa araw mismo ng Pasko.

___

Gabi na nang makarating sila Tita Jade. Agad na sinalubong namin siya ng yakap at siyempre, kasama niya si Kuya Junie. Alam ko yung patungkol sa kanila pero magsasawalang-imik na lang ako sa pagkakataong ito kasi magkaiba naman kami ng destinasiyon.

Bago kami umalis, kumain na muna kami sa Mang Inasal. Hindi lang sila ang mga kasama namin, may dalawang lalaki pa kami na kasama na anila'y mga pinsan daw ni Kuya Junie at isa daw sa kanila ang magmamaneho ng sasakyan na paglululanan nami

Matapos naming kumain ay lumabas na kamj sa fast food na iyon. Paglabas namin, binalingan ako ni Tita Jade.

"Mauna na kayo ni Tito mo sa sasakyan." Sabi niya.

Hinawakan naman ako ni Kuya Junie sa braso at magkasabay na kaming naglakad hanggang sa natunton namin ang pulang kotse at doon ako pinasakay. Pagkatapos nyon, inayos niya ang maleta ni Tita Jade na nasa likod nila.

Hayst! Excited na ako pero tila may isang parte ng isip ko ang nagsasabi na bumalik na lang ako at kina Lola Myerkules na lang sumama.

LEGAL WIFE VS KABITWhere stories live. Discover now