"By the way, I'm Elliot. Pagpasensyahan mo nalang 'tong kaibigan ko, jerk yan eh." sambit nito, napabuntong-hininga naman si Yevhen kaya agad niya itong hinila sa kwelyo papunta sa salas. Napamaang nalang ang dalaga ng maiwan siya mag-isa sa kusina. "Halatang magkaibigan nga sila, parehong baliw." usal ni Larissa at kinuha ang plastic bags sa ibabaw ng lamesa para ilagay sa cabinet.

¤¤¤¤

Magkaharap namang nakaupo ang dalawa at walang nagsasalita sa kanila, kaya si Elliot na ang nagsalita.

"Bagong personal mo maid ba 'yun?" tanong nito sa kaniya habang nakatingin sa dalagang naglalakad papunta sa gawi nila. Inilapag naman ni Larissa ang dalang tray nang makalapit siya sa dalawang nakatingin sa kaniya, kaya nakaramdam naman siya ng hiya at dali-daling umalis sa harapan ng dalawa.

"She's cute." nakangiting sambit ni Elliot para mapalingon ang binata sa kaniya. "Nah, she's annoying." sambit naman ni Yevhen saka ngumiwi.

"Weh? Kung annoying, bakit umabot siya ng isang buwan dito?"

"Si kuya ang naghired sa kaniya dito, hindi si dad." tugon nito at uminom sa hawak nitong can beer na dala ng kaibigan.

Narinig naman nilang tumunog ang pagbukas ng gate at mga yabag na papalapit sa kanila kaya nilingon nila iyon pareho. Unang pumasok ang kapatid nito sa salas habang ang paningin nito ay nasa dalawang nakaupo sa sofa.

"Kuya, ano 'yang dala mo?" nakita naman niyang may dala itong tatlong paper bags. "This? Para kay Larissa, mga gagamitin niya para sa next semester." simpleng tugon nito saka umupo sa pang-isahang sofa. Naguguluhan naman siyang nakatingin rito, kung nagbibiro ba ito sa kaniya.

"Larissa pala ang name niya!" lumingon naman sa siya kay Elliot na tila masaya dahil alam na nito ang pangalan ng dalaga. Tinaasan naman niya ito ng isang kilay para natatawang umiling lang sa kaniya ang kaibigan. "What?"

"Are you jealous, brother?" pang-aasar ni Selim para masama naman itong tumingin sa kaniya. "I'm out of this sh*t!!" singhal ng binata at mabilis na umalis sa salas. Nagpaalam naman ng kaibigan nito sa mansyon.

"Ingat sa byahe, Elliot!" sambit ni Larissa habang nakataas ang kamay nito. Tumango naman ito at pinaharurot naman ang sasakyan paalis para pumasok sa loob.

Nakasalubong naman niya ang binata sa gilid ng pool. "Ano ang susunod mong gagawin? Answer me!" napaigtad naman si Larissa nang hawakan nito ang braso niya at galit na nakatingin sa kaniya. Naguguluhang umiling siya at pilit inaalis ang pagkakahawak nito sa braso niya.

"Ano ba!? Bitawan mo ako!" mas lalong hinigpitan ng binata ang pagkakahawak sa braso nito para makaramdam siya ng hapdi. "Tell me, peperahan mo rin ba ang kuya ko?!" sigaw nito sa dalaga.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" hindi niyang napigilan sumigaw dahil sa inis na nararamdaman niya sa binata. "Wow! Ganiyan ba kayo ka-disperada para lang makuha ang mga gusto niyo!? Gold digger bit—" isang malakas na sampal ang nagpatahimik sa kaniya, ramdam niya rin namanhid ito dahil sa lakas. Gulat siyang lumingon sa dalaga na nanaliksik na nakatingin sa kaniya, ngayon lang siya nakatanggap ng sampal mula sa babae.

"Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa 'kin?! Sobrang baba, Yevhen! Nagtatrabaho ako para sa pamilya kong nasa probinsya. Kailangan kong tumigil sa pag-aaral para lang may makain ang nanay at tatay ko at para sa pambayad ng mga utang namin!" pinahid naman niya ang luha sa pisnge niya. "Ang kapatid mo ang nagbigay sa 'kin ng oportunidad para mag-aral ako ulit, pero hindi ibig sabihin n'un ay ginagamit ko ang kapatid mo!" dugtong niya at tinulak ang binata sa gilid para lumayo.

Naiwan naman mag-isa ang binata, tahimik lang siyang nakatungo. "Shit... " napahilamos naman siya ng mukha dahil sa frustration.

Hinayaan naman niyang matumba ang katawan sa pool hanggang naramdaman niyang nasa ilalim siya ng tubig.

¤¤¤¤

Naghilamos naman ang dalaga sa loob ng CR sa maid quarter. "Umiyak ka ba, Larissa?" tanong sa kaniya ng kasama niya. Pilit na ngumiti ang dalaga saka tumango. "O-Oo, okay lang ako. Napuwing lang." palusot nito para tumango ang kasama niya. Huminga naman siya ng maluwag dahil naninikip pa rin ang dibdib niya.

Hindi nalang niya inisip ang mga sinabi sa kaniya ni Yevhen kanina at humiga nasa higaan niya para kinuha ang tatlong paper bag na galing kay Selim. Isa-isa naman niya iyon tinignan, "Kasalanan kase ni Ser, eh. Ako nalang sana bibili ng nga gamit ko." bulong niya sa sarili, ibinalik naman niya iyon sa loob nang bumukas ang pintuan at nagsipasok ang mga katulong na matutulog na.




Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now