CHAPTER 27 : ENDS

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakakagat ako sa aking labi at pinipigilan ang sarili kong umiyak. Gusto ko malaman ang totoo. Gusto ko makumpirma kung totoo ang sinasabi sa akin ni Shai.


Shairell Delgado : Nabangga ng van ang kotse niya. He was confined. Naoperahan siya dahil nadislocate ang balikat at may fracture sa braso.


Shairell Delgado : Hindi niya sinabi sayo dahil nag-aaral ka. He doesn't want to distract you. I can understand that. Pero yung tungkol sa babae, hindi ko matanggap.


Napatulala ako ilang segundo sa reply na 'yon. Nag-uunahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Hindi ko alam kung ano yung mas iindahin ko. Yung sobrang pag-aalala ko sa kanya o yung sakit sa hinala ni Shai. Matagal na sandali ang lumipas bago ako nakapagreply.


Me : I don't know what to say.


Binitawan ko ang phone ko at pinunasan ang luha kong hindi matigil-tigil sa pagpatak. Tinakip ko sa aking mukha ang kamay ko at umungol sa sakit. Parang may pinipipi sa kaloob-looban ko.


Kaya ko sanang indahin yung pagsisinungaling kung ang totoong rason ay para hindi ako mag-alala at hindi ako madistract sa pag-aaral pero yung ideya na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapaalam ni Ren ang kondisyon niya, 'yon yung nagpapabigat sa loob ko.


Shairell Delgado : Sorry. Dapat sa kanya mo 'to marinig but I have this feeling na hindi niya sasabihin sayo unless umuwi ka or pumunta siya dyan. I can't take it. You're my friend.


Me : Kailan pa ba 'to?


Shairell Delgado : Lagpas isang buwan na.


Napapikit ako. Lagpas ng isang buwan pero wala pa rin siyang sinasabi sa akin. Araw-araw kaming nagkakausap pero ni patikhim ay wala siyang sinambit para maghinala ako. Bakit kailangang sa ibang tao ko pa malaman? Ren, why? Ba't kailangan mong patagalin?


Me : What about the girl? Kilala mo?


Parang huminto sa pagtibok ang puso ko. A bigger part of it doesn't want to believe Shai dahil malaki ang tiwala ko kay Ren at nakatatak sa isip ko na hindi niya ako lolokohin dahil mahal niya ako. Yes, mahal niya ako. Pero yung maliit na parte ay nag-aalangan at puno ng takot dahil baka totoo at hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling tama ang hinala ni Shai.


Shairell Delgado : Kilala mo ba yung Georgia?


Georgia? Inaalala ko pero wala ata akong kilalang gano'n.


Me : No.


Shairell Delgado : Kakausapin mo na ba si Ren?


Me : Hindi ko alam.


Totoo. Sa puntong 'yon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kung uuwi pa ba ako o hindi na. Nakakawalang gana pero gusto ko malaman ang totoo. Ang puno't-dulo ng lahat ng 'to. Gusto ko pakinggan si Ren.


Shairell Delgado : Ano ang plano mo? Whatever it is, susuportahan kita.


Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon