Chapter 3

0 0 0
                                    

Naalimpungatan ako ng maramdaman kung parang lumulutang ako sa ere. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita kong karga karga na ako ng asawa ko. Kinuha niya kaya ako kay kuyang pogi? Napangiti naman ako sa naisip. Malala na talaga ang pagiging assumera ko.

Nagising ako kinaumagahan na parang binibiyak ang ulo ko. Leche na hangover. Totoo talaga yung kasabihan na enjoy now, headache later. Bumangon na ako at naglakad papuntang kusina para uminom ng tubig at gamot sa sakit ng ulo. Naabutan ko naman ang asawa ko na nagbabasa ng diyaryo habang humihigop sa tasa ng kape niya.

"Morning" simpleng bati ko dito at binuksan ang ref para kumuha ng tubig.

"Hangover?" biglang tanong nito. Nanglalaki ang mata na tumingin ako dito.

Kailan pa to nagkaroon ng pake sa'kin?

"Pake mo" bulong ko naman habang umiinom ng tubig. Pagkatapos kong uminom ng gamot at medyo nawala naman yung sakit ng ulo ko.

"I heard you" nakaingting ang panga na wika niya.

"Edi wow" bulong ko ulit na medyo mahina na baka kasi marinig na naman ako. Nagulat ako dahil nagawa ko na siyang sagot sagutin kasi kahit kailan malambing ako sa asawa ko pero siguro epekto to ng hangover shuta ang sakit ng ulo ko eh.

Bumuntong hininga naman siya na parang nagtitimpi sa'kin. Nabigla ako nung tumayo siya.

"I'm going" Sabi niya, akala ko kung ano na jusq' naman napakanyerbyusin ko naman lately, titigilan ko na ang kaka kape talaga.

" Sige, ingat" tumalikod na ako bago pa man siya naka alis. I wonder kung ano na ang nangyari sa mga kaibigan ko. Nakauwi kaya sila ng safe? Si Syxcn ba okay lang? Tawagan ko nalang maya keysa para akong baliw dito na tinatanong ang sarili.

Nanghalungkat ako sa mga cabinet kung may gamit ba sa sakit ng ulo and thank goodness meron nga, isang box. Nung chineck ko kasi last time wala namang gamot na nakalagay sa kahit anong cabinet dito, siguro bumili ako last month nakalimutan ko lang.

Pagkatapos uminom ng gamot ay may nakita akong ulam at kanin sa lamesa, breakfast siguro ni Ethan nakalimutan lang kainin at para di masayang I decided to eat it, bawal mag sayang ng grasya. Habang kumakain ay tumunog ang phone ko, nakikipag vedio call si Syxcn.

"Ano? Okay ka na ba?" agarang bungad ko sa kanya.

"Okay lang, tingnan mo sa sobrang okay ko ay namumugto ang mata ko" sarcastic niyang sabi habang naka busangot.

"Umiyak ka buong gabi? diba lasing ka tas knock out ka pa" nagtatakang tanong ko.

"You're wrong! Tumawa ako buong gabi kaya mugto yung mata ko!" and she started to sob again, tas nakadikit pa yung mukha niya sa screen kita tuloy yung pagtulo ng sipon niya. "at oo nagising ako".

"Ilayo mo nga yang mukha mo sa screen, dugyot mo kita uhog mo oh" tinuro ko pa yun sa screen na para bang nasa harap ko talaga siya.

"Mayang 10, same cafe magkita tayo kasama yung girls, bonding ulit tayo. Sige bye ang pangit mo" she even rolled her eyes on me and ended the vc.

The audacity of this girl, tangina mas pangit siya! I bet she didn't even wash her face, kita ko pa yung nagkalat na masscara niya. Desisyon talaga, di panga ako naka-oo e pinatayan na agad ako ng phone bwisit na buang hmp.

TAMING SERIES 1: TAMING MY HUSBAND Where stories live. Discover now