00

0 0 0
                                    

The skies outside are dark and dreary, pouring out thousands of raindrops, roaring with thunder, and flashing with lightning, tulad ng dati ay lumabas ako sa balkonahe, pinanood ko kung paano magngalit sa galit ang langit. I watched how cruel the wind can be, sa lakas ng hangin ay parang maging ako ay kaya nitong tangayin. I can feel the cold breeze through my spine, this kind of chills never disappoint me. The raindrops on my bare shoulders add coldness to my body

"Lucent!nako ija!" Sigaw ni Nana ela Mula sa aking likod

Binalot nya ako ng tuwalya na nahablot niya sa hindi ko malaman kung saan, tinuyo niya ang katawan kong hindi naman ganoon kabasa

"Bakit ka ba lumabas doon??..." Pagalit na ani nito habang patuloy na pinupunasan ako, I can't help but to smile "anong nginingiti-ngiti mo ha?ang tigas talaga ng ulo mo!" Angil nito na siyang ikinatawa ko

"Si nana naman!buti nga at hindi ako bumaba at sa garden nagtatakbo habang nagtatampisaw sa ulan" natatawang katwiran ko dito ngunit tinampal lang niya ang aking noo

"Ang tigas ng ulo mo!alam mo namang bawal ka maligo sa ulan" sermon nito

ngumuso ako at padabog na umupo sa kama, sino ba naman ang hindi maiinis? I'm nineteen years old already pero hanggang ngayon ay ni maligo sa ulan ay hindi ako pinapayagan, ang iba nga na nasa edad ko ay malaya'ng nakakapag-bar na samantalang ako ay hanggang ngayon ay may curfew pa. Nana Ela keep on nagging me,hindi na ako sumagot pa at hinintay nalang siyang matapos.


"Bumaba ka na mayamaya at ihahain na ang hapunan" paalala nito matapos isarado ang pintuan sa balkonahe ng aking kwarto maging ang kurtina nito

"Na,sila mama po ba?" Tanong ko

"Hindi daw sila makaka-uwi ngayon" ani nito at makahulugang tumingin sa akin "wag ka mag-alala hindi ka mag-isa sa hapag,sasamahan ka namin" nakangiting ani nito at lumapit muli sa akin "siguradong may pasalubong na naman sa iyo ang mama at papa mo, huwag ka ng sumibangot diyan" natatawang ani nito habang hinahawi ang aking buhok "oh siya, bumaba ka na mayamaya at iniluto ni kuring ang paborito mong ulam" huling ani nito bago tuluyang lumabas ng aking kwarto

Pang-ilan na ba ito sa mga pangako nilang hindi natupad? Una?pangalawa?pangatlo?hindi ko na mabilang kung pang-ilan, tamang hindi nila ako binibigo sa mga materyal na bagay, kahit ano ata ang hilingin ko ay isang pitik lang sa hangin ay maibibigay nila maliban nalang sa atensyon nila, ilang beses ko na ding hiniling sa mga bituin na sana...sana dumating yung panahon na ako naman ang pag-tuunan nila ng pansin ngunit kahit ata maubos ang bituin sa hangin ay hindi iyon mangyayari

I decided to go down instead of sulking and starving my self, hindi naman sila uuwi kung magmumukmok ako dito at mas lalong hindi dij naman nila malalaman kung nagugutom ba ako

Halos lahat ng nakakasalubong kong maid ay binabati ako, mabuti nalang at madaming katulong dito hindi gaanong nakakalungkot dahil madaming tao ang madalas kong makita

"Si nana?" Tanong ko sa isang katulong na siyang nakasalubong ko sa hagdan

"Nasa kusina na po Miss Lucent" ani nito

Tumango ako at ngumiti, she waited me to go first bago siya tuluyang umalis, dumiretso ako sa kusina dahil naroon daw si nana Ela, panonoorin ko nalang silang ihanda ang hapunan dahil hindi rin naman ako makakatulong dahil wala akong ideya kung paano ang gagawin, maybe in some other time I'll ask nana Ela to teach me some basic chores bara na din hindi ako mabugnot dito

"Nana" agaw ko sa pansin ni Nana Ela na abala sa paghalo ng kung anong nakasalang

"Lucent,may kailangan ka?" Tanong nito

"Wala po, dito muna ako nana" ani ko at naupo sa isa sa mga silya

"Hala sige, patapos na rin ito" ani nito "Lita tawagin na ang iba at patapos na ito sabay-sabay na tayong kumain" utos nito ay ate lita na siyang naglalapag ng nga kubyertos sa mesa

Tumalima naman si Ate Lita at isa isang tinawag ang iba pang katulong, I'm thankful to have them, kasi tuwing wala sila mama ay sila ang kasalo ko sa hapag, masaya at puno ng kwentuhan ang hapag kapag sila ang naka-upo sa mga bakanteng upuan ng malawak na hapag na ito

Hindi nagtagal at isa isa silang pumasok sa kusina at ang ilan nga ay nag-agawan pa sa upuan, I can't help but to laugh at them, they're silly as ever they never failed to make me laugh

Naihain na ang lahat ng pagkain at ang lahat din ay ukopado na ang mga upuan, ate Lita lead the prayer, umusal siya ng maikling panalangin katulad ng dati

"Kain na po" masayang ani ko

We started to devour the food Infront of us, marami sa kanina ay panay ang puri kay nana Ela na siyang pinasaringan naman ni nana dahil nang-uuto lang daw sila

"Miss Lucent may regalo nga po pala kami" biglang saad ni ate lily na may laman pa ang bibig

"Pagpasensyahan nyo na at mumurahin miss Lucent ayan lang kasi ang inabot ng ambagan,kuripot kasi yang si Lily at Bente lang ang ibinigay" ani ni Kuya Jun ang nakatalagang driver ko

"Hey, it's alright...kahit magkano pa po yan basta ba galing sa inyo lakas nyo sa akin eh" ani ko at kinindatan sila

"Eto miss Lucent" masiyang ani ni Lily at inabot sa akin ang isang black velvet box "silver lang yan miss Lucent, hindi pa kasi namin afford ang ginto" nahihiyang ani nito at napakamot pa sa kanyang ulo

"Hala thank you..." Ani ko at binuksan ang kahon

Hindi ko mapigilang maluha ng makita sa loob noon ang isang silver na bracelet mayroon iyong maliit na origami plane sa gitna, the plane made the bracelet not too plain. Kinuha ko iyon at humarap kay nana Ela upang ipasuot iyon sa aking pulso

"Wow...i never thought that silver will look this good on me..." I said while scanning the silver bracelet on my wrist "thank you guys...ang ganda talaga ng taste nyo!" Naiiyak na ani ko

"Paper plane ang design nyan miss Lucent dahil sabi ni Nanay ay kung hindi dinidinig ng mga bituin,ng balon o ng hangin ang mga hiling mo ay isulat mo daw iyon sa papel at tupiin sa anyo ng eroplano, baka sakaling kapag inihagis mo daw iyon sa hangin ay mas mapabilis ang pagrating ng hiling mo sa langit" mahabang paliwanag ni Lily at muling sumubo ng kanin

Tumayo ako at isa isa silang niyakap habang umuusal ng maliit na pasasalamat, halos iisa lang din ang sinabi nila sa akin at iyon ay 'maliit na bagay miss lucent,kami lang to' see?kaya imbis na maiyak ay umuurong ang mga luha ko

"Ayan miss Lucent ha, wag mo na kami hingian ng regalo sa susunod sa buwan para sa birthday mo...ayan na kasi yon" biro ni Lily na siyang sinegundahan naman ng iba habang natatawa

Tawa lamang ang sinagot ko sa kanila, they're always like this, goofy and silly around me, sana ay hindi sila mag-bago. Bumalik ako sa upuan ko at pinagmasdan sila na patuloy sa kwnetuhan at tawanan. I'm very thankful to have this humans with me.

Maybe Lily's mom was right,from now on I'll write my wish and my dreams on fragile wings and throw them to the sky. Maybe paper planes will make it farther to heaven than my prayers ever did.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 07, 2023 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Paper Planes | serie de papel 01Onde as histórias ganham vida. Descobre agora