Note!: Asahan nyo na po ang mali maling spelling.. this is my first story so be gentle with me po hehe.
Hindi kopo mothertounge ang tagalog so let me know if mali.. thank you♥️
___________________________
Panimula
Nakakainggit.
Lahat na nasa kanya.. lahat ng gusto ko nakukuha nya.
Lahat pinaghihirapan ko para makuha lang ang gusto ko, pero bakit pagdating sakanya miski isang tulo ng pawis ay hindi makikita?
Nakakainggit, inaamin ko, sino ba ang hindi makakaramdam ng inggit kung lahat ng pangarap ko nasa kanya na?
Ang mas masakit pa doon isang sabi lang nya nakukuha nya na, pero pagdating sakin kailangan ko maghirap?
bakit kailangan ko umiyak? bakit kailangan ko magmakaawa?
Sabihin nyo nga sakin nararapat ba sa sarili ko na nararamdaman ko ang mga ito? Na sana hindi nalang ako nabuhay?
Na sana magising nalang ako isang araw na ako na siya?
Napakadami kong tanong na alam ko namang walang makakasagot..
Pero bakit?
Minsan iniisip ko na kasalanan ito ng diyos. Bakit ako ganito... kasalanan ba ng mundo? kasalanan ba nya? o ako?..
Pangarap.. kagandahan. Pera..
Sana meron rin ako ng mga yan.
Sana hindi ko na kailangan maghirap pa.
Sana maging mabuti ang utak ko sa puso ko..
Sana maging perpekto rin ako.
"Alya!" Nabalik ang huwisyo ko ng tawagin ako ng kaibigan kong si Nayah
Napatagal ata ang pagtingin ko sa babaeng naglalaro ng volleyball sa court. Nandito kami ngayon sa gym ng aming eskwelahan, malawak ito at may mga athletes na nagiinsayo.
Napatingin ako sa kaibigan kong si Nayah na tumawag sakin, naiirita na siguro ito dahil kita naman na kanina pa ito tumatawag ngunit hindi ko naririnig
"Sorry Nayah.. may iniisip lang ako" paumanhin ko sa aking kaibigan.
"Naku! madalas kitang nahuhuli na seryong nakatitig kay Gwen" Sabi niya na may suspension sa mga mata.. bigla nalang nanlaki ang mata nya at tinakpan ang bibig nyang nakabuka ng kaunti. "Huwag mong sabihing tomboy ka!" sigaw nya at sabay turo sa akin.
"Gaga!" sigaw ko pabalik at hinampas ng mahina ang kamay nyang naka turo sa akin.
"Pero okay lang, normal naman yun, sino bang hindi magkakagusto kay Gwen? Lalaki man o babae ay nagkakagusto sakanya HAHAHA" tawa nya sa akin
"Hindi no.. hindi ako tomboy! nagkataon lang na si Gwen natitigan ko" totoo naman ah
"Hmm sige sabi mo eh" sabi niya at sabay kagat sa chips na dala nya
Nakaupo kami ngayon sa mga bleachers sa gym, wala ang guro namin ngayong subject kaya nagpapalipas oras kami dito ngayon, maya maya pa naman ang next subject kaya madami pa kaming oras.
"Pahingi nga ako diyan!" sabi ko at walang sabing hinablot ang bag ng chips na dala nya.
"Huwag mong ubosin!" reklamo nya ng kinain ko ng sunodsunod ang pagkain.
Inirapan kolang siya.
Napatigil ako ng pagnguya ng marinig ang sigawan ng mga iilang istudyante sa gym. Nakascore pala ang grupo ni Gwen.
Si Gwen ang captain ng volleyball group nila, kaya madami narin ang napanalohang mga laro sa iba't ibang siyudad, marami narin silang trophy's at medals na makikita nyo sa aming eskwelahan, champion sila palagi kaya sila ang Alas pagdating sa volleyball sa lugar namin.
