C-08

66 2 2
                                    


ヮ Deadly Speed ヮ

“Kaya kong sungkitin ang bituin maibigay lang sayo”

“Put* luma na yan Carol HAHAHA!”

“Pano mo nga so-sungkitin yon eh layo non sayo HAHAHAHA!”

“Di monga abot blackboard, bituin pa kaya HAHAHAHHAHAHA”

Tawanan namin dito sa table ng mag pick up line si Carol kay kayen na wala sa mood, di man lang tumawa ang gaga at nakasimangot lang na nakatingin kay Carol.
Caroline Sy Salustino, Ang mayabang na captain ng Sarosa basketball team, hindi na ako naiinis sa kanya dahil nag apologize ito kanina sa akin ng makaupo na ako dito sa table nila dito sa canteen. Malaki ang canteen kaya nandito din ang ibang Harzona students kumakain.

“Kakatawa no..? HA.HA.HA.”

Saad ni kayen at inirapan kaming lahat, katabi ko si Xavies sa right side at sa left side ko naman si Rhian Ryle Amiscaray, katabi niya si Artella Cyn Mckency then Sam Althea Cataliano at Yukimi Xangli  Tayoro katabi niya si  Zerve then Reid, Kayen then Xavies and me. Round table kasi sa amin and kasya kaming sampo.

Hindi ko alam na parami pala ang kampon ni Elsa, Una si bulkang Ferolino, second si Coach Sandella, Xavies then itong si Yukimi and Rhian, my god ano ba talaga ipinaglihi ng nanay nila noong nagbubuntis ito.

Hindi na din ako bumalik sa office niya at siguradong pag-iinitan na ako non, palagi naman eh, may bago pa ba , lunch na din naman and as usual nagpa delivered ako ng pagkain para sa kanya. Yes para kay professor ferolino eh ano naman ngayon , eh sa gusto ko. Uminom ako ng coke ng magtanong si Sam Kay Kayen.

“Tigang ka kayen no.?”

Dahil sa pagkabigla naibuga ko kay Xavies ang iniinom ko at paubo-ubong kinuha yong panyo ko. Kita ko ang pagkadisgusto ni Xavies habang matalim akong tinignan.

“HAHAHHAHAHA put*!!!!!!”

“Gag* ka Vlad HAHHAHA!!”

Nagtawanan sila dahil sa itsura ni xavies na basang-basa ang mukha nito at nakasimangot pang nakatingin sakin.

“Yuck!!”

Saad ni Kayen, Xavies , Rhian at Yukimi, wow ah ni yuck-yuck pa ako ng mga to. Inirapan ko sila sabay bigay kay xavies yong isang panyo ko na kinuha ko sa bag ko sabay tumakbo palabas ng canteen.

“Wag kalang talaga magpapakita sa akin Vampira!!”

Saad ni Xavies at nagtawanan naman ang iba ng tuluyan ko ng lisanin ang canteen. Hmmm malapit na din mag one kaya bumalik na ako sa Architecture building, mamaya pang 2 ng hapon ang class ng lahat ng students dahil sa nangyaring practice match kanina, kaya sa rooftop nalang ako pupunta, paakayat ako ng hagdan ng makarinig ako ng may nag-uusap.

Felicity hindi maganda ang makinig sa may nag-uusap.

Curious lang naman, pinuntahan ko kong saan parang niinis na ang boses ng kong sino, wait parang wala naman yatang kausap yong boses kanina , wala din naman akong naririnig na sumasagot sa kanya.

“Uhh seriously, saan ba?.”

Papaliko na ako sa corner ng makita ko ang may katamtamang puti na babae, nakasuot ng puting long sleeve, itim na skirt at three inches na black shoes  habang hawak ang cellphone nitong inis na kinakalikot. Sino to, di ko pa to nakita sa loob ng campus simula first day of school, baka hindi to tagarito sa university.

“This bitch kong di ko lang pinsan to napatay ko na siya!”

Inis niyang turan habang nakaharap sa cellphone Niya. Murderer si anteh , sama ng ugali papatayin ba daw pinsan niya, ayos lang kaya pag-iisip nito.

Seducing Professor FerolinoWhere stories live. Discover now