01

10 4 0
                                    

Napabuga ng malalim na hininga si Vera when she got on her limo. Pagod na pagod siya pero worth it naman ang pagpunta niya dito sa New York for the red carpet runway competition and ito panalo na naman siya, another achievements unlocked!

Pero di na siya naninibago pa sa mga ito dahil sanay na sanay na siya na parating nananalo kahit pa noon, iniisip ng karamihan kaya palagi siyang nananalo ay dahil sa family background na meron siya. She's not only rich, but crazy rich! A living billionaire simula pa noong isinilang siya. Isa ang family niya sa mga high-class at tinitingala sa business industry.

Pero kabaliktaran si Vera, kasi modeling and fashion ang hilig niya and for her, business is such a boring thing to waste her time with. Sa modeling niya nakikita ang sarili and since living spoiled brat siya she gets everything kaya nga ganyan na lang ang iniisip ng mga tao sa lahat ng mga panalo at karangalan na nakukuha niya without knowing she worked hard for all of it. She wanted to prove sa mga marites na yun sa internet na she's more than a young lady and only heiress of Harper Family. Na kaya din niyang patingalain ang mga tao without her family's reputation.

Well balik tayo sa kanya na tahimik lang at nakatulalang nanonood sa bintana ng limo habang tumatakbo ito. She already did her best para mag-iba ang tingin ng mga tao sa kanya pero she still failed again and again.

Pakiramdam niya the more she got succeeded the more na dumadami bashers nya pero—

"The hell i care?! Like mababawasan ba ang billiones namin dahil lang sa mga green-eyed luckluster na yun?! Like the hell?!" Sabi niya with matching irap sa may bintana.

Bigla naman niyang naisip ang boyfriend niyang si Justine and she's so excited to tell him the good news. Sayang nga eh wala ito kanina dahil masama ang pakiramdam after their shooting dito lang din sa New York kaya di na nakapunta.

Kinuha niya ang phone niya at tinawagan agad ito.

*Ring~*

*Ring~*

*Ring~*

Biglang nangunot ang noo ni Vera nang biglang pinatayan lang siya ng call ng boyfriend niya which never happens before, at lately palang.

Nakakapanibago for her kasi pakiramdam niya ay nagiging cold na ito sa kanya, or maybe super stressed niya lang kaya ganito na ang mga inisiip niya?

She cleared her mind from overthinking at tumawag ulit but this time out of coverage area na kaya basag ang phone nito nang maibato sa bintana, luckily super kapal nang glass ng bintana ng limo at di nag crack after what she did to her phone.

Napamura nalang ito at nag-crossed arm habang nakaupo with a poker face. For the first time sa relasyon nila ay ngayon lang siya pinapatayan ng tawag ni Justin at ngayon ay naka power off na ang cellphone dahil out of coverage na.

"Yung nabu-bwesit kana nga sa mga tao online pati ba naman sa boyfriend mo!" Reklamo nito.

Napabaling naman ang atensyon nito sa kanyang driver na tahimik at focus lang sa pagmamaneho.

"At ikaw!" Sabay turo pa nito at napalunok naman ang tahimik na driver "bilisan mo nga yang pagmamaneho mo my god! Gusto ko nang makita ang nakakabwesit Kong boyfriend pero baka umagahin pa tayo sa apaka hinang takbo mo jusmeyo!" Reklamo nito at panay naman sa paghingi ng tawad ang driver at binilisan na lamang ang kanilang takbo.

After half an hour ay nakarating na din sila sa penthouse ng boyfriend niya.

Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang sinalubong ng butler at hinarangan siya sa pagpasok sa elevator which is odd dahil it never happened before.

Tales Of The Lost SceneryWhere stories live. Discover now