"a-at p-pwede ba wag ka ng magmomotor ng walang helmet at ng nakapalda!" inis na sabi nya kaya natawa ko at magsasalita sana sya ng halikan ko ang noo nya kaya ramdam ko ang paghigpit at paghapit nya lalo sa bewang ko bago mas lalong sumiksik sakin.

"h-hindi mo rin s-sinabing ikaw pala yung president ng Organization ng school na parang multo" nguso nya.

"nagtanong ka ba?” mahinahong sabi ko.

"h-hindi p-pero kahit na!" inis na sabi nya kaya natawa ako ng mahina.

"matulog kana." mahinahong  sabi ko kaya lalo syang sumiksik at inihiga ang ulo sa malambot kong dibdib gaya ng parati nyang ginagawa, maliban nalang sa kamay nyang nanatili sa bewang ko ngayon hindi gaya noon na kung saan saan napupunta. Halos sampong minutong ang nakalipas bago ko naramdamn ang pagluwag ng yakap nya kaya alam kong tulog na sya.

"I l-love you s-so muchh at pililiin kong masaktan ng masaktan sa pagmamahal ko sayo kesa magmahal ng iba"

Napangiti ako habang sinusuklay pa rin ang malambot nyang buhok.

"hindi mo kailangan masaktan ng paulit ulit, dahil kahit sa sarili ko alam kong hindi kita kayang hayaang masaktan nang dahil sa pagmamahal mo sakin.." I said and kiss his forehead.

Kaizer POV

Nagising ako ng maramdamang wala ng sumusuklay sa buhok ko kaya napamulat ako at agad na napaluha ng makitang nag iisa nalang ako at umalis na sya.. naupo ako at napatingin orasan at napabuntong hininga.

"alas syete na.." napakamot ako ng mata maramdaman ang pamamaga nun.

"liligawn kita.."  Naalala kong sabi ko kaya napanguso ako.

"p-pano bang manligaw.."

Pumunta ko sa kwarto ko at naligo bago kinuha ang phone ko at dinial ang number nya. Ilang ring bago sinagot tapos hindi pa nagsalita!

"b-babe.." nakangusong sabi ko.

"wrong number, walang babe dito." reply nya kaya inis akong napabuntong hininga.

"kalinah." ulit ko.

"oh?"

"asan ka?"

"asa damit ko." pamimilosopo nya.

"aisshh! goodnight... I love you.." Mahinang sabi ko pero binabaan nya lang ako.

"pasalamat ka mahal kita! tsk"

KINABUKASAN ay maaga kong pumasok dahil aattend ako ng first subject dahil may long quiz kami sa Math at Filipino ng magkasunod. Nag aral ako kagabi bago natulog kaya hindi naman ako kinakabahan lalo na sa Math it's my favorite. Naka full uniform rin ako katulad ng mga kaibigan ko na nauna na sakin dahil pagpasok ko ay andon na sila maliban kay Paul na nasa tabi ni Mitch na mukang naiinis. Kaya halos lahat ng classmates namin na sa kanila yung attention. Pagpasok ko ay nakita kong nagpaalam si Paul kay Mitch na inirapan nya lang at lunapit samin.

"muntik ng malate ha napuyat?" si kurt.

"nag aral nanaman yan kaya sya nanaman yung highest nyan mamaya." nakangusong dagdag ni paul na hindi ko pinansin.

Pumasok yung guro namin sa filipino na may dalang test paper.

"Good morning class, I want to apologize because I can't watch you while doing you long qui-" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng magbulungan ang classmates namin at magingay.

"QUIET!" kaya agad namang natahimik habang kami ay napailing nalang.

"Do you think I'll let you take my exam nang walang nagbabantay sa inyo? tsk tsk tskk! I requested someone to watch you while taking your exams at sigurado akong kilala nyo sya." Sabi nya at salubong ang kilay na tumingin sa relos nya.

KALINAHWhere stories live. Discover now