24

5 2 0
                                        


Sobrang aga kong nagising ngayon, hindi naman sa naninibago ako dahil medyo sanay na rin akong gumising ng alanganing oras kapag may isang umiyak sa tatlo. 

Ayos na rin ako, naka-recover ako sa post-partum depression ko, kahit na hindi sya naging ganoon kadaling lampasan, pinilit kong lampasan para sa mga anak ko.

Sa Zamerron, may katulong na nagbibigay sa tatlo nung pinump na breast milk pero madalas ako na yung nagbibigay ng dede nila. 

Hindi naman nakaka-stress alagaan yung tatlo dahil kapag naman nandito sa bahay katulong ko yung dalawa tapos sa bahay namin, tinutulungan ako ni Mommy.

Ngayon palang ay nakikita ko nang mukhang magkakatotoo yung sinabi ni Harukami dahil pag nagkakatabi ng higa sina Lorin at Gift, wala pang ilang minutong nakahiga, umiiyak na ang isa, si Paisley naman tahimik lang, umiiyak pero hindi kasing dalas nung dalawa.

Ngayon, alas-tres palang ng madaling araw gising na ako at hindi yun dahil alanganing oras nagising yung anak ko kundi dahil –

"Ang bagal mo, Fate!"

Napailing nalang ako dahil sa sobrang pagmamadali nitong si Harukami. 

Akala mo naman'y tatakbo yung school kung hindi sya mabilis kikilos.

"Mimi," tawag ni Haisley mula sa playpen nila pero hindi napansin ni Harukami ang tawag nya

"Anong gusto ng panganay na bebe?" ako na ang bumuhat kay Haisley dahil busy masyado si Harukami sa pag-aayos ng gamit ni Khaleesi

Oo, gamit ni Khaleesi. 

Masyadong bine-baby ni Harukami si Khaleesi ngayon dahil first day ng face-to-face classes namin sa Senior High at hindi namin kapareho ng strand si Khaleesi.

"Milk!" sabi nya at yumakap sakin

"Haru, ako na dyan," sabi ni Khaleesi at kinuha ang bag nya kay Harukami nang makitang inaayos parin ni Harukami ang gamit nya

"Papadedehin ko lang si Haisley," paalam ko sa dalawa

"Ako na bahala," sabi ni Khaleesi at tumango ako

"Harukami, pag may nagising sa mga anak ko sa kaingayan mo..." pagbabanta ko kay Harukami na abala na sa pag-aayos ng gamit nya

Masyadong nag-aalala itong isang 'to kay Khaleesi, pero di ko rin sya masisisi, halos buong buhay namin, kaming tatlo lang ang madalas magkakasama at magkakaklase, at alam namin pareho na hindi rin ganoon kagaling makipag-usap si Khaleesi sa kaedaran nya.

Sa school naman kasi, madalas rin na kami ang magkakagrupo kasi nga Cervantes kami pareho o kaya sila ni Harukami dahil minsan madalas ayaw ng mga kaklase namin kay Harukami.

"Ta Fae..." tawag ni Haisley at humawak sa mukha ko

"Bakit?" tanong ko at saglit syang nilingon habang pababa ng hagdan

"Gayit Mimi ko?" tanong ni Haisley kaya hinalikan ko sa sa pisngi bago umiling

Loko talaga 'yung si Haru, di naisip na mag-o-overthink itong bata sa kilos nya. 

Para kasing yung dating Haru yung kilos nya, ayaw pansinin si Haisley, ngayon nga lang hindi na dahil ayaw nya sa mga baby.

"Hindi galit ang Mimi mo, excited lang sya pumasok sa school." Sabi ko habang nakangiti

"Haishey win pasok sa school!" sabi nya kaya natawa ako

"Baby ka pa, saka na kapag malaki ka na," sabi ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oracle's Fate (Cervantes #1)Where stories live. Discover now