Namili ako ng mga laruan at gamit ng kambal. Kahit pa malaki ang posibilidad na hindi nila ito pansinin, gusto ko pa rin magbakasali.

"Sa tingin mo po, babagay sa akin kung magsuot ako ng wig?"

Nasa isang shop kami sa mall kung saan may mga nagtitinda ng wig. Sila na rin mismo ang nagkakabit at may pagpipilian na hindi ito basta matatanggal.

"Litaw pa rin naman ang ganda mo kahit wala kang buhok. Naalala ko pa. Gandang ganda po sa'yo ang mga kasambahay noon kina Madame Tate nang una kang dalhin ni Terrence doon."

Malungkot akong ngumiti. "Noon po iyon, manang. Masigla pa po ako noon at may buhok pa. Iba na ngayon."

"Hindi iyan totoo, ma'am. Maganda ka pa rin. Naniniwala po akong tuluyan na kayong gagaling at tutubo na ulit ang buhok mo."

Sa gitna ng pagsusuri ko sa mhga piluka ay nilingon ko siya. Matamis akong ngumiti sa kaniya na kaagad niya rin sinuklian.

"Salamat po. Pero gusto ko rin po itong gawin para hindi na po matakot sa akin si Alexene dahil wala akong buhok."

Ibinalik ko ang atensyon sa mga piluka nang marinig ko ang buntonghininga niya.

"Kaunting tiis lang, ma'am. Mabait naman po ang dalawang bata. Tahimik lang po talaga si Alexandre. Si Alexene naman po ay makulit at masayahin. Naninibago lang po sila sa inyo. Pasasaan po ba at magiging maayos rin ang lahat."

Wala naman akong ibang magagawa kung hindi ang panghawakan 'yon. Hindi ako puwedeng bumitaw na lang basta dahil lang nasaktan ako sa unang pagkakataon. Alam kong marami pang susunod.

Kagaya nga ng sinabi ni Terrence, wala akong pagpipilian.

"Priscilla? Is that you?" malawak ang ngiting salubong sa akin ni Mommy. "Oh my! Your hair looks good on you!"

Ngumiti ako at yumakap sa kaniya. "Thank you, Mommy. Pansamantala lang po habang hindi pa sumisibol ang buhok ko."

Yumakap siya sa akin at tila pa ako pinanggigilan. Hindi rin 'yon nagtagal at kumalas na sa yakapan namin.

"You look great! Kumportable ka ba na may suot kang ganiyan?" aniya at sinusuri ang piluka na gamit ko.

It's a short bob hairwig. Kulay brown katulad ng natural na kulay ng buhok ko. Mukhang natural lang at hindi halatang peke. Maganda ang pagkakahakab sa ulo at kahit papaano ay bumabalik ang kumpyansa ko sa sarili.

Tumango ako. "Maayos naman, Mommy. Bagay naman po sa akin, hindi ba?"

"Are you serious? Bagay na bagay, hija!"

Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Thank you po. I bought your favourite dish from the restaurant na lagi nating kinakainan dati."

Iniabot ko sa kaniya ang paper bag. Her smile widened upon taking it from my hold.

"You still remember it. Thank you, Priscilla. Wala kang kasama? Where's Terrence?"

Inanyayahan niya ako pumasok sa loob habang hawak ang aking kamay.

"Nasa office po si Terrence. Kasama ko kanina sa mall si Manang Rosenda. Pinauna ko na pong umuwi dahil masama raw ang tiyan niya. Hindi po ata natunawan sa naging tanghalian namin sa mall."

Tumango tango siya. Nakarating kami sa sala at naupo sa couch.

"Is that so? Wig lang ba ang sinadya mo sa mall? You should have asked me to come with you. Wala naman akong ginagawa dito sa bahay natin."

I smiled and leaned my back against the couch.

"Okay lang, my. Namili lang rin ako ng mga gamit at laruan para sa mga bata."

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Where stories live. Discover now