"Oo. Kaya pala nawalan na rin siya ng komunikasyon sa akin." sagot ko, nakaramdam ng lungkot para sa taong itinuring ko na rin na kaibigan.

He once again placed a soft kiss on my temple that made me smile.

"Don't worry. I gave her enough money that she used for founding a small business. Alam ko rin kung saan siya nakatira. Sabihan mo lang ako kung gusto mo siyang puntahan," imporma niya. "Sasamahan kita."

I slightly distanced myself from him and looked him in the eyes. Tiningnan niya ako pabalik.

"Hindi pa tayo nakakapunta sa inyo."

"I'm just waiting for you to be ready."

Tumango ako. "Maybe this week. Sasabihin kita kaagad."

He nodded his head and smiled a little. Pansin ko ang lungkot sa mga mata niya na hindi ko alam kung para saan.

"Whenever you want..." he whispered and heaved a deep sigh. Muli niya akong hinila para yakapin. "I'm sorry."

Sa kabila ng ngiti sa labi ko, hindi ko naiwasan ang pagkunutan ng noo.

"For what?"

"I just want to say sorry," hilaw siyang natawa. "Forget about it. Ihahatid ko na kayo ni Manang Rosenda."

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin at tumalikod na. Lito ko siyang tiningnan at sinundan ng tingin. He ambled toward the walk-in closet. Hindi na rin niya ako nilingon pa.

Why is he sorry? What is he sorry for?

Inalis ko sa isipan ang tanong na 'yon. Maybe he just wanted to apologize for the argument we had earlier. Ayos na sa akin 'yon.

Pagkahatid sa amin ni Terrence sa mall ay marami pa siyang ibinili sa akin. Above all that is I need to call him from time to time so he won't have to worry.

"Manang Rosenda, mahilig po ba sa mga Barbie si Alexene?" tanong ko habang naglalakad kami sa mall.

"Opo, ma'am. Gusto niya rin ang mga stuff toy na unicorn."

"Kung ganoon ay ibibili ko po siya ng mga ganoong laruan."

"Naku, ma'am! Halos lahat po ng laruan na ganoon dito sa mall ay mayroon na si Alexene. Palagi po siyang ibinibili ni Terrence at Ma'am Shannen."

Pansamantala akong natigilan sa huling binanggit niya. Wala sa sarili akong napatingin sa gawi ng kasambahay at nagbaba ng tingin.

"Pasensiya na po. Hindi ko na po dapat binanggit pa ang pangalan ni Ma'am Shannen. Sadyang iyon lang po kasi ang napansin ko buhat noon."

Umiling ako at pilit na ngumiti. "Wala naman pong problema doon. Mabuti nga po at kahit papaano, may nagmamalasakit sa mga anak ko."

Hindi ko lang inaasahan na ibang tao ang gagawa noon. It would be acceptable on my side if she belonged to the Monasterio Clan. Pero kung ibang tao at hindi ko kilala... aminado akong masakit 'yon para sa akin.

Pero wala ka namang karapatan na masaktan, Priscilla.

"Wala po kayong dapat ikabahala kay Ma'am Shannen. Mabait po siya at talagang mahal niya ang mga bata. Lalo na po si Alexene. Lahat po kami ay kasundo siya. Maging ang mga Monasterio."

Maging si Terrence? Ang sabi niya ay si Clarisse ang mas higit na kasundo ni Shannen. Hindi niya nabanggit na kahit ang mga Monasterio ay malapit rin dito.

Hangga't maaari ay gusto kong pigilan ang sarili ko na itanong kung maging si Terrence ay malapit rin sa kaniya. May tiwala ako na nagsasabi ng totoo sa akin si Terrence. Na sa mga panahong nawala ako, hindi niya nagawang magmahal o mahulog sa iba kahit pa hinayaan ko siya.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Where stories live. Discover now