Pa'no Kung Isang Araw?

2 0 0
                                    

San ako magsisimula lagi ko na lang iniisip ito pero hanggang ngayon andito pa din ako. Walang katuturan ang mga bagay na iniisip.

Ako ay nasa aming bahay hinahanda ang sarili para pumasok habang naririnig ang sermon ng aking Tatay Joseph na akala mo ay aking nanay. Maagang nawala sa piling namin ni tatay si nanay, di na bago samin ang kanyang pagkawala malungkot man ngunit wala kaming magagawa kundi ipagpatuloy Ang buhay.

Tatay Joseph: P*t*ngina  ka ang tagal mong gumayak babae ka ba!? put*ng toh

Araw-araw ko nang naririnig ang tinig ni tatay di na bago sakin.

Nakadating na ko sa school matapos ang gera sa bahay Ngayon naman ay aking haharapin ang gera sa klase lalo na ang baril na salita ng aming pinaka terror na teacher. Na laging Ang puntirya ay ang mga kaklase kong di nagbabayad sa classroom fund, syempre bilang pabigat sa lipunan Ako din naman di pa nagbabayad haha. Kinuha ng kaklase ko Ang aking bag sabay sabi "ay puta ka Kiel eto Ang dala mo papasok? naknampucha bayani kaba? isang ballpen at notebook bago to hah.", sabi ko naman " Anong pake mo tsaka magiging ginto ang buhay ko dahil dyan dzuh!"

Deep inside nakakainip yung mga sinabi nya sa akin, madrama akong tao kaya naiinip ako.
Kinuha ko bigla yung bag ko sa sobrang inip ko.

Recess Time!

So, habang nagrerecess ko syempre mag isa ko lang ayaw ko ng may kasabay. Sa saya ko na bumili ng pagkain nakita ko yung tindera naming pentel pen ang kilay sumabay pa mga maarteng bakla na Ang tawag sa kwek kwek ay "orange waffles" nakakairita, pero lahat ay natigil nang makakita ako ng benteng nalaglag sa bulsa ng isang 1st year student, napatingin ako ng left to right bago pulutin yung bente at ibili ulet ng pagkain.

Pagbalik ko sa aming classroom nagpaparinigan  mga kaklase ko about sa kaklase kong may putok hay nako hayskul moment nga naman. Nalaman nila kung sino Yung among putok kong kaklase kaya ayun huleng-hule, daleng-dale di na nakatakas sa pangungutya ng mga kaklase kong piling perpekto.

Biglang pumasok sa aming silid yung pinaka solid na teacher naming babae, maganda, sexy, at shet naka stilleto pa, at yun yung pinaka bet kong teacher si ma'am Maricar pero kahit sa aking ganda nya ay di mawawala ang kanyang dark side bilang guro, madedemonyo kang tunay kapag sya ang naging teacher mo sa likod ng kanyang ganda puro sulat tangina.

Pinasulat kami sa klase ng mga kwento na tungkol sa pagpapakatao, habang iniisip ko na putangina ang hirap naman demonyo kasi ako haha.

Lunch Time!

Pauwi nako nang may nakita akong bakla sa gilid ng corridor, de ko pinansin at sinamahan ko lang nang tingin, naknamp*sa pinakyuhan ako edi pinakyuhan ko din gago ba sya, Ewan ko ba sa mga tao ngayon apaka eme sa buhay.

Sa haba ng Lunch Time namin sa ming school syempre nalelate parin aq, so sesermonan nanaman ako pero ok lng haha

Sa kalagitnaan ng klase namin sa math pasandal sandal sakin yung kaklase ko, ok lang kinikilig naman ako e. maganda sya matangos ilong at apaka ganda ng hubog ng katawan ramdam kona agad na magiging asawa ko sya de biro lng. Nasa parteng harapan kami naka upo na dalawa, para syang inaantok kasi sandal na sya ng sandal sa balikat ko habang ako naman ay grinagrab na yung chance na malapit sa kanya. Bigla syang tumingin sa akin ng may paantok na mata sabay Sabi sa akin "sino ka?" apaka lamig ng kanyang boses. Hanggang sya ay nakaidlip sa aking balikat, hinawi ko ang kanyang buhok para makita ko yung kanyang mukha, shet ang ganda mo kung alam mo lng miss.

Hinawakan ko ang kanyang leeg at naramdaman kong sya pala ay nilalagnat, at pagtingin ko sa likod ay nakatingin sa akin yung jowa nya, agad kong itinulak ang natutulog na chixx sa balikat ko.

Uwian na nang hapon, naglalakad lakad ako mag isa ng may pumasok na sped child sa school at biglang tumakbo papunta sa aking direksyon at akoy niyakap. Tinulak ko siya papalayo at sya ay natumba, di ko naman sya kilala bakit ko sya yayakapin. Maraming tao ang nagtinginan sa akin habang hinayaan kong napaupo sa lupa yung sped na bata.
Nahihiya ako sa ginawa ko kaya agad akong umalis sa lugar na yon hanggang napadpad ako sa music club, pumasok ako at akoy mag gitara upang mawala sa isip ko yung nangyari na yon.

Nag kukulang ng miyembro ng gitarista sa music club kaya pumasok Ang mga fresh men at nakita ko yung taong kinaiinipan ko.
Nagsimula silang tumugtog, at diko mapagkakaila na mas magaling sya sa akin. At dahil sa naiinggit aq sa kanya di ko siya tinanggap.

Uwian na, ako ay palabas na ng gate at napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga tao sa school pati na ang mga teacher kaya nagmadali akong umuwi.

Nang ako ay makauwi na ay inalala ko agad mga gagawin ko. Ginawa ko agad yung story na pinapagawa ng aming teacher na si ma'am Maricar. Nilalabas ko palang ang ballpen at papel alam ko ng wala akong maisusulat kasi hambog lng Ang meron ako.

Pumasok sa isip ko si Tatay Joseph na binabati ako ng magandang umaga ganon din Ang aking guro, nakita ko din na nakangiti yung ninakawan ko ng bente sa canteen, nakita ko rin na naka ngiti saakin yung babae at yung jowa nya sakin, ganun din sa batang sped na tinulak ko at sa gitaristang ni reject ko sa music club. Hindi ko alam bat ko ito nakikita.
Hanggang sa ginising ako ng tatay ko sa aking pagkaka bangungot sa gitna ng paggagawa ko ng istorya.

Inayos ko ang gamit  kong naka kalat sa aking kama, nahinto ako bigla sa aking mga ginagawa, napatingin ako sa aking bintana sa kwarto. Ako ay natulala sa aking bintana at iniisip ang aking mga napaginipan kung ito ba ay bangungot o isang leksyon sa mga nagawa kong di tama sa aming iskuwelahan.

Pa'no Kung Isang Araw?Where stories live. Discover now