Prologue

21 1 0
                                    

" Sorry, ayaw ko na talaga "

"Please Kiel wag mo akong iwan . mahal na mahal kita eh" nag mamakawa ako sa kanya.

Lumuhod ako ,kahit nakakahiya at maraming tao dito sa park wala akong pakelam . ayaw Kong iwan nya ako. Mahal ko ang lalaking to ,mahal na mahal ko .

"Eden!Please! Tama na ayaw ko na eh " Pilit nya akong itinatayo pero ayaw ko parin.

Ayaw kong matapos ang relasyon namin sa ganitong sitwasyon , at ayaw Kong matapos to ! Mahal ko sya

"Kiel , gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan" nakaluhod parin ako .

Rinig na rinig ko yung mga bulungan ng mga tao sa paligid pero wala akong pakelam . mas kailangan kong ayusin ang Samin ni Kiel kesa makipag sigawan sa mga chismosa dito.

" Ang tanga mo! Ayaw ko na nga sayo diba? Hindi kaba maka intindi? Kung may konting awa kapa sa sarili mo ! Tigilan mo na ako "

Umupo sya para mapantayan ako. Tumingin ako sa mga mata nya. Hindi ko na alam kung anung gustong sabihin ng mga mata nya kung dati pag Tinitignan ko iyon ay punong puno ng pag mamahal ngayon wala na! Hindi ko na makita .

" kiel Please"pag mamaka awa ko.

" sorry Eden " nilapit nya yung mukha nya sa tenga ko at bumulong " hindi na kita Mahal "

Sa Sandaling iyon parang tumigil ang pag ikot ng mundo para sakin. Hindi na ako mahal ng Mahal ko?

Tumayo sya at naglakad na papalayo hindi ko na sya mahabol wala na akong lakas. Tanging pag iyak nalang ang kaya ko sa oras na to. Sana panaginip lang to ! Sana isang masamang panaginip ,

Dahil Medyo hapon na at Makulimlim pa unti unting nababawasan ang mga tao dito sa park . ako? Naka upo parin sa gitna at iyak lang ng iyak! Anu pang Gagawin ko? Hindi na ako mahal ng taong mahal ko. Ang sakit sakit lang ! Nasayang lang ang ilang taon naming pag sasama nasayang lang ang Pag mamahal ko na inalay sa kanya.

ilang oras pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan . ang ganda ng timing nya talagang nakikiramay pa sa pag kamatay ng puso ko. Hindi ako umalis sa pwesto ko. Hinayaan ko lang mabasa ako ng ulan , sana Gamot nalang itong tubig ulan . sana habang dumadaloy sa balat ko ang tubig ulan Nato . nawawala yung sakit na nararamdaman ko , sana malinis ng tubig na to ang puso kong patay na dahil sa lalaking iniwan ako .

Napaangat ako ng ulo dahil Wala ng tubig na pumapatak sakin. Pag ka angat ko may nakita akong lalaking may Hawak ng Payong. Sino naman kaya to?

"Anu bang ginagawa mo? Ialis mo nga yang payong na yan!" Sigaw ko sa kanya. Sa sakit na nararamdaman ko ngayon .

Hindi sya nag salita. Pipi ba to? Umupo din sya para mapantayan ako . hindi ko na makita masyado ang mukha nya medyo mag gagabi na at basang basa din ng luha ang mata ko.

" tumayo ka na dyan " hinila nya ako patayo dahil malakas sya wala akong magawa kung hindi tumayo.
Hinila nya ako papunta sa may salilong.

"Anu ba? Bitawan mo nga ako sino ka ba ha!" Pilit Kong inaalis yung pag kakahawak nya pero lalo nya lang hinigpitan .

Huminto kami sa may waiting Area sakto namang nag brown out. Ang malas!

Binitawan nya yung kamay ko At umupo sya . Hindi ko makita yung mukha nya .

" bakit kaba nag papa basa sa ulan? Sa tingin mo maalis ng madumi at malansang tubig na yan ang sakit na nararamdaman mo?"

Napatingin ako sa kanya? Anung alam nya? Wala syang alam! Kaya wag sya mag salita ng ganyan.

" sino kaba? At anung pakelam mo!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi nya sinagot ang tanung ko . natahimik kami sandali .ng basagin nya ang katahimikan .

" wag mong sayangin ang luha mo sa taong hindi karapatdapat iyakan" bigla nyang Sabi.

Anung karapatan nya para sabihin yun? Hindi niya alam ang nangyari. Hindi nya alam kung gaano ko kamahal ang lalaking ng iwan sakin .

" wala kang pakelam kung iniyakan ko sya , natural! Mahal ko sya at masakit sakin na iwan nya ako" sabi ko.

Hinila niya ako palapit sa kanya at maupo sa tabi nya.
" mahal mo sya ? Ou! Mahal mo sya ang tanung Mahal ka kaya nya?"

Biglang uminit ang tenga ko! Ayaw kong marinig ang mga salitang 'hindi na kita mahal ' dahil alam ko hindi totou yun! Mahal ako ni kiel mahal nya ako.

" wala kang alam! Kaya pwede manahimik ka? Sino kaba ha?!"

Tinakip ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Dahil alam ko na iiyak na ako. Iiyak na ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko . hindi ko kaya na wala sya sa buhay ko. Packshit! Sinanay nya ako na lagi syang nasa tabi ko pero ngayon iiwan nya akoInautanbutan nya ako ng panyo ,medyo basa din yung panyo pero tinanggap ko yun at pinunasan ang mga luhang umaagos sa mukha ko.

Tumayo sya at naglakad na pero bago pa sya maka layo nag salita sya ulit.

" hindi lang sya ang lalaki sa mundo marami pang iba kaya wag kang tanga para iyakan sya! Kung iniwan kaya? Hayaan mo na! Ipakita mo nalang sa kanya kung sino ang sinayang nya! Hindi yung pinapakita mo na hindi mo kaya pag wala sya sayo "

Pag katapos nyang sabihin yun ay umalis na sya , tinignan ko lang sya habang nag lalakad palayo . sumakay sya sa isang puting Van.

Naiwan akong mag isa sa may Waiting Area , tinignan ko yung payong sa may gilid, hindi nya pala dinala yung payong nya. Tinignan ko naman yung panyo . sino ba yung lalaking yun?

Kinuha ko yung payong at nag lakad na pauwi samin. Malapit lang naman dito yung bahay namin eh.

I'm Eden Joy kintanar ang babaeng Maingay ,Madaldal at maloko . pero pag nag mahal seryosong seryoso ako kaya pag nasaktan todo todo ang sakit . parang pinapatay kana dahil lang doon.

Lahat ng pag mamahal ko sinayang mo! Lahat ng pinag Samahan natin binaliwala mo! Hindi mo na ba talaga ako mahal? Ha! Bakit moko iniwan ? Hindi ko kayang wala ka sakin Kiel Diamzon .

*********
Better inlove
Eden Joy kintanar Story ^.^
Sana magustuhan nyo ^.^ / Vote and Comment ^.^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better Inlove [ EdenJoyKintanar ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon