Ika Limampu't siyam na Yugto: Cuaderno

Start from the beginning
                                    

"Qué diablos hiciste?!" Pasinghal na tanong ni Juancho sa akin.

"Hindi kita maintindihan Juancho?" Naguguluhang tanong ko.

"Bakit mo ipinadala sa hospicio si Milagros? At sa dinamidaming hospicio ay bakit doon pa sa hospicio na si Padre Agusto ang nangangasiwa?!!! Alam mo ba kung anong kahayupan ang ginawa ng prayleng iyon kay Milagros noong nasa Barcelona ka?!!!"

"Hindi kita maintindihan Teniente Juancho? Ano bang sinasabi mo?" Nagtataka kong tanong.

"Tinangkang pagsamantalahan ng prayleng yun si Milagros mabuti na lamang at nahuli ko sya bago matuloy ang masamang balak nya. Kahit ipinatapon sa malayong isla ang prayleng iyon ay may kapangyarihan pa rin sya upang ipakuha sa hospicio si Milagros at ipadala sa kanya!" Galit na sagot ni Juancho.

"Ano?!!!" Gulat ko na tanong habang kumawala ako sa pagkakahawak ni Juancho. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito. Walang nagsabi sa akin. Tumingin ako kay Inocencia.

"Alam mo ba ang tungkol sa bagay na ito?" Tanong ko sa kanya. Umiling si Inocencia at kapansinpansin din ang pagkagulat sa mukha nya.

"Nais itong ilihim ni Milagros dahil sa tingin ko ay nag-aalala sya para sa iyo. At dahil dito mukhang sya ang mas napahamak. Kung alam ko lamang na gagawin mo ito ay hiningi ko na lamang sana ang kanyang kamay. Mas magiging ligtas sya sa akin kesa doon."

Hindi ako makapaniwala sa aking mga naririnig. Nagkuyom ang mga kamay ko. Mas ipinahamak ko ba si Milagros tulad ng sinabi ni Juancho?

"Ilalabas ko sya sa hospicio at ilalayo ko. No te mereces a alguien como ella." Wika ni Juancho.

Marahil ay tama si Juancho. Hindi ko nga yata ako nararapat sa isang tulad ni Milagros.

Pinagmasdan ko habang naglakad palabas ng casa si Juancho.

"Hanggang kailan ka magmamatigas hermano? Hindi naman lingid sa kaalaman naming lahat na iniibig mo si Milagros subalit ano ba ang pumipigil sayo? Sapat na bang dahilan ang proteksyon at koneksyon upang mas piliin mo si Remedios? Ang tanging hiling ko lamang ay piliin mo ang isinisigaw ng iyong puso. Kung si Milagros ang isinisigaw nito hamakin mo lahat matuloy lamang ang pagmamahalan nyo." Wika ni Inocencia pagkatapos ay pumasok na sya sa loob.

Naiwan ako sa labas ng patio. Hawak hawak ang cuaderno na ibinigay ni Milagros. Papasok na sana ako sa loob ng makarinig ako ng isang pamilyar na melodya mula sa labas ng casa.

Lumabas ako upang hanapin kung sino ang umaawit.

Natagpuan ko ang isang matandang pulubi sa harap ng casa.

Nilapitan ko ang matanda.

"Mawalang galang na po subalit maaari ko bang itanong kung ano ang canta na inaaawit nyo?" Tanong ko.

Ngumit ang matanda. "Isang awitin na hindi nabibilang sa panahon na ito señor. Maaari ko bang malaman kung bakit mo nais malaman kung ano ito?" Tanong nya.

"Dahil....." Hindi ko natuloy ang pagsagot ko dahil tila bumalik sa aking memorya ang lahat ng mga sandali na kasama at kapiling ko si Milagros.

Maging ang awitin nya sa tertulia.

Napatingin muli ako sa matanda at nakangiti na sya sa akin ngayon.

"Eres tu." Biglang nasabi ko.

"Si señor." Wika nung matanda. "Natagpuan mo na ba ang agua de mi fuente mo señor?" Tanong nya.

Ng hindi ako sumagot ay lumapit sya sa akin at kinuha ang cuaderno sa aking mga kamay.

"Napakagandang cuaderno." Wika ng matanda habang hinahaplos ang burda nito. Binuklat din nya ang mga pahina.

"Minsan lamang bumababa ang Milagro mula kalangitan. Pakakawalan mo ba ito kapag iyong nakita?" Tanong nya pagkatapos ay ibinalik na muli sa akin ang cuaderno at naglakad papalayo habang paulit ulit na isinasambit ang mga katagang pag-ikot ng kamay ng tadhana.

Tinignan ko ang cuaderno sa aking kamay at doon ko lamang napasin na may nakaburda pala sa pinakalikuran nito.

Maliliit na letra sa gilid ng pahina.

Te amo

One Upon A Time Two: MilagrosaWhere stories live. Discover now