Ika-dalawampu't isang Yugto: Caballeros?

309 11 0
                                    

Miracle

Matapos magdasal ay nagpunta kami nina Inocencia, Martina at Juana sa may main living room which they call sala mayor.

Umupo si Inocencia sa may piano ang binuksan ito. She started playing.

"Hindi tayo makapag kape sa may ante sala. Buong araw na naman ang aking hermano at ang mga compañeros nya doon upang mag-usap at maglaro ng ajedrez." Reklamo ni Inocencia. She must be pertaining to Claudio and his visitors.

Nagulat ako pag-akyat ko ng hagdan to see them there. Ang awkard din because I felt their eyes on me as I passed by them.

"Sino ba sila Inocencia?" Tanong ko.

"Ellos son los amigos de mi hermano." Sagot ni Inocencia.

"Tagalog please." I said.

"Mga kaibigan ng aking hermano." Natatawang sinabi ni Inocencia.

Mga kaibigan pala sila ni Claudio. They all look formal in those clothes. Sobrang layo sa mga kakilala kong lalaki sa hinaharap.

"Pero ayoko sa kanila." Inocencia said disrupting my thoughts.

"Bakit naman?" I asked.

"Wala na lang silang ibang ginawa kung hindi ang udyukin ang aking hermano na pumunta sa mga cafe sa Paris." Sagot ni Inocencia.

"Cafe? Bakit? Ano bang meron doon?" Nagtataka kong tanong.

Isinara ni Inocencia ang takip ng piano at humarap sa akin.

"Mga babae. Bayarang babae." She whispered.

I gasped with horror as I covered my mouth.

"Pero kilala ko ang aking hermano, hinding hindi nya gagawin ang pambabae." Inocencia confidently said.

I just snorted. Men will always be men. Tapos sasabihin nila na kesyo caballero si ganito at si ganyan? Since time immemorial meron na talagang mga playboy! Period!

Suddenly we both heard voices coming our way. Mayamaya pa pumasok sa sala mayor si Claudio at ang mga kaibigan nya.

Nakatingin at nakangiti sa akin yung tatlo as they walk towards us. Samantalang si Claudio ay iwas ang tingin.

Inocencia immediately stands up at pumunta sa tabi ko.

"Buenas tardes, Señoritas." Sabi nung isang lalaki na kasing tangkad ni Claudio. Mukha syang Mestizo pero mas dominant yung Filipino features nya. Kapansin pansin din yung nunal nya malapit sa labi nya.

"Buenas tardes, Señor Felipe." Si Inocencia ang sumagot.

Naiilang ako sa pagtitig nung tatlong lalaki. Napakapit tuloy ako sa saya ni Inocencia.

"Nabanggit sa amin ni Claudio na mayroon kayong vesita sa casa. Nais lang namin na pormal na magpakilala." Sinabi nung Felipe na nakatitig parin sa akin hanggang ngayon.

"Milagros." Inocencia said as she looks at me. "Sila pala ang mga kaibigan ng aking hermano. Si Señor Felipe, Señor Melchor at Señor Edwardo." Pagpapakilala ni Inocencia.

"Ikinagagalak naming makilala ka Binibining Milagros." Sabi nung Felipe tapos nagulat na lang ako ng bigla nyang kunin yung kamay ko at hinalikan ito. Aakma din sanang gawin iyon nung dalawa but all of a sudden humarang sa gitna namin si Claudio.

"Inocencia, hindi ba at nagpaalam ka sa akin kanina na nais mong mamasyal sa plaza kasama si Milagros? Mabuti sigurong mamasyal na kayo upang hindi kayo gabihin sa daan." Sabi ni Claudio.

One Upon A Time Two: MilagrosaWhere stories live. Discover now