TLMP #23- Night Casablanca Magical Flower

Start from the beginning
                                    

"A-ano po yun?" Tanong ni Jared.

"Alam ko ang pakay niyo sa pagpunta niyo sa gubat na ito" sabi niya. Napakunot naman ang noo ni Jared.

"May alam mo po ba kayo kung nasaan ang Night Casablanca Magical Flower?" Tanong ni Jared. Tumango naman ang babae.

"N-nasaan po?!" Masayang tanong ni Jared. Masaya siya dahil mukhang nagtagumpay sila sa Mission.

Sinundan ni Jared ang babae. Napunta sila sa isang cave. Naging alerto si Jared. Iniisip niya na patibong ito, na baka kalaban lang din pala ang babaeng sinusundan niya. Tumigil na yung babae sa paglalakad. Nasa likod kasi ng babae si Jared.

"Ito na ang bulaklak na hinahanap niyo. Matagal ko na kayong iniintay. Masaya akong nagtagumpay kayo dahil nahanap niyo ako" sabi niya. Tiningnan naman ni Jared ang nasa tapat nang babae. Isa itong bulaklak at napakaganda. Ngayon pa lang nakakita ng ganitong bulaklak si Jared.

"I-Ikaw ang nagbabantay sa bulaklak?" Tanong ni Jared. Tumango lang ulit ang babae.

"Inalagaan ko ang bulaklak na iyan dahil alam kong darating ang panahon na ito. Marami nang nagtakang kuhanin ang mahiwagang bulaklak na ito pero hindi sila nagtatagumpay dahil wala sa kanila ang hinahanap ko" sabi nung matanda. Biglang napakunot ulit ang noo ni Jared.

"Hinahanap?"

"Ang may taglay ng special ability" sabi nung babae.

"Edi s-sino sa amin?" Nalilitong tanong ni Jared.

"Ikaw"

Nylla POV

Tss. Naboboring na ako dito sa loob ng kwarto. Nagugutom na rin ako. Naisipan kong lumabas muna. Medyo nawawala na rin naman yung sakit ng ulo ko. Pagkalabas ko, may nakita akong mga pagkain na nakahain na sa mesa. Nakita ko yung babae na inaayos yung mga pagkain.

"Oh, gising ka na pala" nakangiting sabi niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko. Parang talagang kilala ko siya e. Di ko lang matandaan. Tsk -_____-

"Uhm. Ako si Hart. Cge na, kumain ka na. Alam kong nagugutom ka na" sabi niya. Umupo na naman ako sa mesa at kumain na.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Tumango naman ako. Hindi ko alam pero ngumiti ako sa babae. Ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.

"Mabuti naman. Napakaganda mong bata" sabi niya at umupo sa kaharap kong lamesa.

"Ilang taon ka na?" Tanong niya. Huh? Bat niya tinatanong? =______=

"17" sabi ko habang patuloy parin sa pagkain. Hindi ko alam pero parang may kakaiba talaga sa mga mata nung babae, I mean si Ms Hart.

"Uy! Tamang tama! Gutomats na ako! Hehe" sabi ni Daniel at umupo na sa katabing upuan. Kasunod niya rin sila Veronica at Brian.

"Goodmorning, Nylla" sabi ni Brian. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Kamusta kayo?" Tanong ni Ms Hart.

"Ayos lang po, Ms. Hart! Salamat nga po pala sa pagkupkop este pagtuloy niyo samin dito hehe" sabi ni Daniel habang tuloy tuloy ang pagsubo. Tss.

"Walang anuman" sabi ni Ms. Hart

"Nylla, mabuti naman at ayos ka lang. Wala ka bang nakitang mga kalaban? Kami kasi ang dami! Kaya nga mga sugatan kami. Wala kasi kaming shield. Hahaha" sabi ni Brian.

"Tsk" yan lang sabi ko. Nakakatamad magsalita -_____-

"Where's Jared?" Tanong ni Brian.

"Baka namatay na" sabi ni Veronica with her maldita tone.

"Tss. Wag ka na nga magsalita Veronica kung wala kang magandang sasabihin" inis na sabi ni Brian. Veronica just rolled her eyes.

Napatingin kami sa pintuan, kapag kasi bumukas ang pintuan. Malalaman mo agad na may pumasok. Nasa left side kami habang yung right side ay sala. In short, pinaggigitnaan nung pinto yung sala at kusina. Pumasok si Demon na may dalang malaking plastik. Ano yung dala niya?

"Ano yan pre?" Tanong ni Jared.

"Yung bulaklak" walang emosyong sabi ni Jared. Anong nangyari sa kanya? Aish. Paki ko ba =______=

"Woah! San mo nakita?! Bat di mo kami sinama? Unfair!" Sabi ni Daniel.

"Tulog pa kasi kayo. Nakita ko lang ito doon sa may cave habang naglalakad lakad ako" sabi niya. Tumango tango na lang sila.

"Ahh, tara Jared! Kain tayo!" Yaya ni Brian pero umiling si Jared.

"Papahinga muna ako saglit. Maghanda kayo, kailangan na nating umalis mamaya. Dala ko yung portal papunta sa Dream High" sabi niya at pumasok na sa isa sa mga kwarto.

"Portal?" Tanong ko kay Brian.

"May binigay kasi sa kanyang portal si Sir Baltazar para mapadali ang pagbalik natin sa Dream High. Pero hindi natin ginamit iyon papunta dito dahil walang exact place" sabi niya. Tumango tango na lang ako.

After 2 hours....

Naayos na namin ang mga gamit namin. Nakaligo at nakaayos na rin kami. Pabalik na kami sa Dream High.

"Magiingat ka" sabi ni Ms Hart. Pero nabigla ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Ako lang ang tao ngayon sa kwarto. Nasa labas na silang lahat. May naiwan lang kasi ako kaya bumalik ako dito.

"S-sige po. Aalis na kami" sabi ko. Tumango naman siya. Yung mga mata niya, parang paiyak na.

"Ayos lang po ba kayo? May problema mo po ba?" Tanong ko. Ewan ko, bigla na lang ako nagalala nang makita yung mga mata niya. Parang ayoko siyang nakikitang nalulungkot. Umiling naman siya.

"Wala. Gusto ko lang tibayan mo ang sarili mo. Magpakatatag ka. Lagi mong gawin kung ano ang tama at kung ano ang sinasabi ng puso mo. Pasensya rin pala" sabi niya. Huh? Ano bang pinagsasabi niya?

"Bakit po kayo nagsosorry?" Tanong ko.

"Wala. Malalaman mo din sa tamang panahon. Osya, inaantay ka na ng mga kasama mo sa labas" sabi niya. Tumango at ngumiti na lang ako at lumabas na. Ang weird -_____-

"What took you so long? Psh" inis na tanong ni Veronica. Hindi ko na lang siya pinansin. Tss.

May hawak na bilog si Demon, yun na yata yung portal. Nilapag niya ito sa lupa at pinindot ang kulay pula na bilog sa gitna. Bigla naman may lumabas na kulay puti rito.

"Paalam, Ms. Hart!" Sabi ni Daniel. Kumaway naman si Brian. Ngumiti lang ako. Si Veronica naman, walang sinabi. At si Demon, tumango lang kay Ms. Hart.

Pagkatapos ng huling paalam kay Ms. Hart ay pumasok na kami sa kulay puti na nanggagaling sa portal. Pagkapasok namin sa portal ay nagiba na agad ang paligid. Nasa office na kami ni Madam Sofia.

"Congatulations! Nagtagumpay kayo sa Mission! Mabuti at ayos lang kayo" sabi agad ni Madam Sofia. Hawak hawak naman ni Brian yung bulaklak, binigay ni Brian ito kay Sir. Baltazar na nandito rin sa loob ng kwarto.

"Kamusta kayo?" Tanong ni Madam Sofia.

"Okay lang po kami" sabi ni Daniel. Ako, Si Veronica at Demon ay tahimik lang.

"Uhh. Jared, ano iyang nasa pulsuhan mo?" Tanong ni Madam Sofia habang seryosong nakatingin sa wrist ni Demon.

Oo nga noh? Parang siyang bracelet. Kulay itim ito. May nakasulat dito pero hindi ko maintindihan. Kulay puti naman yung sulat. Bale, black and white siya.

"Pwede ko po ba kayong makausap?" Tanong ni Demon. Tumango naman si Madam Sofia.

"Uhh. Pwede na kayong bumalik sa kanya kanya ninyong dorm. Magpahinga na lang muna kayo. Pero mamaya, sasama kayo papunta sa kaharian" sabi ni Madam Sofia. Tumango na lang kaming lahat at lumabas na ng office ni Madam Sofia. Ano kayang paguusapan nila? Tch. Curiousity is killing me again.

Pumunta na ako sa room ko. Pagkapasok ko, nakita kong natutulog pa si Shaina. Wednesday ngayon ah? Himala yata, late siya nagising tsaka hindi siya ginising ni Tricia. 9:30am na kasi. Tss. Makatulog na nga lang muna. Pagod parin ako -______-

~~

A/N: Naiiklian po ba kayo sa mga UD ko? Hahaha. Curious lang XD

The Lost Magic PrincessWhere stories live. Discover now