Chapter 12 - Party

Start from the beginning
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nakaramdam kaagad ako ng konsensya.

Sa huli ay hindi ko na tinapos ang ginagawa ko. Inubos ko nalang ang prutas na nasa tabi ko saka ako nag desisyon na tumayo para pumasok na sa loob.

Pagkapasok ko sa loob habang dala ang mga gamit ko ay ang pagbaba naman ni Kuya. Bihis na bihis ito at bagong paligo. Amoy na amoy ko din ang halimuyak ng panlalaki nitong pabango.

Ngumiti sya sa akin kaya tumaas ang kilay ko.

"May date ako."- sabi nya kahit wala naman akong tinanong.

"Pakialam ko?"

He chuckled and shook his head.

"Sabihin mo nalang kay mommy. Baka hanapin ako mamaya e."

Nilagpasan na nya ako at hinabol ko sya ng tingin. Sumakay sya sa kotse nya na regalo ni dad nuong nag birthday sya at nagmaneho na paalis.

Pagsapit ng gabi wala pa din si Kuya. Hindi naman ako tinanong ni mama baka nag text na yung tukmol sa kanya. Nagpaka busy nalang ako sa kwarto ko kahit pa isip ako ng isip sa kanilang dalawa.

Of course, they'll have a date on their own. They're in a relationship. But the thought of them being alone together makes me sick to my stomach. I wasn't like this before when I didn't care about anything related to them, but right now I feel like I can't breathe properly.

Am I jealous?

Hindi ako mapakali sa kwarto kaya naisipan ko nalang na lumabas. Saktong pagbukas ko naman ng pinto ay ang pagkatok sana ni Lucille.

"What are you doing here?"

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at tinaasan sya ng kilay.

"Pinapatawag na po kayo sa baba. Kakain na daw po."- medyo nahihiya pa nyang sabi.

Nilagpasan ko sya at hindi na nilingon pa. Ngayon ko nalang ulit nakita ang babaeng iyon. Pero kasi wala naman talaga akong pake sa mga tao sa paligid ko kaya hindi na ako magtataka na hindi ko kilala karamihan ng maid dito sa bahay namin.

Pagdating ko sa hapag ay nanduon na ang parents ko. Naupo na ako at nag start na kami kumain ng tahimik.

Mabuti nalang at hindi na nila ako naisipan na tanungin ng tanungin dahil wala ako sa mood magsalita ngayon.

***********

"You're growing too fast anak."- reklamo ni mama habang sinisilid sa isang kahon lahat ng mga pinag liitan kong damit.

Those clothes were being donated to those in need.

"Dati rati nakakalong pa kita at nahahalikan. Ngayon naman ang arte arte mo na at halos hindi na malambing kasi masyadong seryoso."

I secretly smiled while hearing her rants. Isn't she thankful that I'm growing too fast? I am thankful to see my figure every time I stand in front of the mirror.

"Mom, when I turn eighteen, could you please stop giving me pink clothes?"

"Why?"

Ngumuso ako at dinampot yung cute na hoodie na binigay nya dati. Isasama ko na din ito sa ipamimigay dahil hindi naman talaga ako mahilig sa pink.

"It's cute naman. Bagay nga ito sayo nuong ginamit mo."

Inismiran ko lang sya at naghalungkat pa ako ng iba kong lumang gamit.

Cute daw e mukha nga akong trying hard magpakababae kapag naka pink. Kung hindi lang ako pinanganak na kakaiba baka ma enjoy ko pa yung mga ganuon klase ng kulay ng damit.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now