EPISODE 1 - SIMULA

21 0 0
                                    


SCENE 1 – BLACK SCREEN. 

Isang video ang ang nap-play kung saan mapapanuod ang SB19 at malalaman ang kanilang istorya. Ang kanilang 1st anniversary documentary film.

SB19: (Voice Over)

Get in the zone, Break! Hi, we are SB19.

PABLO:

Purpose? Iwagayway ang bandera ng Pilipinas.

Makikita sa video si Pablo na nakaupo sa isang sofa at malilipat ang scene kay Stell.

STELL:

Para sa akin pamilya ko na sila. They are my brothers. (smiles)

Masayang sabi ni Stell habang nakaupo rin sa isang highchair at makikita sa background nya ang recording studio at nag-fade naman papunta kay Josh.

JOSH:

Mahirap? Oo, pero worth it. Worth it lahat.

Seryoso at masaya ang emosyon ni Josh habang sinasabi ang mga iyon at nakaupo rin sya sa isang upuan at makikita ang bintana sa likod.

JUSTIN:

Sa totoo lang hindi pa rin ako makapaniwala (smiles) Grabe kasi ang suporta nila.

Nakaupo si Justin sa isang director chair at makikita sa background nya ilang display ng lighting at camera.

KEN:

Paboritong linya? Nowhere but up. Kasi meaning nun don't give up, continue your dream at iyon ang ginawa namin.

Nakaupo si Ken sa isang couch at madilim ang paligid nya dahil sa black paint ng pader at iba pang gamit na andoon.

CUT VIDEO.

SCENE 2 – INT. SCHOOL. CLASSROOM. AFTERNOON.

Ipapakita ang isang cellphone kung saan nagp-play ang documentary film ng SB19.

TEACHER:

Ms. Cruz, are you done with your work?

Saktong naipause ni Joy ang video pagkatapos magsalita ni Ken. Napatingin sya sa gilid nya kung saan andoon ang arts teacher nila at masamang nakatingin sa kanya.

JOY:

Yes po, tapos na po. (smiles)

Habang tinatago ang cellphone nya sa bag nya.

TEACHER:

Nasaan? (Taas kilay)

Nilahad pa ng Teacher ang kanyang kamay na tila may inaantay na iabot sa kanya.

JOY:

Ah. Eto po.

Nagmamadaling kinuha ni Joy ang yellow paper na nasa ilalim ng notebook nya at inabot sa teacher nya.

TEACHER:

Phones are prohibited in our class, there will be no second chances Ms. Cruz.

Napatango si Joy at umalis na rin doon ang teacher nya at naglibot sa classroom.

NERISSA:

Mabuti na lang di kinuha yang phone mo, kasi kung ako yan malamang pinalabas pa ko ng room tss. 

Makikita ang disappointment sa mukha nya habang nakatingin kay Joy.

BEA:

Bakit matalino at masipag kaba katulad ni Joy?

Story of a Fan Girl  | An A'TIN StoryWhere stories live. Discover now