Bumaba ako ng sala at kinuha roon ang isang bag ko. Umakyat ako at naroon pa rin siya sa kinatatayuan niya.

"Please show me where the guess room is." kalmadong sabi ko.

He didn't answer. Mariin niya pa akong tinitigan na tila ba tumatagos ito sa kaluluwa ko. He then looked away, dropped his gaze down and clenched his jaw.

Nag-angat siya ng tingin sa akin hindi kalaunan.

"Walk straight. The first room on your left."

Tumango ako. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nilagpasan na siya papunta sa kwartong iyon. Nang makarating ay kaagad kong isinara ang pintuan at naupo sa dulo ng kama.

Hindi ko na nagawa pang purihin ang ganda ng kwartong mayroon ako ngayon. Naiwan akong tulala, ramdam ang bigat ng puso ko.

I felt unwelcome. I know I should not expect them to be happy now that I'm here. Sa reaksyon pa lang ni Clarisse, alam kong mas matindi pa ang makikita ko sa ibang Monasterio.

Kaya kong tiisin. Palagi kong tinatandaan na kagagawan ko rin kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon.

Ilang minuto pa bago ako nagkaroon ng sigla para maligo at maglinis ng katawan. Kahit matutulog na lang ay hindi ko pa rin inaalis ang scarf sa ulo ko. I will never be comfortable having a bald head.

Baka mas lalong matakot si Alexene sa akin. Maybe I should consider myself wearing a wig for the mean time.

Habang nakaupo sa gilid ng kama at nagbabasa ng libro na mayroon sa side table, bumukas ang pintuan at iniluwa si Terrence.

He was already on his gray sweat pants and plain white round shirt that hugs his masculinity. Sa isang kamay niya ay naroon ang isang baso ng gatas.

"I brought you milk."

Isinara ko ang librong hawak at tinanguan siya.

"Thank you."

I put my attention back to the book. From my peripheral vision, I saw him place the glass of milk on the bedside table.

"Enjoying the book?" he asked in between my silence.

Tumango ako nang hindi siya tinitingnan. "It's good. Nakahiligan ko na ang pagbabasa ng ganito simula nang magkasakit ako."

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. He even snaked his arm around my waist that made my heart race in pain. Hindi ko maintindihan kung bakit ang simpleng pagtabi at paghawak niya sa akin ay nagbibigat pait sa puso ko.

"I'll sleep here."

I sighed. "I told you that we can't sleep in the same bed-"

"Why not? The last time I checked, we're engaged."

The last time. How about now?

"We still are."

Those words gave me the right amount of courage to look at him. Nakatingin siya sa kawalan pero ramdam ko na nasa akin ang atensyon niya.

"I believe I ended whatever we have before I left you, Terrence. I gave you the blessing about loving someone else. Hindi na ako umaasa pang magiging tayo ulit-"

"Then I'm the only one who still hoped even if there's no assurance," he paused. "A blessing to love someone else?" he chuckled sarcastically. "I don't remember myself wanting that kind of blessing from you."

Nakagat ko ang labi, mas lalong bumigat ang dibdib.

"A blessing from the priest is what I want, Priscilla," he whispered huskily. "A blessing for a life with you."

Hanggang ngayon, gusto niya pa rin akong pakasalan. Sa kabila ng itsura at sitwasyon ko, ang hinaharap pa rin kasama ako at naiisip niya.

I wanted to call myself lucky but something's bothering me.

Someone.

"Sino si Shannen, Terrence?" I asked.

Huminga siya nang malalim. Marahan niya akong kinabig palapit sa kaniya dahilan para mapasandal ang gilid ng ulo ko sa mismong balikat niya.

"She's Ate Clarisse's friend. I've known her since they're college. She left the country to pursue her dreams and she's now back." he said it casually like it's no big deal.

Iyon lang?

"Hindi sa nakikialam o nanghihimasok ako, Terrence. Pero... may relasyon ba kayo?"

Matunog siyang ngumisi. "Manghimasok ka hangga't gusto mo. Hindi kita pipigilan."

"Seryoso ako, Terrence."

"Seryoso rin ako nang sabihin ko sa'yong hindi kailanman ako tumingin sa ibang babae kahit pa noong iwan mo ako," aniya at pinatakan ako ng halik sa mismong sentido. "Hindi ko magawa, Priscilla. Ang hirap-hirap mong palitan."

Aminado akong bahagyang napawi ang pag-alala sa puso ko sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko itatanggi na isa 'yon sa mga bumagabag sa akin.

"Malapit siya sa mga bata." sagot ko.

"Only to Alexene. Mailap sa kaniya si Alexandre. They met Shannen one time I brought them to Mama's house. Naroon rin si Ate Clarisse. I don't know how they became close but you know... it's a girl thing I can't understand."

Kung ganoon ay mas doble tyaga ang dapat kong gawin pagdating kay Alexene. Sa kanilang dalawa ng kakambal niya, halatang siya ang mas malayo sa akin.

"Does she ever... come here?" I asked trying to sound brave.

"Yes. One time with Ate Clarisse."

Natapon ang panibagong pait sa dibdib ko hindi ko nagawang umimik.

"But I wasn't here when they went here. Sinabi lang sa akin ni Alexene..." putol niya sa paglalakbay ng isip ko. "I thought I have your blessing to like someone else? Why do I hear jealousy through your voice then?"

Akala ko rin handa akong makita o malaman na mayroon na siyang iba. Ang daling sabihin na kaya ko siyang hayaan sumaya sa iba. Pero kung harapan na, ang hirap. Hindi pala ganoon kadali.

"I guess it was a lie," malungkot akong ngumiti.

I felt him kiss me on top of my head that made me close my eyes.

"No matter how much you try to push me away, even if you ask me to look for someone else who will make my dreams come true, I will still choose to stay with you, Priscilla..." he sighed and held me tighter. "I will always be in love with that beautiful woman in Casa Vallejo who made me believe that love at first sight is damn real."

Epilogue and Special chapters are exclusive for VIPs on Patreon, Spaces, and Facebook Group.

Completed on VIP Spaces and Patreon. To those who want to avail the membership, kindly message Warranj Novels on Facebook.

Facebook page: Warranj Novels

Facebook: Anj Monasterio

Order books on Facebook: Warranj Suarez Monasterio

Facebook Group: Warranj Stories

Patreon: warranj

Twitter: WarranjWP

Instagram: warranjwp

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Where stories live. Discover now