"O? Ano pa ang hinihintay ninyo? Rambulan na!" buong lakas na sigaw ni Ray bago sumugod sa gawi namin.

Tumabi ka agad ako pati bike ko tinabi ko na rin dahil baka masira. Lumayo-layo ako sa kanila dahi nagrarambulan na silang lahat! Hindi ko ma-iwasan hindi mapangiwi. Si Toks at 'yong leader ng mga lalaking mukang adik ang kasuntukan ni Toks.

Isang suntok lang ni Toks ay ka agad itong na tumba! Subrang lakas ng pagkasuntok ni Toks na tumba ka agad 'yong lalaki! Ikaw kaya ang suntokin ng buong pwersang lakas. Siguradong-sigurado ako papagalitan na naman kami pagka-uwi namin.

"SHANAIA!"

Bago pa naman ako makalingon at ka agad na may humampas na sa braso ko! Napadaing ako dahil sa subrang sakit nito. Nilingon ko ang taong humapas sa 'kin at—tuwang-tuwa ito sa ginawa niya sa 'kin. Dumapo ang tingin kk sa hawak niyang baseball bat.

Mukang 'yon ang pinanghampas sa 'kin.

Tiningnan ko ito ng masama pero tinawanan lang ako.

"Hayop ka!" sigaw ni Kuya Rex bago siya bigyan ng suntok "Pati si Shanaia dinamay mo!" sigaw niya pa at pinagsusuntok ang lalaking humampas sa 'kin.

Napatingin ako sa braso ko nang biglang sumakit ito at—pulang-pula na ito! Nagmarka ang pagkahampas niya sa 'kin at mukang mangingitim 'to. Hindi ko rin ma-igalaw ng mabuti ang kaliwang kamay ko dahil subrang sakit nito halos ma-iyak na ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Napa-upo na lang ako sa sahig habang ini-inda ang sakit sa braso kong may tama. Nanghihina na rin ako.

"SHAN! Ayos ka lang?" dahan-dahan kong minulat ang mata ko upang tingnan ang taong tumawag sa 'kin.

At bumungad nga sa 'kin ang nag-aalalang mukha ng mga tropa ko.

"Woi! Sumagot ka nga!" halos ma-iiyak na si Toks, pulanh-pula na ang mga mata nito.

Ningitian ko ito pero mukang naging ngiwi, "Ayos lang ako." saad ko at pinapakita na okay lang talaga ako kahit na... Subrang sakit talaga ng braso ko!

"Mabuti pa dalhin na natin siya sa hospital," si Kuya Tim, sumang-ngayon naman sa kanya ang mga kaibigan namin.

"H-huwag na, ayos lang ako. Umuwi na lang tayo gusto kong magpahinga." tutol ko.

"Pero baka mapaano ka!" ma-iyak-iyak na sambit ni Ray.

"Tss. Braso ko lang ang natamaan at saka hindi pa naman ako mamamatay, malayo kaya 'to sa bituka." biro ko pa.

"Kasi naman!"

"Shhh... Dalhin ninyo na lang ako sa bahay namin gusto kong magpahinga. Please." wala naman silang magawa kung hindi ang dalhin ako sa bahay namin.

So Kuya Tim ang nagbuhat sa 'kin habang naka-alalay naman si Kuya Rex. Hawak-hawak ni Kuya Chubs ang bike ko at panay sisi ni Toks sa sarili at humihikbi si Ray.

Tingnan mo ang mga 'to! Buhay pa ako iniiyakan na ako!

"MANG Armando! Aling Tina!" sigaw ni Kuya Rex nang makarating kami sa tapat ng gate namin.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jan 30 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ