Moon Valley (Yran Bloodmoon)

2 0 0
                                    

What is love?
That question is ringing in Ysh's mind..

Mahirap na  omega,walang karapatan at mahina. Yan ang nakikita ng marami lalo na sa BloodMoon Pack  ang kaniyang tirahan.

Minamaliit siya ng karamihan lalo na sa kanyang estado bilang isang omega.
Pero kahit mahihirapan at nasasaktan na sya hindi sya nawalan ng pag-asa na mag sumikap at mag training ng mabuti para mapataas ang kaniyang rangko dahil nandiyan ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.
Isa sa best warrior ang kaniyang ama sakanilang Pack at Pack nurse naman ang kaniyang ina.

Ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya si   Yran BloodMoon ang Alpha ng kanilang pack at  kaniyang "mate" ang kanyang  pares ang ibinigay sakanya ng Moon Goddess,na  syang mag papahalaga at magmamahal sa kanya ng buong puso.

Sa una naging masaya si Ysh sa piling ng kanyang mga minamahal.Ngunit lahat ng ito nagbago.
Napuruhan ang ama ni Ysh sa isang laban,na coma at walang kasiguraduhan na magigising pa ito. Ang ina naman ni Ysh ay parang nawala sa katinuan dahil sa nangyari.

Masyadong magulo ang buhay ni Ysh ngunit pinapakita parin niya na kaya nyang lumaban dahil alam nyang nandyan pa ang kanyang mate pero mali sya,sa panahon na kaylangan niya nang lakas don pa nagbago ang pakikitungo ng kanyang mate.

Naging mailap si Yran sakanya,hindi sya nito kinakausap, pag nagkakasalubong sila ay para hindi sya nito kilala, nasasaktan man ay inintinde paring ito ni Ysh dahil baka may pinagdaanan ito.

Ng hindi na niya makayanan ang pag trato nito sakanya ay kinumpronta niya ito.

"Anong problema Yran? may problema kaba?
may nagawa ba ako?"

"Wala,marami lang akong ginagawa"

Nasaktan man sa tono na ginamit ni Yran sakanya ay pinalagpas nya lang ito at inintinde siguro ay marami lang talaga itong ginagawa at nauubusan lang ng oras para sa kanya..

Ngunit isang araw nalaman nalang niya ang dahilan kong bat nag-iba si Yran.
Nagbalik na pala ang kaniyang tunay na minamahal,ang babaeng kaniyang iniyakan ang kanyang unang pag-ibig. Si Ivory isang napaka gandang babae,mayaman at mataas ang antas ng pamilya. Sa madaling salita "kabaliktaran niya".Ano ba ang laban niya rito? Omega lang siya at kahit pa sabihin na "mate" niya si Yran ay wala paring tumbas ito sa kanilang nakaraan. Baka napipilitan lang si Yran na tanggapin siya dahil nangungulila ito sa pag alis ng kaniyang tunay na iniibig.

Kaya ginawa niya ang sa tingin niyang tama.
Ayaw niyang maging sagabal sa pagmamahalan ng dalawa, kung kaylangan niya masaktan para kay Yran ay gagawin niya. She rejected him and run away.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

🌙Moon Valley 🌙Where stories live. Discover now