PROLOGO

21 2 0
                                    


Halos lahat sa atin ay may kanya-kanyang karanasan patungkol sa mga kababalaghan. Iba't-ibang bersyon ang naririnig at pinapasa-pasa kahit saan.

Ano nga ba ang totoo sa likod ng bawat kuwentong lumalaganap?

Walang nakakaalam kundi ang mismong kinatatakutan nila. Multo o mga elementong nagpapakita sa kalagitnaan ng gabi.





Humahangos na tumatakbo ang isang babae papunta sa limang palapag ng paaralan. Tinahak nito ang kahabaan ng hallway. Pagdating sa dulo ay lumiko ito.

Umakyat ito sa hagdan papunta sa rooftop ng paaralan. Luminga-linga ito sa paligid. Tanging mga ilaw lang sa ilalim ng gusali ang nagbibigay tanglaw sa taas ng rooftop. Ang kalangitan ay kakitaan ng kadiliman. Ni isang bituin ay hindi makikita kahit saan.

Humakbang ang dalaga habang nanginginig ang mga tuhod. Pinipigilan nitong humagulgol. Ikinuyom nito ang mga kamay. Nang makarating ito sa railings ng rooftop ay huminto ito. Tiningnan nito ang kabuuan ng paaralan.

Tumingala ito sa madilim na kalangitan. Tila may malalim na katanungan. Ilang minuto itong nakatulala. Ilang sandali pa ay nagsimulang pumatak ang ilang butil ng ulan mula sa kalangitan. Kasunod ang pagpatak ng luha mula sa namumugtong mata ng dalaga.

Tuluyan itong humagulgol. Pagkatapos ay sumigaw ito nang malakas. Kakitaan sa pagtangis nito ang sakit na ngayon lang nailabas sa kanyang pagkatao.

Lumakas nang lumakas ang patak ng ulan. Nabasa ang suot nitong mahabang bestida. Inihakbang nito ang mga paa hanggang sa makaabot sa dulo ng sementadong bahagi ng rooftop. Isang maling kilos lang ay siguradong lalagapk ang katawan ng dalaga.

Narinig ng dalaga mula sa likuran ang yabag ng mga paa. Palapit ito nang palapit sa kanyang puwesto. Sigurado na ito sa kanyang desisyon. Sa kanyang pagkilos ay isang kamay ang humawak sa kanyang likuran.

Sinundan iyon nang malakas na sigaw na pumunit sa katahimikan ng gabi.

Ang White Lady Sa Room 101Où les histoires vivent. Découvrez maintenant