Chapter 8 (Out of place)

41 5 0
                                    

“Tinawagan ako ni itay, pumunta raw kayo sa kan’ya?” tanong ni Andrey

“Oo” sagot ni Andrew bago umupo sa sofa.

“Mizuki, gusto mo ba magkape?” tanong ko. Umiling naman ito bilang sagot, napatingin naman ako sa jacket na suot nito pero hindi ko na lang ininda ang bugso ng damdamin ko.

“Sabi ni itay ako raw muna ang magbabantay sa‘yo” sabi ni Andrey kay Mizuki.

“Kaya ko naman s’yang bantayan” sabi pa ni Andrew

“May kailangan kang bantayan na tao Andrew” singit ni khairo na may dalang hot coco at inilapag sa harapan ko.

Bakit pakiramdam ko sinasakal ako ng atmosphere rito? Simula nang dumating si mizuki halos hindi na ako kausapin ni Andrew.

“Tara na sharmaine, may pupuntahan tayo” madiing sabi nito bago tumayo at nauna nang naglakad

“Siguro dapat mo munang pahingahin si sharmaine” suhesyo ni Khairo

“Hindi nararapat sa kan’ya ang magpahinga” sabi pa nito

“Mamayang alasotso na lang kayo maglakad Andrew, mag breakfast muna kayo. Ipagluluto ko kayo” mahinhin na sabi ni Mizuki, napalingon naman si Andrew at tahimik na bumalik sa upuan. Si mizuki naman ay tumayo na at tumingin saakin

“Nasaan ang kusina?” tanong nito saakin, napatawa ako dahil sa tanong nito, ang lakas kase magpresenta magluto pero ang totoo ay hindi s’ya marunong magluto.

“Samahan na kita” sabi ko at tumayo narin. Nang makarating kami sa kusina ay kaagad kaming tumingin ng makakain sa ref. May mga karne rin dito kaya naisipan kong magluto ng beef steak.

“Nagpresenta talaga akong magluto para pigilan kayong umalis, mukhang pagod kana kase” sabi nito. Nagsimula na rin akong maghiwa ng karne habang s’ya ay dumadaldal sa upuan.

Mabilis ang naging kilos ko habang nagluluto at tinutulungan naman ako ni mizuki iabot ang mga ingredients. Nang tapos na ay pinatikim ko sa kan’ya ang lasa.

“Walang kupas, ang galing mo parin magluto” sabi nito. Hinanda narin namin ang lamesa bago sila tinawag doon.

“Kakain na” sabi ni mizuki. Nang makarating sila sa kusina ay mangha silang napatingin sa ulam at mga prutas na nakalagay sa lamesa. Nang umupo sila ay umupo narin kami at kumain.

“Ang sarap ng luto mo mizuki” sabi ni Andrey

“Salamat, pero—” naputol ang sinasabi ni mizuki ng magsalita si Andrew

“Yeah, masarap nga” sabi pa ni Andrew. Hindi na lang kami umimik ni mizuki at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

“Saan na kayo n’yan?” tanong ni khairo nang makitang bihis na bihis si Andrew

“May tumawag saamin eh, need daw kami” sagot nito

“Diba may pasok pa tayo sharmaine?” sabi ni mizuki para pigilan ako sa pag-alis.

“Ah.. kailangan ako ni Andrew” sagot ko.

“Ako na sasama kay Andrew, pumasok kana” sabi ni khairo.

Napilitan naman akong sumunod kahit labag sa kalooban ko.

“Okay” sagot ko bago bumalik sa loob ng kwarto at nagbihis ng uniform. Nandito si mizuki natutulog sa kwarto na tinutuluyan ko.

“Tara na” aya ni mizuki nang makaprepare na kami.

“Hatid ko na kayo” alok ni Andrey, naunang umalis si khairo at Andrew saamin dahil maaga pa lang ay umalis na ito. Sumakay na kami sa kotse at pinaandar n’ya na ito.

I Will Always Find You (Season 1)Where stories live. Discover now