Kaya lumapit ako rito at sinundan ang tinitignan niya.
Isang ilog ang nasa baba ng tulay.

"Tsk! Anong meron diyan sa baba?"-i ask. Napairap pa siya na lumingon sakin.

"Tsk, umalis kana kaya dito. Baka isipin pa ng mga dumadaan dito, may nagdedate na dalawang tao rito."-nakairap nitong saad. "Tiyaka, hindi ako magpapakamatày manong. May ginawa kasi akong bangkang papel kung saan nakasulat dun ang wish ko na gusto ko magkatotoo."-she said at parang malungkot ang mata nito.

"Wish? Nagkakatotoo ba yan?"-tanong ko na nagtataka.

"Ewan ko, matagal ko ng ginagawa ito. Simula pa ng bata ako, tuwing baha ang kanal sa tapat namin ginagawa ko ito at may kasamang wish. Pero may isa namang natupad, kaso hindi pa masiyado totally succesful na masasabi."-she said at nakalukot ang mukha niya.

She's  morena girl, medyo tama lang ang height niya para sa mga babae. Parang sexy naman siya kaso medyo flat chested nga lang. Hindi kataasan ang ilong, yung cute nose lang ang meron siya. Mataray ang mga kilay at medyo lumalaki ang mata pag galit lalo na kanina. Naka liptint din ito at may black sling bag na suot.

Pinilig ko ang ulo ko.

Ano ba ito? Bakit ko ba siya kailangan tignan at idescribe ang mga nakita ko.

"Ano ba yung nagkatotoo sa wish mo?"-i ask seriously. Napairap ito sakin ng lingunin ako.

"Close tayo? Makatanong ka diyan!"-masungit niyang turan.

"Masiyadong FC."-she added.

"FC? Whats the meaning of FC?"- i ask.

"FFC pala, fvcking feeling close."-she said.

"Are you sure na hindi ka magpapakamatay?"-i ask na parang naninigurado pa. Umirap pa siya bago tumango.

Ewan ko ba, parang kaharap ko ngayon ang ate kong sobrang taray kung umirap.


"I Jsut wanted to be nice at all. Wag mo sanang masamain yun. Ayokong may nakikita akong ganito, i have a trauma sa suicide scene."-i said and i sighed.

"Mahal ko buhay ko, bakit naman ako magpapakamatay. Sarili ko na nga lang nagmamahal sakin, pâpâtayin ko pa."-she said.

Hayss, buti naman. Hindi siya magpaakamatay.

"Meron ka bang problema na dinaramdam. Pwede mo kong sabihan, total hindi naman tayo magkakilala. Hindi na tayo magkikita pa ulit, pwede mong sabihin sakin kung ano man ang problema mo."-i said to her and a calm tone voice.

"Baka marites ka eh. Or kaya baka mas malala ka pa sa mga mosang naming kapit bahay."-she said at medyo nakataas ang isang kilay nito.

"Marites at mosang? Hindi ko alam ang mga yan."-i said while chuckled.


"Wag mo na lang alamin, mukhang taga maynila ka. Pasalamat ka, marunong akong magtagalog."-she said. At naupo ito sa may gilid na parang stairs siya. "Wala kasi mga kaibigan ko, lahat sila may asawa na at kaniya kaniyang buhay at pamilya. Kaya all this time, palagi kong sinasarili ang problema ko."-pagsisimula niya sa kwento niya.

Naupo ako sa may stairs din pero dalawang metro ang layo namin sa isa't isa.

"Family matters lang, financial at iba pa. Baliw lang ang nawawalan ng problema. Siguro ako na yung legal na anak pero parang ampon at sampid lang sa bahay."-she said at pilit siyang ngumingiti sa akin. At parang maiiyak na.

"Ako yung nagseryoso, pero ako pa yung linoko. Ako na yung ginawa ang lahat pero ako pa yung mali."-she said at tuluyan na ngang bumagsak ang luha niya. Agad niya itong pinunas at umiwas pa ng tingin sakin. "Akala ng iba, masaya ako. Kasi pinapasaya ko  sila. Pero ang totoo, ang plastik ko. Isa akong peke na tao sa harap ng mga tao at sa social media. Pekeng nagpapanggap na masaya at okay lang."-patuloy na lintaya niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DOCTOR'S BENEFITSWhere stories live. Discover now