Chapter 7: Necklace

19.7K 701 63
                                    

Tahimik akong umiinom ng white coffee sa isang sikat na coffee shop dito sa Paris. Ngayon ang balik ni Ryker pero hindi naman kailangang salubungin ko pa siya sa pagdating niya since nagkakandarapa pa din naman sa kanya ang ibang mga contestants. Parang first time makita, ganon.

Mahinhin akong tumingin sa labas ng glass window at minanmanan ang mga tao sa paligid.

Isang malaking himala ho ang nangyayari ngayon dahil hindi ho talaga sanay tumahimik ang isang Breanna Suarez.

Almost three weeks na din pala ako doon sa mansyon ng mga Constantine. I quite anticipated na wala pang isang araw ang itatagal ko dun pero dahil sobra ata akong minamalas, tumagal ang stay ko doon.

I am still wondering about Ryker's real persona. Naiirita ako sa tuwing iniisip ko na baka palabas lang talaga niya ang ugaling ipinapakita niya sa akin. Pero there's a little hope na natitira sa akin na totoo yun.

I sighed tiredly saka pumikit nang biglang may magsalita sa harap ko, "Nice shot."

Napalingon ako agad dito at nagulat nang makita ko si King na hawak hawak ang isang mamahaling camera habang nakangiting nakatingin doon. Naka-hoodie siya at nakasalamin pero I could still tell na siya yun.

"You're in deep thought, what are you thinking?" He asked smiling but still looking at his cam.

"Give me that. You're not allowed to just take a stolen shot from me." Inis kong sambit.

"No way. You look beautiful here. I'm such a great photographer."

I rolled my eyes, "What are you doing here?"

"Shouldn't I be the one asking you that?" Pabalik niyang tanong.

Napasimangot ako. Pumunta ako dito para naman makapag-isip isip ako tapos ngayong nandito siya, paano ako makakapag-isip ng maayos?! Holy smurfs, mas malala pa siya doon sa kalbong presidente ng school ko! Ang lakas maka-stress ng kagandahan!

Nakita kong ibinaba niya sa lap yung camera niya saka ipinatong ang magkabilang braso niya sa mesa. He entwined both of his hands saka ipinatong doon ang chin niya before giving me a wide smile.

"You look happy." I said in annoyance. Kaya naman pala niyang sumaya ng hindi ako kailangan eh, sira talaga si Ryderbebelabs.

"I am?" Takang tanong niya.

"Yes."

"Really?"

I shrugged, "I just find it weird that you're smiling genuinely today since you rarely smiles truly. Something good happened?"

Nanonosebleed ho talaga ako kapag kinakausap ko siya. Pero totoo, masaya siya, I can tell it by the look in his eyes.

"You happened." He said smiling which made me blush. WTF. PINAKIKILIG NIYA BA KO?

Tumayo ako at napatingin sa wrist ko, "Look at the time, I think I need to come back na."

"You weren't wearing any wrist watch, dummy." He said laughing.

I frowned at him, "I could just tell! I'm a clock goddess."

Padabog ako naglakad palabas ng coffee shop habang siya nama'y nakasunod sa akin. Lumingon ako sa kanya at pinalayas siya pero waepek, gusto yata talaga akong sundan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya isa lang ang matinong naisip kong gawin...

I run.

Hingal na hingal ako pagdating ko sa loob ng mansyon. The other girls looked at me confused and at the same time disgusted.

The Puerile QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon