"Kailangan pagbalik natin sa mansion, sabay tayo magpapaenroll."





"Okay!" Simpleng sagot ko.




"Nakausap kona sina, Cherry! She want to say sorry about her behavior noong bago tayo umalis. She promised to me na magsosorry sila sayo kapag uwi natin."



Napatingin ako sa kanya muli. He's serious habang habang nakatingin ng diretso sa daan.





"Ngayon mo lang sila kinausap, kung kelan pauwi na tayo?"



Napakunot ang nuo nya.


"I don't want to talk to them. After what they did to you." Marahan niyang sinabi.





"Tope, it's my fault, dapat nga ako ang humingi-" he cut me off.


"Tapos na, that's final. Hindi nila pwedeng kampihan ang gagong, Warren, na iyon. Nauna syang may gawin na mali sayo. Hindi mangyayari iyon kung hindi niya ginawa 'yon, after all." He said with finality.



Natahimik ako at pumasok na lang sa loob ng tindahan na pinasok ni Lolo, may mga bumati kagad sa kanya na staff at inassist pa si Lolo. Ganon din samin ni Tope.



Humiwalay samin si Lolo, dahil sa isang staff na inalalayan si Lolo. Nagpasya kami ni Tope na pumunta sa kalasungat na bahagi nitong tindahan, nagtingin tingin ako ng keychains at kung ano ano pang pwedeng bilhin.






"Para kanino ang mga ito?" Tanong ni Tope nong makita niya ang mga hawak kong mga damit at ibang pang mga gamit, tinulungan ako ng isang staff at ni Tope sa pagdadala.




"For, Clara and Manang Tania." Simpleng sagot ko.




"For them? Bakit?" He asked me again.





"Peace offering?" Patanong din na sagot ko. Napatingin ako sa kanya, at nakita kong nakakunot ang nuo nya sa'kin at saka napangiti.





"Ireregalo mo sa kanila." Hindi pagilang ngiti ni Tope. "Matutuwa sina, Ate Clara sayo."



Bahagya akong nahiya. He knows na hindi din naging maganda ang pakikitungo ko kina, Manang Tania. Masyado akong naging masama din sa kanila. I'm doing these 'cause I want to be closer with them, and also kay Tope.






"Do you think?"




"I know them." He said.



Nagpatulong ako sa kanya sa pamimili ng mga magagandang ibigay kina Clara. Medyo marami din akong napili, pinigilan din ako ni Tope, dahil masyado na daw madami.



Sandali akong natigilan ng maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Mabilis kong tinignan iyon at hinayaan si Tope na magtingin tingin din.






Unknown Number:



Where are you? Can we talk please?


Napakunot ang nuo ko dahil sa pagtataka. Wala akong pinagbibigyan ng number ko kahit na sino, isa pa ay bago lang din ang sim ko simula ng mapunta ako dito. I change my number.

Mabilis na nasundan ng isa pang text.




Unknown Number:


This is Mike.






Natigilan ako lalo at napakagat ng aking pang ibabang labi. Wala pa akong napagbibigyan ng number ko, bukod kina Ate sa pamilya ko at kina James na kaibigan ko palang.





Stripping with his SeductionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt