"Gusto n'yong bumaba, boss?" tanong ng taxi driver.

"Ha? Ah, no. Please, tuloy tayo sa Hellville Academy."

Sumandal si Cole at nag-isip.

Nakakalito. Were they the same people?

"Sir, kilala ba ninyo ang mga Caedis?" maya-maya ay tanong niya sa driver.

The driver snorted. "Kilalang-kilala, Sir."

"Not a fan?"

Hindi agad sumagot ang lalaki.

"Don't worry. I'm a Sentry from ISOP. I'm investigating the Obis massacre. Everything you say will be just between us."

"Ah kasi, Sir... ang anak nila, mabait naman. Sikat na singer. Sa tingin ko ay hindi siya ang pumatay sa mga mortal na 'yun.

Pero ang mag-asawang Caedis? Naku! Ang salbahe ng dalawang 'yun. Nagkautang kami sa bangko nila kasi nagkasakit ang anak ko last year. Alam n'yo magkano ang interest rate ng loan namin? Sixty percent! Siempre, kumapit kami sa patalim para sa anak namin. Gumaling nga pero baon kami sa utang. Na-late ako ng isang araw ng monthly due ko, kinuha nila lahat ng collateral ko na bahay, sasakyan at negosyo. Kaya heto ako ngayon. Nagmamaneho ng taxi na pag-aari ng dati kong kompanya."

Hindi makapaniwala si Cole sa narinig.

"Legal ba 'yun?" aniya na litong-lito.

"Opo. Late kasi ako. I signed the contract."

Napabuga ng hangin si Cole. The couple he met didn't seem capable of doing such heinous act.

But this man couldn't be lying. His voice was full of hatred and anger.

"Pity. They used to be great people," maya-maya ay dagdag ng driver.

"Ha? What do you mean?"

"Siguro mga thirty years ago, hindi naman sila sobrang yaman. N'ong ipinanganak si Kamdyn, noon sila nagsimulang maging ganyan. Stealing people's properties and businesses under the protection of the law, of course. 'Yun 'yung panahon na nagsimula silang maging masama. Para siguro ma-secure nila ang future ng anak nila kaya nagpayaman sila nang husto kahit na may naapakan na silang iba."

Nagpasalamat si Cole sa driver nang makarating sila sa Hellville Academy. He paid the man a lot of money. Hindi pa nga ito makapaniwala, pero gusto n'ya itong tulungan. The money he gave him was enough to start another business.

He was a victim.

"What are you doing here?" bungad sa kanya ni Rianah nang makapasok siya sa opisina ng mga ito.

"Cole!"

Napangiti si Cole nang makita ang kanyang Uncle Max, younger brother ng Mom n'ya.

"Uncle Max," he hugged the man tightly. Hindi n'ya ito madalas makita dahil lage itong bumibiyahe kasama ang asawa na si Raye at anak na si Thaïs.

"Cole, I'm so happy to see you," sabi naman ni Raye na yumakap din sa kanya.

Max, being half vampire, was slow in aging. He was fifty-one, just three years younger than Savannah, but he looked like he was in his early thirties.

Raye, on the other hand, as a witch, looked her age, also fifty-one.

"I'm so glad to see you both too," sagot ni Cole.

"So, bakit nandito ka nga? Nasaan na ang suspect mo?" usisa uli ni Rianah. Nasa harapan ito ng desk nito. Wala naman ngayon ang magkapatid na Faizah at Lorenzo. "Sino ang nagbabantay?"

"I know people. They're interrogating her now," sagot niya. "What I need right now is access to do background checks on people."

"Ha? So, bakit ka dito nagpunta? Doon sana sa police station," ani Rianah.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now