CHAPTER 24 : PLEADING

Magsimula sa umpisa
                                    


Umakbay siya sa akin. "Napag-aaralan naman 'yan."


"Wala na kong time mag-aral ng math."


"Sus. Tinatamad ka lang ata, beh."


"Marami akong plates na gagawin."


"Tapos ka na ba ro'n?"


Napaungol na naman. "Hindi pa nga, eh."


Natawa siya ng marahan. "Regrets?"


Ngumuso ako at umiling. Hindi naman ako nagsisi sa kinuha kong course. Nafufrustrate lang sa pag-a-adjust bilang college student. Nakamimiss pa rin ang high school. Wala akong problema sa majors ko. Itong minor subjects ko na puro math ang malaking problema.


"What about your brother's suggestion? Hindi ka ba nanghinayang do'n?" Marahan niyang tanong. Natigilan ako ng ilang saglit.


"Napag-usapan naman namin nila kuya 'yon. Saka nakaalis na si Kuya Rex. Bothered ka pa rin ba ro'n?"


Last week pa umalis ang Kuya ko. Si Kuya Ryan, naka-schedule ang pag-alis sa susunod na buwan. Ang maiiwan na lang dito ay ako at si Kuya Roy. Sa pagkakaalam ko, next year pa naman aalis si Kuya Roy ng Pilipinas.


"Hindi naman bothered. Naisip ko lang na maganda yung plano nila para sayo at kung sakaling tinanggap mo 'yon, hindi ka siguro mahihirapan ng ganito."


"Hindi rin." Tanggi ko. "Masmahirap do'n."


Sa tuwing napag-uusapan namin 'yon ay gusto ko agad ibahin ang topic dahil pakiramdam ko ay nanghihinayang si Ren na hindi ko tinanggap ang offer nila Kuya. Parehas naming ayaw ng long distance relationship pero kung quality lang ng pag-aaral ang magiging basehan, maganda ngang mag-aral sa New Zealand.


Inalis ko 'yon sa aking isipan at nginitian si Ren na tila nag-i-space out na naman.


"Hayaan mo na 'yon, okay? Nakaalis na si Kuya Rex at hindi naman nila ako pinipilit na mag-aral do'n. Mas prefer ko rin dito." Sabi ko sa masiglang tono. Tumango siya at ngumiti sa akin. Nakahinga ako ng maluwag sa ngiting 'yon dahil tila 'yon assurance. Assurance na naiintindihan niya ang kalagayan ko.


"Just tell me kung nahihirapan ka, okay?" Seryoso at malumanay niyang sambit.


Ngumiti ako pabalik. "Basta math."


"Kahit hindi math." Segunda niya na nagpahagikgik sa akin.


Kinabukasan ay pinagkaguluhan ng mga classmate ko ang assignment ko. Hindi sila magkamayaw sa pagkopya dahil anumang oras ay darating na ang prof namin.


"Paano mo nasagutan 'to? Pinagpuyatan ko 'to kagabi pero wala akong sure win. Lahat hulabells." Sabi ni Gina Rose nang hindi ako tinitignan dahil busy siya sa pagkopya ng assignment. Seatmate ko siya at ang pinakauna kong naging kadaldalan.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon