Chapter 3 (Only exception..)

Start from the beginning
                                    

"At hoy ikaw hindi ako malandi at hindi ako prostitute na nagbibigay ng service para sabihin ko sayo yung lalaking Maruya na yun ay-" Shet ano nga ba nya ako? Wala.

As in wala. Meron pala.

Sleeping pill.

"Tss ano ka nya? Parausan? Isa ka lang din sa maraming babae nya at pagkatapos pagtatabuyan pag nagsawa na sya sayo. Sayang maganda ka pa naman pero parausan lang. I'm a senator's daughter eh ikaw pinulot kung saan saan so sa huli ikaw ang kawawa at ako pa rin ang pipiliin nya slut!-Ouch!" Sa inis ko sinampal ko ulit sya sa kabilang pisngi naman para pantay.

"Sabi ng hindi ako malandi! Lumayas ka na kundi makakapatay na talaga ako! Para sabihin ko sayo kalalabas ko lang sa kulungan dahil sa napatay kong malandi sa kanto namin baka gusto mong-"

"D4mn! How can Maruh had s€x with a crazy criminal slut like you!" Namumula sa inis nyang sabi habang papalabas ng pinto.

Nakakaasar sya!

Isasara ko na sana ang pinto ng may isa na namang haliparot na nasa harapan ko.

"Hey alipin where is Maru? Who are you? Oh another whore maybe. " Taas kilay na tanong nya and this time mas tinalo pa sa ikli ng damit ang pucca na babae na yun kanina.

Eto naman mukhang picachu din mas makapal ang blush on. And Wow alipin na whore pa? Bwiset talaga ang mga mayayamang maarte nato!

"Bwiset! Ako ang papatay sayo! Layaaaas!" Asar kong sigaw sabay sara ng pinto at wala akong pakialam kung natamaan ang pokemon na yon!

Nakakainis sila! Ilan ba talaga sila na pumipila sa condo ng haliparot na Maruya na yun?!

Bwiset ka Maruya! Mamatay ka na!

Asar na tumakbo ako papasok sa kwarto ng Maruya na yun at tumalon sa kama at pinaghahampas sya ng unan sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"Hey hey Heavenko! Hey bakit ka namamalo ang aga pa mamaya na tayo magharutan inaantok pa ako eh.." pigil nya sa hampas ko na kung makatawa akala mo natutuwa ako.

"Bwiset ka Maruya! Babaero ka talaga! Mamatay ka na!" Asar na sigaw ko sabay sampal sa matigas nyang braso.

Mukhang nasaktan naman sya kaya napaupo sya bigla sabay hawak sa dalawa kong kamay na na pinaghampas ko sa kanya.

"Nyeta ka Maruya! Nakakatanga ka alam mo ba?!"

"Ano bang nangyayari sayo? Teka bakit ka umiiyak?" Kunot noong tanong nya. Kundi ko lang kilala to iisipin kong nag-aalala sya sa akin.

Teka umiiyak ako? Pero bakit? Kase nasaktan ako sa mga sinabi ng mga babaeng yun lalo na si pucca na tagos sa dibdib ang sakit kase totoo.

Ang saket lang eh ngayon lang ako nasabihan ng malandi at english pa. Nosebleed men.

"I hate you Maruya..huhuhu"

"Shhhh huwag ka umiyak please.." di magkandaugaga na haplos nya sa mukha ko.

Tinabig ko kamay nya.

"Huwag mo ko hawakan! Baka magalit ang mga babae mo na ilan ba sila na pumupunta dito ha? Napaaga ata sila at nadatnan ko pa sila ngayon?" Sarcastic na tanong ko.

"Ano babae?"

"Oo babae kunware di mo alam? Inosentemuch? Bwiset yung mga babae mo na parang christmas tree sa dami ng nakasabit na alahas tamaan sana ng kidlat! at parang naghihirap sa tela sa sobrang iikli ng suot! At..at mga babae mong tumatawag sa akin ng ma..malandi na nga alipin pa! Nyeta naman nanay ko nga di ako sinasabihan ng malandi..tapos..tapos sila english pa huhuhu nagdugo na nga ilong ko ang sakit pa sa puso huhuhu"

The Possesive "MARHOID"Where stories live. Discover now